25/12/2023
๐๐๐ง๐๐๐๐๐๐ก | ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐ฏ๐ผ๐น ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐๐ธ๐ผ ๐๐ฎ ๐ฃ๐๐๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป
Nalalasap na ba ninyo ang haplos ng malamig na simoy ng hangin? Oo, tama, dumating na ang Disyembre! Sa nalalapit na Kapaskuhan, ang bagong pag-asa ay sumisilay kasabay ng pagkinang ng tala ng Pasko sa buhay ng publiko. Sa mga kabataan, tanaw na ang ligayang hindi mapantayan, naglalaro sa kanilang mga labi ang masisiglang ngiti habang marahang bumabalot ang diwa ng Pasko sa kanilang mga puso. Ang diwa ng Pasko ay naghahari sa puso ng mga mamamayan at sa kapaligiran.
Hindi na kakaiba sa lahat na bago magsimula ang bakasyon ng mga mag-aaral tuwing
Disyembre ay nagsasagawa muna sila ng Christmas party, o mas kilala ngayon bilang Year-end party. Isa ito sa pinakahihintay ng mga mag-aaral sapagkat ito ang pagkakataon na magsama-sama sila upang ipagdiwang ang mga tagumpay, masasayang karanasan, at nabuong pagkakaibigan sa buong taon. Ito rin ay paraan ng pamamaalam sa bawat isa dahil halos tatlong linggo ang kanilang bakasyon.
Kailangan ng masusing paghahanda para sa gaganaping pagdiriwang sa paaralan. Ilan sa mga paaralan ay nagkakaroon ng parol-making activity para sa mga mag-aaral, habang ang iba naman ay naglaan ng budget para sa pagbili ng mga dekorasyon. Sa kabilang dako, dahil sa pulidong paghahanda at pagkamalikhain, matagumpay na nairaos ng bawat paaralan ang kanilang pagdiriwang. Mula sa Year-end party ng mga mag-aaral na nagkaroon ng pagpapalitan ng regalo at ibaโt ibang laro gaya na lamang ng โtumpaknersโ na hango sa isang TV show, pass the message, at bring me, naipamalas nila ang kanilang pagiging aktibo. Hanggang sa mga g**o at non-teaching staffs, na nagkaroon naman ng munting salusalo at grand raffle, naipadama ang tunay na diwa ng Pasko.
Taon-taon ay idinaraos ang Simbang Gabi na nagsisimula tuwing ika-16 ng Disyembre. Isang banal na seremonya na ginaganap sa siyam na araw bago ang Pasko. Layunin nito na ipakita ang pananalig, pananampalataya, pasasalamat, at pagmamahalan ng pamilya sa Diyos. Sa paglinis nito sa iyong kalooban, handa ka na para sa pagdiriwang ng kaarawan ni Hesus at pagtanggap sa bagong taon nang may malinis na puso. Sa unang araw, isinasagawa ang seremonya ng liwanag. Naniniwala ang ilan na kapag nakumpleto ng isang tao ang siyam na Simbang Gabi, matutupad anuman ang kaniyang hilingin sa pagsapit ng Pasko.
Tunay man o hindi, tradisyon na ng bawat pamilyang Katoliko ang mag-Simbang Gabi, isang relihiyosong gawain na naglalayong magbuklod ng pamilya at mapalapit ang kanilang kalooban sa Diyos. Sa pamamagitan nito, naipapasa rin sa mga bata ang tradisyon at tapat na pananampalataya sa Diyos, lalo na sa darating na Pasko.
Ngayong bakasyon, masaya ang mga bata sa pagkakaroon ng oras na makasama ang kanilang pamilya. Ang iba ay nagbalik-probinsiya para hindi lamang ang kanilang pamilya ang kanilang makasama, kundi pati na rin ang mga kamag-anak mula sa malalayong lugar.
Ang Kapaskuhan ay naging oportunidad upang makapag-kamustahan ang magkakaanak na nawalay sa isaโt isa sa nakalipas ilang buwan o taon, gaya na lamang ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na naghahanapbuhay sa malalayong lugar at bihira lamang umuwi sa bansa. Naging daan ito upang maging mas malapit sila sa kanilang pamilya at mapawi ang lumbay sa nagdaang panahon na hindi sila magkakasama.
Sa muling pagbubuklod ng bawat pamilya, hindi mawawala ang pagbibigayan ng mga regalo. Bagamaโt hindi lahat ay nakatatanggap nito, higit na nakalalamang ang halaga ng muli nilang pagkikita-kita upang sama-samang ipagdiwang ang Pasko.
Samantala, sa pagdating ng bakasyon, nabibigyan din ng pagkakataon ang kabataan na makipagkita sa kanilang mga kaibigan at makipag-ugnayan sa kapwa kabataan. Ito ay nagpapalalim ng kanilang pagkakaibigan at nagpapalawak ng kanilang kakayahan sa pakikisama at pagpaparami ng mga kaibigan, naglalayong gawing mas masaya ang
kanilang Kapaskuhan.
Para sa mga kabataan, kakaibang sigla at ligaya ang kanilang nadarama na dala ng Disyembre. Sadyang makapangyarihan ang diwa ng Kapaskuhan, gayong hindi pa man sumasapit ang mismong araw ng Pasko ay may matindi nang epekto sa puso ng mga bata sa mundo.
Tunay na ang Pasko ay panahon ng pagpapalaganap ng pagmamahal at pananampalataya, napupuno ng pagbibigayan at kasiyahan. May regalo, masasarap na pagkain, komportableng bakasyunan, at pagdiriwang.
Ngunit, kung minsan ay hindi maiiwasan na hindi sapat ang laman ng bulsa para sa isang selebrasyon. Gayunpaman, tuloy ang Kapaskuhan! Oo, ang Pasko ay puno ng kasiyahan, ngunit ang simpleng salusalo ay sapat na dahil ang tunay na kahulugan ng Pasko ay naipamamalas sa pagmamahalan, panananalig sa Diyos, at pagbabahagi.
Sulat ni Ashanti Malonzo | Sinagtala
Kuha ni Jasmine Rivera | Sinagtala