
03/09/2024
Walang Pasok Advisory
Suspendido ang klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Pasig ngayong araw, Miyerkules, September 4, 2024.
Kaugnay ito ng patuloy na malakas na pag-ulan dala ng Hanging Habagat, kaya naman nag-issue ang PAGASA ng Heavy Rain Fall Warning, na kasalukuyang nakataas sa "Yellow* Warning Level" sa Metro Manila.
*05:00AM Heavy Rainfall Bulletin
———
PAALALA: Ang class suspension announcements sa Lungsod ng Pasig ay magmumula lamang sa page ng Pasig City Public Information Office at ni Mayor Vico Sotto.
Maging maingat po sa pag-share ng announcements, lalo na kung hindi official ang source.
Maraming salamat po at mag-ingat po ang lahat.