03/10/2022
ANG MGA HIHILING NG TAONG NAGING PABAYA KAPAG SILA AY NAMATAY NA
Ang taong maraming pagkukulang at pabaya, ay dumadaan sa kanya ang araw, oras, minuto habang siya ay nasa kalagayan ng paggawa ng kasalanan at kanyang ina-antala ang kanyang pagbabalikloob sa☝️ALLAH,
at kanyang nakalimutan na ang kamatayan ay dumarating ng biglaan, hanggang sa siya ay makarating sa kanyang libingan na wala siyang kasama dito maliban sa kanyang mga Gawain, at hindi na maibabalik ang lahat,
Kaya siya ay magsisisi at hihiling ang mga bagay na ito:
1.ANG SALAH KAHIT DALAWANG RAK’AH LAMANG:
Isinalaysay ni abu hurairah: na isang araw ay dumaan si propeta Muhammad (sallallahu alaihi wasallam) sa isang libingan at nagsabi: sinu ang nakalibing dito? Sabi ng mga sahaba: si (fulan), at kanyang sinabi: ang dalawang rak’ah ay mas gugugtuhin ng taong yan kaysa natitirang buhay niyo dito sa mundo.
2.SADAQAH (KAWANGGAWA):
Sabi ng☝️ALLAH: kanyang sasabihin(tao) bilang pagsisisi kapag nakita na niya ang mga palatandaan nito: “O☝️ALLAH Maaari Mo ba akong pagkalooban ng maikli pang panahon, at iantala Mo ang aking kamatayan, UPANG MAKAPAGBIGAY AKO NG KAWANGGAWA, at nang ako ay maging kabilang sa mga mabubuti na may takot sa Iyo?”…. Sûrat Al-Munâfiqûn 10-11
3.GAWAING MABUBUTI:
Sabi ng☝️ALLAH SWT: kanyang sasabihin: “O allah! Ibalik mo ako sa daigdig, Upang mapagpunan ko ang anumang aking sinayang na paniniwala at PAGSUNOD (mabubuting Gawain).” Subali’t ito ay hindi mangyayari sa kanya! Dahil ito ay salita lamang na kanyang sinasabing kasinungalingan… [Sûrât Al-Mu`minûn 99-100]
nawa'y ibilang tayo ng☝️ALLAH SWT sa mga taong makakapasok sa kanyang paraiso at iligtas niya mula sa empyerno.
Barakallahu feekum!🌿
Credit to the wrightful owner