14/07/2021
May kaibigan ako na nagtanong kung magkano magpainstall ng OS sa kaniyang PC.
𝗠𝗲: ₱700 po.
𝗖𝘂𝘀t𝗼𝗺𝗲𝗿: Ayy ang mahal naman! Magki-click click ka lang naman diyan
𝗠𝗲: Magkano po ba sa tingin niyo ang presyo?
𝗖𝘂𝘀𝘁𝗼𝗺𝗲𝗿: ₱300! Madali lang naman 'yon 'di ba? Naka-upo ka lang diyan, hindi ka naman mapapagod
𝗠𝗲: ahmm sige po, pwede naman ikaw nalang po gumawa dahil madali lang naman po sabi niyo
𝗖𝘂𝘀𝘁𝗼𝗺𝗲𝗿: Pero hindi ko alam kung paano eh
𝗠𝗲: Ganito po, tuturuan kita for ₱200, nakasave ka pa ng ₱500. May knowledge ka pang nakuha.
𝗖𝘂𝘀𝘁𝗼𝗺𝗲𝗿: Sige, pwede na rin.
𝗠𝗲: Pero, bago ka po magsimula, may mga kailangan tayong gamit:
Laptop/PC for creating bootable storage (₱10,000 - ₱50,000)
Bootable storage (₱500 - ₱2,000)
Screw drivers (₱1,000)
Other necessary tools (1k - 2k)
𝗖𝘂𝘀𝘁𝗼𝗺𝗲𝗿: Hala. Wala naman akong mga ganyang gamit. Bibili pa ba ko niyan, isang PC lang naman gagawin ko.
𝗠𝗲: Sige po, rentahan mo nalang yung mga gamit ko for ₱500. Sa Tuesday po ako available. Hintayin po kita dito.
𝗖𝘂𝘀𝘁𝗼𝗺𝗲𝗿: Ay, hindi ako pwede sa Tuesday, may importanteng lakad ako.
𝗠𝗲: I'm sorry po, sa Tuesday lang po ako available kasi nag-pe-prepare pa po kami sa defense namin. At saka hindi ko po pwedeng ipagamit sa inyo mga tools ko sa ibang araw kasi may mga kailangan pa akong ayusin for other clients.
𝗖𝘂𝘀𝘁𝗼𝗺𝗲𝗿: So!? Ano ibig sabihin nun? Hindi ako pupunta sa importanteng lakad ko para mag-install ng OS!?
𝗠𝗲: Ganun na nga po, nakalimutan ko rin po sabihin na since gagamit ka ng PC ko, kailangan mo rin po magbayad sa utility fees
𝗖𝘂𝘀𝘁𝗼𝗺𝗲𝗿: Ano naman yun?
𝗠𝗲: Yung Internet connection po and kuryente. Libre ko na po yung tubig kung gusto mo maki-inom.
𝗖𝘂𝘀𝘁𝗼𝗺𝗲𝗿: ₱200 sa turo, ₱500 sa rent ng tools, tapos bayad pa sa utilities. Lagpas na sa ₱700 'yun ah. Sige ikaw na gumawa para hindi na rin ako ma-stress sa mga gagawin.
Tandaan:
Kapag nagbabayad ka sa isang serbisyo, hindi lang oras at pagod nila ang binabayaran mo. Binabayaran mo rin ang kanilang:
-Knowledge
-Experience
-Tools
-Accountability
-Quality of Service
-Sacrifices
-Safety and Security
Lagi niyong pakatatandaan na walang tao ang pwedeng i-judge kung paano kayo mag-presyo. Dahil hindi nila alam kung ano 'yung mga kailangang malaman at kung anong dapat gawin para magawa ang isang bagay. Hindi nila alam kung ano 'yung hirap at gastos para lang magawa mo ang iyong trabaho. Kaya ikaw, oo ikaw, magtulungan tayo! 🙂