07/04/2024
BABALA: Sensitibo ang mga larawan sa post na ito.
NITSO NG SANGGOL SA SOUTH COTABATO, BINUTAS PARA DIUMANO KUHANAN NG
TUWAY-TUWAY O KNEE CAP PARA GAWING AGIMAT?!
“Anim na buwang gulang pa lang ‘yung anak namin nu’ng nagkasakit siya, nilagnat.
Ang findings, may pneumonia raw.
Noong March 10, 11pm, binawian na siya ng buhay.
Nitong nakaraan, gustong-gustong pumunta ng sementeryo ng asawa ko.
Nagparamdam daw kasi sa kanya ‘yung anak namin.
Kaya dinalaw namin siya sa libingan niya.
Nakita ko na nakalabas na ‘yung paa ng anak ko.
Natigilan ako!
‘Di ko alam ang gagawin!
‘Di na ako makagalaw nu’ng nakita ko!
Suot niya ‘yung puting polo at itim na pantalon.
Sa palagay namin, kukunin ang kanyang tuway-tuway.
Gagawin nilang anting-anting para lumakas ang loob nila sa pagnanakaw!
Galit na galit ako sa gumawa nito sa anak namin.
Namayapa na nga ‘yung bata, huhukayin pa nila.
Sana mabantayan nila para hindi na nila masira ang mga nitso.”
-Chinelyn at Carl Vincent, mga magulang ng bata
PHOTO COURTESY: BOMBO RADYO KORONADAL