26/08/2024
| ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Sa talaan ng kasaysayan nakasulat ang mga prominenteng ngalan ng mga indibidwal na minsan ay nakipaglaban para isang bayan na nakatatayo ng mag-isa. Mga pangalan na makikita sa aklat-aralin, sa likod ng mga ito nakaukit ang pinagdaanan ng inang bayan. Gayunpaman, sa gitna ng lahat ng ito, nakaraan man o kasalukuyan, lalaki o babae, kilala man o hindi, nasa Pilipinas man o wala, ang mga Pilipino sa lahat ng dako ay nagtataglay ng kabayanihan. Patunay na mayroong mga bayani na lampas pa sa mga librong pangkasaysayan, ipinapakita na โdi lamang ang mga pangalang bantog na nakasulat sa libro ang nararapat ng pagkilala.
Ayon sa parmasyutiko at Heneral Antonio Luna, "Ipapakita ko sa kanila na ang mga Pilipino ay may higit na dangal, tapang, at dignidad.". Binibigyang-diin ng pahayag na ito na ang mga Pilipino ay nagtataglay ng mga katangiang mahalaga sa mundo. Dahil dito, ang huling Lunes ng Agosto ay nakatuon sa paggunita sa anibersaryo ng Sigaw ng Pugad Lawin, na nagmarka ng pagsisimula ng rebolusyon ng Pilipinas laban sa paghahari ng mga Espanyol noong 1896. Tulad na lang ng mga bayaning sina Dr. Jose Rizal, Emilio Aguinaldo, Andres Bonifacio, at iba pang mga kinikilalang bayani ng Pilipinas, kinakatawan nila ang kalayaan ng mga Pilipino. Ngunit mayroong mga bayaning Pilipino, hindi man kilala, patuloy na naglilingkod sa kapwa at bayan. Ipinapakita nila na ang walang kupas na sipag at tiyaga ng mga Pilipino sa ano mang dako ng buhay. Tulad ng ika ni Luna, ang mga Pilipino ay patuloy na ipinapakita ang puri, tapang, at dangal ng dugong Pilipino, dugong bayani.
Sa araw ng mga bayani, ating bigyang pugay โdi lamang ang mga taong ipinaglaban ang ating kalayaan, kundi pati na rin ang mga Pilipinong patuloy na nagbibigay ng tulong sa mga taong mula sa lahat ng antas ng buhay- ang ating mga OFW, g**o, doktor, nars, lingkod-bayan, at lahat ng Pilipinong itinataas ang bandila ng ating bansa, sinisimbolo ang puso at tatag ng mga Pilipino. Hindi man nakasulat sa mga libro ang pangalan ng bawat isa, silaโy nagsisilbing patunay na ang serbisyo ay binibigay ng kusa para sa bayan- testamento na ang dugong Pilipino ay patuloy na maglilingkod para sa ikabubuti ng mundo.
๐๐ฎ๐๐ฆ๐๐ญ | ๐๐๐ฆ๐ฎ๐๐ฅ ๐๐๐ฑ๐ข๐ง๐จ ๐๐ง๐ ๐๐๐ซ๐ค ๐๐จ๐ง๐
๐๐๐ฉ๐ญ๐ข๐จ๐ง | ๐๐ข๐๐ง๐ง๐ ๐๐ฎ๐ญ๐ข๐๐ซ๐ซ๐๐ณ