21/05/2025
Higit sa 340 na ang namatay at hinayaan nalng doon ang kanilang mga labi sa Mount Everest, at ang iba nito ay nag sisilbi nlang palatandaan o landmark.
Dahil masyadong mapanganib na kunin ang mga bangkay na nagkalat sa bahagi ng Mount Everest, karamihan sa mga umaakyat ay nananatili sa kung saan sila nahulog habang sinusubukang abutin ang pinakamataas na tuktok ng mundo.🏔
Ang bahagi ng Mt. Everest na tinatawag na "death zone" ay nasa 8,000 metro above sea level ay may mapanganib at manipis na oxygen, na nagpapahirap sa pagdala ng mga bangkay pababa at nagbibigay ng hamon sa mga helicopter na mag-operate dahil sa sobrang nipis na ang hangin.
Bukod dito, ang gastos sa pag kuha ng bangkay ay malaki, at maraming pamilya ang mas gusto na iwanan ang mga bangkay sa bundok bilang pag galang sa na sawing mountaineer.
゚ ゚