04/02/2023
“𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓 𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐀”
Hindi ko alam kong papaano sisimulan ang aking pasasalamat sa aking dakilang Ina,
na ang salitang “ Salamat ” ay hindi sapat,
minsan naitatanong ko,
ako ba ay karapat dapat mabuhay sa piling mong walang kapantay,
mula ng ako’y ’yong sinilang liwanag ng mga mata mo aking naging tanglaw,
upang sa magulong mundong ito ako ay hindi maligaw.
Aking Ina,
dakila ka,
wala kang ibang ginawa kundi iparamdam sa akin ang tunay na pag aalaga,
ang tunay na pag papahalaga,
at tunay na pag mamahal na hindi ko masusumpungan sa iba.
Ikaw,
Ikaw na nag iisang taong kaya akong ipagtanggol,
kahit ang mundo ay puno ng paghatol,
ikaw lang Ina ang taong tatanggapin ako,
kahit talikuran man ako ng mundo,
ikaw ang syang takbuhan ko.
Ngunit Ina patawad,
patawad dahil sa kabila ng kabutihan mo mas madalas na sakit ang naigaganti ko sayo.
Patawad dahil noon kaya kong sabihin sa harap mo na “ Salamat at Mahal kita ”
Sa pag lipas ng panahon,
Patawad aking ina,
sapagkat mas madalas pa kitang ikahiya keysa sabihin sa lahat na na “ Mahal kita ”
Patawarin mo ako Ina,
dahil sa lahat ng kabutihan mo,
sa lahat ng pag hihirap mo,
di ko man lang masabi ang salitang
“ Salamat at Mahal kita ” sa mismong harap mo,
upang maibsan lahat ng pagod mo,
dakilang ina ‘Mahal kita’
Opo alam ko na kulang na ako sa salita,
kulang pa sa gawa,
at Ina minsan iniisip ko na anong klase ba akong anak?
minsan mas mahalaga pa sa akin ang sinasabi ng iba,
kesa sa paningin mo sa akin ina,
ngunit alam mo ba.
‘Mama Mommy Nanay Ina’
o kahit ano pa man tawag sayo ikaw lang ang nag-iisang babae sa buhay ko,
Ikaw lang ang nag-iisang alam kong tatanggapin ako kahit ano man ang pagkakamali ko,
ikaw lang ang nag sisikap na buhayin ang tulad ko,
kahit hindi ko alam kong dapat ba akong maging anak mo,
kung dapat bang arugain mo pa ako kahit minsan sakit lang ang bigay ko.
Mga mata mo na mas makinang pa sa sikat ng araw ang nag bibigay tanglaw sa buhay kong di malinaw,
Ang haplos mo na nakakapagpayapa