17/08/2024
𝐏𝐔𝐍𝐈𝐒𝐇𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐖𝐈𝐓𝐇 𝐋𝐎𝐕𝐄 (𝑺𝒉𝒐𝒓𝒕 𝑺𝒕𝒐𝒓𝒚)
𝓑𝔂: 𝓒𝓪𝓼𝓼𝓲𝓸𝓹𝓮𝓲𝓪🤙
𝖥𝖱𝖤𝖤𝖭 𝖲𝖠𝖱𝖮𝖢𝖧𝖠 𝖢𝖧𝖠𝖭𝖪𝖨𝖬𝖧𝖠 𝖺𝗌 𝓡𝓮𝓮𝓷
𝖱𝖤𝖡𝖤𝖢𝖢𝖠 𝖯𝖠𝖳𝖱𝖨𝖢𝖨𝖠 𝖠𝖱𝖬𝖲𝖳𝖱𝖮𝖭𝖦 𝖺𝗌 𝓟𝓪𝓽
" Dad!? " napataas bigla ang tinig ko dahil sa sinabi ni Daddy.
" Yes. Kailangan mong sumunod sa napag usapan namin kanina ng dean at ng presidente niyo dahil kung hindi, maki-kick out ka sa university niyo. "
" But dad, subra naman yatang punishment ang gusto nilang gawin ko. My gosh! Ako si Patricia Albert, famous and rich tapos gagawin lang slave ng aroganteng presidente na yun. Please dad, gumawa ka nang paraan kausapin niyo naman ang dean namin." pakiusap ko, ngunit umiling lang si Daddy.
" Tapos na ang usapan at nakapag desisyon na rin ako. Tama lang na bigyan ka ng parusa para matuto ka sa mga pagkak**ali mo. Hangga`t hindi ka nagbabago hindi nila babawiin ang parusa mo. Kaya mag-isip isip ka Patricia."
" Dad! Please ayukong maging slave baka kung ano pang ipagawa sakin. Matitiis niyo bang maging katulong ang nag-iisang anak niyo." nakasimangot na sabi ko.
" Oo. Kaya kung tiisin. " sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko. " Dahil sumusubra kana. Muntik ka nang makapatay dahil diyan sa kalukuhan mo. Nagsisisi akong inispoiled kita ng mawala ang mommy mo. Sana hindi ka lumaking salbahe sa ibang tao. "
" Dad! "
" Mag impake kana dahil darating na ang maghahatid sayo bahay presidente niyo. Hangga`t walang pagbabago sayo mananatili ka sa bahay niya. Yun ang usapan. " sabi pa ni Daddy, saka iniwan na ako.
Gusto ko mang magwala at magalit wala na ding kwenta dahil pati si Daddy ay tila naubos na rin ang pasinsiya. Naubos na yata talaga ang swerte ko. Ang mayaman, famous, spoiled brat at magandang si Patricia Albert ay magiging katulong nalang. Magiging katulong nalang ng babaeng kinaiinisan ko sa lahat. Oo, ang pinaka hate ko sa lahat ng tao sa university namin ay ang president namin. Si Reen Chen, ang babaeng walang puso at nagpahiya sa akin sa harap ng maraming tao.
First year ako noon nang magsimula ang lahat, ang araw na pinagsisisihan ko. Ang araw na sana hindi nalang ako umamin ng totoong nararamdaman ko at pinahiya ang sarili ko...
" 𝐺𝑜𝑜𝑑 𝑙𝑢𝑐𝑘 𝑔𝑖𝑟𝑙. " nakangiting sabi ng best friend kung si Iya habang nag aabang kami sa pagdaan ni Reen ang second year na crush ko at pinaka maganda sa university namin. Gusto ko na kasing mag confess sa kanya kaya naman napag desisyunan kong abangan siya ngayong araw.
" 𝐴𝑛𝑔 𝑠𝑤𝑒𝑟𝑡𝑒 𝑛𝑎 𝑛𝑖𝑦𝑎 𝑛𝑜ℎ, 𝑘𝑎𝑠𝑖 𝑠𝑎 𝑑𝑖𝑛𝑎𝑚𝑖 𝑑𝑎𝑚𝑖𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑔𝑢𝑠𝑡𝑜 𝑠𝑎𝑦𝑜 𝑎𝑡 𝑛𝑎𝑛𝑙𝑖𝑙𝑖𝑔𝑎𝑤 𝑒ℎ 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑠𝑤𝑒𝑟𝑡𝑒𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑔𝑢𝑠𝑡𝑢ℎ𝑎𝑛 𝑚𝑜. " sabi naman ng isa ko pang best friend na si Kim.
Sang-ayon ako sa sinabi ni Kim dahil sa dinami-dami ng mga istudyante rito sa university namin si Reen lang ang nag-iisang nakaagaw ng atensiyon ko.
" 𝐶𝑜𝑟𝑟𝑒𝑐𝑡. 𝐾𝑎𝑦𝑎 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑑𝑎𝑝𝑎𝑡 𝑚𝑎𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑡ℎ𝑎𝑛𝑘𝑓𝑢𝑙 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑘𝑎𝑠𝑖 𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑔-𝑖𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑃𝑎𝑡𝑟𝑖𝑐𝑖𝑎 𝐴𝑙𝑏𝑒𝑟𝑡 𝑛𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑘𝑜-𝑐𝑜𝑛𝑓𝑒𝑠𝑠 𝑠𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎. 𝑆𝑎 𝑙𝑎ℎ𝑎𝑡 𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜 𝑠𝑖𝑦𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑖𝑛𝑎𝑘𝑎 𝑚𝑎𝑝𝑎𝑙𝑎𝑑. " dagdag pa ni Iya.
" 𝐴𝑛𝑜 𝑘𝑎! 𝐵𝑢𝑜𝑛𝑔 𝑐𝑎𝑚𝑝𝑢𝑠 𝑘𝑎𝑦𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑦 𝑔𝑢𝑠𝑡𝑜 𝑘𝑎𝑦 𝑅𝑒𝑒𝑛. " singit ni Kim.
" 𝑆ℎℎℎ.. 𝑇𝑎𝑚𝑎 𝑛𝑎 𝑛𝑔𝑎 𝑘𝑎𝑦𝑜 𝑏𝑎𝑘𝑎 𝑚𝑎𝑢𝑠𝑜𝑔 𝑝𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑙𝑎𝑛𝑜 𝑘𝑜. " saway ko sa kanila.
" 𝐺𝑖𝑟𝑙, 𝑔𝑖𝑟𝑙 𝑛𝑎𝑛𝑑𝑦𝑎𝑛 𝑛𝑎 𝑠𝑖𝑦𝑎. " tili ni Kim habang sinisiko ako kaya naman napatingin ako sa hallway. At bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko nang matanaw ko sa di kalayuan si Reen na naglalakad kasama ang mga barkada niya na kaklase rin niya. Tumikhim mona ako at huminga ng malalim. This is it! Wala na tong atrasan. Magtatapat na talaga ako sa kanya.
" 𝑅𝑒𝑒𝑛, 𝑠𝑎𝑛𝑑𝑎𝑙𝑖! " sabi ko pagtapat niya sa bench na tinatambayan namin kanina pa. Huminto naman siya at humarap sa akin na walang ka-emo-emosyon ang mukha. Tama nga sila napaka cold nga niya. Ngunit hindi ito ang oras para kabahan o mautal ako.
" 𝑀𝑎𝑦 𝑔𝑢𝑠𝑡𝑜 𝑠𝑎𝑛𝑎 𝑎𝑘𝑜𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑏𝑖ℎ𝑖𝑛. " sabi ko pa sa kalmadong tinig pero ang kinakabahan na ako.
" 𝑊ℎ𝑎𝑡 𝑖𝑠 𝑖𝑡? 𝑆𝑎𝑏𝑖ℎ𝑖𝑛 𝑚𝑜 𝑛𝑎 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑛𝑎𝑔𝑚𝑎𝑚𝑎𝑑𝑎𝑙𝑖 𝑎𝑘𝑜. " sabi naman niya sa siryusong tinig. Sa wakas narinig ko na rin ang tinig niya.
" 𝐴ℎ𝑚. 𝐾-𝑘𝑎𝑠𝑖... " Damn! Nautal na kaagad ako. Humugot ako nang malalim na hininga at deritsong tumingin sa kanya. " 𝐺𝑢𝑠𝑡𝑜 𝑘𝑜 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑏𝑖ℎ𝑖𝑛 𝑠𝑎𝑦𝑜𝑛𝑔.. 𝑔-𝑔𝑢𝑠𝑡𝑜 𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑅𝑒𝑒𝑛. 𝐺𝑢𝑠𝑡𝑜𝑛𝑔-𝑔𝑢𝑠𝑡𝑜 𝑘𝑖𝑡𝑎. " malakas na sabi ko sa kanya kaya naman pati mga istudyante sa paligid namin ay nagpasinghap, ganoon din ang mga barkada niya.
" 𝑌𝑢𝑛 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑠𝑎𝑏𝑖ℎ𝑖𝑛 𝑚𝑜? " walang kagana-ganang tanong niya kaya naman napa-angat ako ng tingin sa kanya. Wala akong nakitang kakaiba sa kanyang mga mata ni walang nagbago sa expression ng kanyang mukha. Ibig sabihin ba wala lang sa kanya ang sinabi ko? Hindi niya ba ako gusto?
Nang hindi ko nasagot ang tanong niya ay naiiling na tinalikuran niya ako. Kaya naman biglang bumigat ang pakiramdam ko pati talukap ng mga mata ko.
" 𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑚𝑜 𝑏𝑎 𝑎𝑘𝑜 𝑔𝑢𝑠𝑡𝑜? " biglang tanong ko sa kanya nang hindi pa siya nakakalayo sa akin. Huminto siya sa paglalakad at nilingon ako.
"𝐴𝑦𝑎𝑤 𝑚𝑜 𝑏𝑎 𝑠𝑎𝑘𝑖𝑛? " tanong ko pa na sapat na para marinig niya.
" 𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖! " naiiling na sabi niya. " 𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖𝑛𝑔-ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑢𝑔𝑢𝑠𝑡𝑢ℎ𝑎𝑛. 𝐷𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑎𝑦𝑢𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝑠𝑝𝑜𝑖𝑙𝑒𝑑 𝑏𝑟𝑎𝑡 𝑎𝑡 𝑏𝑢𝑙𝑙𝑦 𝑛𝑎 𝑘𝑎𝑔𝑎𝑦𝑎 𝑚𝑜 𝑛𝑎 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑎𝑙𝑎 𝑠𝑎 𝑠𝑎𝑟𝑖𝑙𝑖 𝑎𝑦 𝑖𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑟𝑒𝑦𝑛𝑎. 𝐿𝑒𝑎𝑣𝑒 𝑚𝑒 𝑎𝑙𝑜𝑛𝑒 𝑎𝑛𝑑 𝑑𝑜𝑛'𝑡 𝑏𝑜𝑡ℎ𝑒𝑟 𝑚𝑒 𝑎𝑔𝑎𝑖𝑛."
Dalawang taon na ang nakalilipas ngunit sariwa pa rin sa aking isipan ang pangyayaring iyon. Dahil dalawang taon ko ring hinarap ang kahihiyang yun. Kaya naman simula nang araw na yun ay mas naging malupit ako sa lahat ng mga istudyanteng kumakalaban sa akin. Lahat sila nakakatikim ng galit ko na para sana kay Reen. Alam ko kasing hindi ko siya magagantihan basta-basta kaya naman ginagantihan ko siya sa ibang paraan dahil simula ng maupo siya bilang presidente ay sinimulan ko ring pasakitin ang ulo niya. Lahat ng kalukuhan at mga kaguluhan sa campus namin ay ako ang pasimuno. Itong huling kalukuhan ko lang talaga ang minalas ako kaya naman pati pasinsiya ni Daddy ay naubos na rin.
" Ano, balak mo bang tumayo na lang diyan maghapon at paghintayin ako? " Napitlag ako sa tinig na narinig ko mula sa gilid ko kaya naman pinihit ko ang katawan ko para tingnan ang may-ari ng tinig na ikinalaki bigla ng mga mata ko nang makilala ko ito. Si Reen!
" Hey! Pwedi ba sumakay kana at wag kanang mabingi-bingihan diyan. " utos niya at napakurap ako nang mapansin ko na nasa loob pala siya nang kotse. At bakit hindi ko napansin o narinig manlang ang pagdating nang kotse niya?
" Ano, kakargahin pa ba kita? " sabi ulit nang hindi pa ako kumikilos. Nang akmang baba na siya sa kotse ay mabilis kung binuksan ang pinto sa backseat dala ang maleta ko. Ngunit nang makasakay na ako ay hindi pa rin siya umaandar kaya naman napatingin ako sa kanya.
" Nakasakay na ako. Ano pa ba ang inaarte mo." naiinis na sabi ko sa kanya.
" Excuse me lang ha, hindi mo ako driver para diyan ka maupo sa likuran. " sabi niya na lalo kung ikinainis. Bweset! Napaka arte!
Padabog akong bumaba at lumipat sa unahan. Sana talaga pinatamaan ko na lang siya sa ulo nang hulugan ko siya ng malaking paso ng halaman. Edi sana natuluyan na siya at tahimik na ako ngayon.
" Natahimik ka. Don't tell me, na may binabalak kana namang masama sa akin. " puna niya bago binuhay ang makina ng kotse niya.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya sa halip ay ibinaling ko ang paningin ko sa labas ng bintana. Dalawang linggo lang Pat, kaya pag tiisan mo mona. Bulong ko sa aking sarili.
Isang magara at hindi kalakihang bahay ang bumungad sa akin nang imulat ko ang aking mga mata. Dahil sa pag iwas ko na hindi kausapin si Reen ay hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Paglingon ko sa tabi ko ay wala na si Reen, ibig sabihin iniwan niya ako habang natutulog. Sabagay, bakit pa niya aabalahin ang kanyang sarili para gisingin ako. Kaya nga ako nandito di ba, para maging katulong niya kaya bakit ako aasa nang special treatment mula sa kanya.
Tahimik akong bumaba at kinuha ang aking maleta sa likuran. At bago ako naglakad ay iginala ko mona ang aking paningin sa buong bahay. Sigurado akong ito na ang bahay ni Reen. Mukhang siya lang talaga ang nakatira rito dahil sabi sa mga narinig ko tungkol sa kanya ay nasa abroad ang magulang niya at nag-iisang anak lang siya. Maganda ito at malinis ang paligid at napapalibutan ng mga kakahuyan. Kung susuriin ay malayo ito sa maingay at pollutioted na siyudad. Sariwa at masarap sa pakiramdam ang hangin na dumadapya sa balat. Nakaka relax. Maganda ang napwestuhan nitong bahay at mas maganda pa sana kung tao ang nakatira rito at hindi kwago.
Pagtapat ko sa pinto ay dahan-dahan kong itinulak iyon dahil nakabukas naman at pagpasok ko sa loob ay bumungad sa akin ang napakaganda at napakalinis na loob nang bahay. Mula sa mga kagamitan, mga libro at kung anu-ano pang mga naka display ay maayos ang pagkakalagay. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid hanggang sa dumapo ang aking paningin sa babaeng presenteng nakaupo sa sofa at nagbabasa ng libro. Relax na relax ito at naka de kwatro pa.
" O, gising kana pala. " kaagad na sabi niya nang maramdaman ang presensiya ko. " Come here. Sit down. " dagdag pa niya, saka itinuro ang bakanteng upuan sa harap niya.
Tahimik akong naupo sa upuang nasa harap niya at naghihintay nang mga sasabihin niya. Ayukong makipagtalo at makipag-away pa sa kanya kaya naman gagawin ko ang mga iuutos niya pero hindi ibig sabihin nun na nagpatalo na ako sa kanya gusto ko lang talagang matapos na kaagad ang parusa ko at makaalis na ako rito.
" Gusto kong sabihin sayo ang mga dapat mong gawin habang nandito ka sa bahay ko." panimula niya. " Habang nandito ka bahay ko at nasa ilalim ka ng parusa ko ay dalawa lang ang gagawin mo. Sasamahan mo ako sa mga pupuntahan ko at hindi ka pweding umalis sa tabi ko hangga`t hindi ko sinasabi. Kuha mo?" tanong niya na ikinatango ko.
" Okay. " sagot ko. Yun lang naman pala eh. Akala ko naman kung ipapalinis niya itong bahay niya sa akin at paglulutuin ako kasi kung yun ang parusa niya siguradong bagsak na kaagad ako. Madali lang naman ang pinapagawa niya at kayang kaya kong gawin yun kahit ayukong makasama siya.
" Good. Sige na umakyat kana sa taas. Nasa kanan ang kwarto mo. " sabi niya at ibinalik ang atensiyon sa pagbabasa.
Tumayo ako at tahimik na umakyat sa taas. Dalawang kwarto ang nakita ko ibig sabihin yung isang kwarto na nasa kaliwa ay kwarto ni Reen. Binuksan ko ang pinto ng magiging kwarto ko at automatic ay lumiwanag ang loob nito. Namangha ako sa ganda ng loob dahil para bang sinadya ang pagkakalagay ng mga kagamitan lalo na ang k**a. Ayukong isiping pinasadya ni Reen ang lahat nang mga bagay na nasa loob ng kwarto dahil imposibleng mangyari yun kasi hindi naman ako bisita. Higit sa lahat ayaw niya sa akin tulad nang sinabi niya two years ago. Kaya naman walang dahilan para umasa pa ako dahil marami nang nadamay at nagulo na ang lahat sa pagitan naming dalawa.
Pang limang araw ko na rito sa bahay ni Reen at sa limang araw na yun ay ganoon pa rin ang aming pag uusap tuwing nasa loob kami ng university at maging dito sa bahay. Normal naman ang school life ko tulad ng dati kahit sa ibang bahay na ako umuuwi tuwing hapon at iba na rin ang kasabay kong kumain. Aaminin kong hindi ako sanay sa daily routine ko ngunit sinisikap kong mag adjust sa mga bagay na nakasanayan ko. Sa limang araw na pananatili ko rito ay wala naman akong ibang ginagawa kundi pumasok, kumain at matulog dahil may mga katulong na kinuha si Reen kaya may gumagawa na nang mga gawaing bahay na dati siya ang gumagawa. Wala namang ibang pinupuntahan si Reen kundi sa bahay namin. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila ni Daddy dahil sa napapansin naging close na sila ng tatay ko. Ewan ko ba, hindi ko alam kung matatawag bang parusa itong ginagawa ko rito sa bahay ni Reen kasi wala naman akong ibang ginagawa. Pakiramdam ko nga ay parang nasa bahay pa rin ako sa sitwasyon ko ngayon dahil asikasong asikaso ako ng mga katulong rito lalo na sa pagkain. Hindi ko alam kung utos yun ni Reen o talagang ginagawa lang nila ang kanilang mga trabaho. At sa pananatili ko rito ay marami akong napansin sa ugali ni Reen, ibang iba siya rito sa bahay kumpara sa labas dahil dito ay nakikita ko ang totoong siya na hindi ko nakikita kapag nasa labas kami. Ang ugali niyang napakasungit sa labas ay hindi ko nakikita rito sa loob kahit lagi siyang tahimik pero hindi siya nagsusungit kahit sa mga katulong. At iba na rin ang pakikitungo niya sa akin, pakikitungo na parang kakaiba sa akin ang dating na para bang may hatid na kilig.
" Girl, don't tell me na bumalik ulit ang feelings mo sa kanya? " tanong sa akin ni Kim sa kabilang linya. Kausap ko kasi siya ngayon sa cellphone at dahil madalang nalang kaming nagkikita ay hindi ko na rin siya nakakausap, maging si Iya.
" Ewan ko. Parang may kakaiba na sa nararamdaman ko lalo na at hindi na kami nag-aaway. "
" OMG! Girl, pigilan mo ang feelings mo sa kanya hangga`t maaga pa kung ayaw mong masaktan na naman. " sabi niya na medyo ikinagulat ko.
" Bakit anong problima? "
" Kasi bali-balita sa campus natin na madalas silang magkasama ng bagong transfere na kaklase niya. At lagi silang nakikitang lumalabas. "
" S-sigurado ka? " utal na tanong ko.
" My gosh girl! Lagi kayong magkasama sa iisang bahay tapos wala kang alam... "
Hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi ni Kim dahil pinatay kona ang cellphone ko. Pakiramdam ko parang akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nalaman ko. Umasa lang pala ako. Akala ko dahil magkasama na kami ngayon sa iisang bahay mag iiba na ang tingin niya sa akin, lalo na at unti-unti ko nang napapansin ang pagbabago sa sarili ko. Pero nagk**ali ako. Kaya pala may mga gabing late na siyang umuuwi dahil may iba na pala siyang pinagkakaabalahan.
𝑉𝑎𝑙𝑒𝑛𝑡𝑖𝑛𝑒'𝑠 𝐷𝑎𝑦, araw ng mga puso tapos ako nandito ngayon sa loob nang room namin nagmumuni-muni. Samantalang ang mga kaklase ko abala na sa mga ka-date nila, maging si Kim at Iya. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang ibig sabihin nang valentine's day. Siguro ang nakakaalam lang, yung mga taong may minamahal at minamahal pero ako hindi ko alam ang ibig sabihin nang salitang yun.
Minsan hindi rin patas ang panahon, yung tipong nasa na ang lahat ng bagay dito sa mundo pero binawasan pa sa isang bagay.. 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑚𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙. Ganito pala ang walang nagmamahal, feeling mo nag-iisa ka nalang.
Tahimik akong naglalakad sa hallway ng campus namin balak ko kasing umuwi ng maaga ngayon dahil nagtext si Daddy magdi-dinner raw kami sa labas. Nung araw kasing nakausap ko si Kim at may nalaman ako ay kusa na akong umalis sa bahay ni Reen at hindi na nagpaalam sa kanya. Wala naman kasing dahilan para manatili pa ako sa bahay niya. At simula din nang araw na yun iniwasan ko na siya. Ayuko nang umasa at saktan ang sarili ko. Tama na, na binago niya ako. Pinasasalamatan ko siya sa bagay na yun.
" Girl! Sumama ka sa amin. " nagulat ako ng hilahin bigla ni Kim at ni Iya ang braso ko at nilagyan ako ng blindfold.
" T-teka! Saan niyo ba ako dadalhin? " tanong ko habang nagpapahila sa kanila kasi wala akong makita.
" Basta. Sumama ka nalang kasi siguradong sasaya kana. " tinig iyon ni Kim.
" Pinagsasasabi mo! Ano bang masaya sa naka piring ang mata. "
" Wag ka na ngang maingay. " sabi naman ni Iya. " Heto malapit na tayo. Relax ka lang, okay?"
Ingay at hiyawan ang naririnig ko sa paligid namin na tila ba sa bawat hiyaw ng mga tao ay bumibilis din ang tibok ng aking puso. Kung ano man itong pinagdalhan nila sa akin, hindi ko naman siguro ito ikapapahamak.
" Okay. Nandito na tayo at tatanggalin na namin ang piring mo, girl. Relax ka lang wag kang hihimatayin. " sabi pa ni Kim na kahit hindi ko nakikita alam kong nakangisi siya.
Pagtanggal nila ay dahan-dahan kong inimulat ang aking mga mata at ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ko si Reen sa mismong aking harapan na may magandang ngiti sa labi.
" A-anong ibig sabihin nito? "
" Let's get married. " nakangiting sabi niya, saka dahan-dahan akong hinila papalapit sa kanya na nagpahiyaw sa mga istudyanteng nakapaligid sa amin.
" Teka! " sabi ko sabay bawi ng k**ay ko na hawak niya. " Anong magpapakasal ang pinagsasasabi mo? Wag mo akong paglalaruan Reen Chen, please lang. Nananahimik na ako at ayuko na nang gulo. "
" Sino may sabing pinaglalaruan kita? Saksi ang buong campus na malinis ang intensiyon ko at siryuso ako sayo. "
" A-ano? "
" Ano Press, tuloy pa ba natin ang kasal o magda-drama nalang kayong dalawa? " tanong ng babaeng nasa unahan namin kaya naman napatingin ako sa kanya at bigla na lamang kumunot ang aking noo nang makilala ko siya. Siya yung babaeng transfere na laging kasama ni Reen.
" Wag na, sa plan B tayo. " sagot naman ni Reen.
Anong plan B ang pinagsasasabi nito? Nasagot ang aking tanong ko nang bigla na lamang lumuhod si Reen sa harap ko.
" Hoy! Bakit ka nakaluhod? Tumayo ka nga diyan." sabi ko sa kanya, saka pilit siya itinatayo.
" At dahil hindi mo tinapos ang parusa mo bibigyan kita ng another parusa. " sabi niya, saka may kinuha sa bulsa niya ang isang maliit na kahon habang nakatitig sa akin ng siryuso.
" Patricia Albert, the bully queen at pinak**aganda sa mga mata ko.. will you marry me? "
" H-ha? " tanging salita na lumabas sa bibig ko dahil sa pagkabigla, lalo na nang tumambad sa paningin ko ang isang diamond ring.
" Will you marry me? "
" R-Reen.. anong ibig sabihin nito? A-akala ko ba ayaw mo sa akin gaya ng sinabi mo sa akin two years ago? " lakas loob kung tanong sa kanya na ikinangiti niya.
" Akala mo lang yun. At saka hindi kana makakatanggi sa kasal na alok ko kasi pumayag na ang Daddy mo. "
" S-si Daddy? "
" Yes. Pumayag na siya kaya sa ayaw at gusto mo, magpapakasal ka sa akin. At hindi mona ako pweding iwan pa tulad nang ginawa mo nung isang araw. " siryusong sabi niya.
Gustuhin ko mang pumayag sa alok niya ay may naisip pa akong kalukuhan.
" At sino naman ang nagsabing papayag akong magpakasal sayo? " kunwaring nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.
" Ako. Kasi alam kung hanggang ngayon mahal mo pa rin ako at mahal din kita simula pa noon." pag-amin niya.
" Mahal mo ako? Pero bakit sinabi mong hindi mo ako magugustuhan? "
" Para ma realize mo na dapat lahat ng gugustuhin mo ay kailangan mong paghirapan para makuha mo iyon. Kaya lang masyado kang pasaway at pinasasakit mo palagi ang ulo ko kaya naman kailangan kitang parusahan."
" Hmp! Parusa ba yun? Eh, hindi nga ako pinagpawisan. " nakaismid na sabi ko pero ang totoo kinikilig na ako kanina pa.
" Oum. Yun ang parusang may kasamang pagmamahal. Bakit naman kita pahihirapan eh, kaya nga kita dinala sa bahay ko para kahit papano nakikita kita at nakakasama araw-araw."
" Kung ganoon alibi mo lang ang parusang yun?" kunot-noong tanong ko sa kanya.
" Oum. Para makasama kita at nakikita nang matagal. " sabi niya, saka hinawakan ang k**ay ko. " I love you and I want to be with you forever. " dagdag pa niya, saka isinuot ang sing-sing sa daliri ko.
" Hoy! Bakit kasal agad ni hindi mo manlang ako niligawan. " reklamo ko.
" Kasi ayukong may umaali-aligid pa sayo kaya naman gusto na kitang bakuran at saka ga-graduate na ako pano pa kita mababantayan. "
" Napaka damot. " natatawang sabi ko.
" Mahal kita kaya dapat lang na ipagdamot kita sa iba." sabi niya, saka iniyakap ang braso niya sa beywang ko. " Liligawan kita araw-araw. Hayaan mong bawiin ko ang dalawang taong tiniis kita. Hayaan mong iparamdam ko sayo kung gaano kita k**ahal. "
" Reen.. "
" Mahal kita, Pat. Mula noon, hanggang ngayon at magpa hanggang wakas. "
Napangiti ako sa sinabi niya at mabilis na dinampian ko ng halik ang labi niya na ikinangiti naman niya. " Mahal din kita. Sa hirap man o sa ginhawa, sa kasiyahan man o sa kalungkutan, magsasama tayong dalawa."
" Till death do us part. " dugtong pa niya, saka sabay kaming natawa.
𝗧𝗛𝗘 𝗘𝗡𝗗 シ