Spring RADIO Tampakan Offical

Spring RADIO Tampakan Offical Daily Updates

15/01/2025

Di pud ta makaingon nga "love is blind" kay nakakita man siya'g lain!
Paita!

15/01/2025

Hambal ka nanay kaina nga aga pa nagmata, tani suspend na ni mayor ang klase..pila ka oras nag inugtas na sya sa bata niya, hambal niya tani wala nalang gisuspend ang klase! Tak.an ko ah!

14/01/2025

Sala na pud ni sa mga lalake kay gipahilak ang mga babaye! Way undang ilang mga luha🤣🤣

14/01/2025
13/01/2025

HEADLINES

| Pondo para sa mga depositors, tiniyak ng PDIC
| Opisyal ng California, binatikos ni Trump
| Isang retiradong UFC fighter, pinalabas sa sinakyang eroplano
| Gag Order Laban kay Vic Sotto, Hiling ni Daryl Yap

NATIONAL NEWS

Pondo para sa mga depositors, tiniyak ng PDIC

Pinawi ng Philippines Deposit Insurance Corporation (PDIC) ang agam-agam ng publiko tungkol sa kakulangan ng pondo sa Deposit Insurance Fund matapos i-reallocate ng Marcos administration ang P107.23 bilyon para sa proyektong pang-ekonomiya.

Ayon kay PDIC president Roberto Tan, hindi dapat mag-alala dahil sapat ang pondo.

Bilang tugon sa batas at opinyon ng Office of the Government Corporate Counsel, ini-remit ng PDIC ang nasabing halaga bilang bahagi ng General Appropriations Act of 2024.

INTERNATIONAL NEWS

Opisyal ng California, binatikos ni Trump

Binatikos ni US President-elect Donald Trump kamakailan ang California Governor na si Gavin Newsom dahil sa kanyang tingin sa di magandang pagtugon sa malawakang sunog.

Sa kanyang mga social media post, tinawag ni Trump na incompetent ang mga opisyal at inakusahan sila ng hindi pagkilos kahit pa ito ang pinakamabigat na sunog sa bansa.

Bilang tugon, pinaharap ni Newsom si Trump na personal na makita ang sitwasyon sa lugar at maging mas transparent.

Nag-abiso rin siya para sa pamahalaan na sumama sa kanila sa pagbisita sa mga apektadong lugar, ngunit ayon sa ulat, wala pang tugon mula sa Presidente.

SPORTS NEWS

Isang retiradong UFC fighter, pinalabas sa sinakyang eroplano

Retiradong UFC fighter si Khabib Nurmagomedov na pinalabas mula sa eroplano matapos ang di pagkakaunawaan ukol sa upuan.

Nagkaroon ng argumento dahil napakiusapan ng staff ng Alaska Airlines si Nurmagomedov na tumulong sa iba mula sa window exit seat, ngunit tumanggi ito.

Si Nurmagomedov sana ay papunta sa California para suportahan ang kanyang team sa nalalapit na laban sa UFC 311 sa Enero 18.

SHOWBIZ NEWS

Gag Order Laban kay Vic Sotto, Hiling ni Daryl Yap

Ang mosyon ni Daryl Yap ay reaksyon sa reklamo ni Sotto na may 19 counts ng cyber libel at P35 milyon na hiling na danyos.

Nagsimula ang alitan sa isang teaser para sa pelikula ni Yap na "The Rapists of Pepsi Paloma" at naglalaman ng mapanirang pahayag tungkol kay Sotto.

Iginiit ng legal counsel ni Yap na si Atty. Raymond Fortun ang pagbubunyag ng nilalaman ng kanyang verified return dahil sa freedom of expression ni Yap at posibleng pinsala sa pelikula.

12/01/2025

The Search for Mutya ng Barangay Danlag 2025
Recording and studio tour!

11/01/2025

Kauna-unahang ospital sa Tampakan, South Cotabato, mapapakinabangan naFor more news, visit: â–ºhttps://www.ptvnews.ph/Subscribe to our DailyMotion Channel:â–ºhtt...

10/01/2025

Job Hiring!
DJ/Documenter
Preferably Tampakan resident.
PM for details

09/01/2025

Panawagan: Lost Cellphone
Color Black Realme C55 with Lockscreen Picture of the owner.
Nahulog somewhere from Brgy San Roque going to Brgy San Isidro via Magsaysay Road.
If found pls return @ Spring Radio or you may text /call the owner Melio Nuevo Jr., @ cp # 09652836066

 General Hospital
08/01/2025

General Hospital

🩸WHAT: Dugong Sto. Niño (Blood Letting Program)🩸WHEN: January 14, 2025 (Tuesday)🩸WHAT TIME: 8:00 AM - 12NN🩸WHERE: Sto. N...
08/01/2025

🩸WHAT: Dugong Sto. Niño (Blood Letting Program)
🩸WHEN: January 14, 2025 (Tuesday)
🩸WHAT TIME: 8:00 AM - 12NN
🩸WHERE: Sto. Niño Parish, Tampakan
🩸WHO CAN DONATE: Male and Female, 18-55 years old, at least 50 kilos & physically fit

08/01/2025

Panawagan;
Ako po si Mary Joy Hilare nawala ang wallet ko brown color kanina bandang 10 to 11 am.
Ang laman cash nasa 1900 po, 2 BDO na ATM mga ID ko at Isang pasbook. Nahulog banda sa Gayas store harap ng maltana school papunta sa harap ng bekery.

07/01/2025

HEADLINES

| Sangguninag Panlalawigan ng South Cotabato pinatawan ng suspension ang mga opisyal ng Banga at Tboli dahil sa Administrative Case

│ Imbestigasyon laban kay VP Sara Duterte, isinasapinal na ng NBI

│ Alyansa sa pagitan ng Tsina at Houti Rebels, binabantayan ng US

│ Mga national boxers ng bansa sinimulan na ang training sa lungsod ng Baguio

│Tom Holland at Zendaya ‘engaged’ na

LOCAL NEWS

Sangguninag Panlalawigan ng South Cotabato pinatawan ng suspension ang mga opisyal ng Banga at Tboli dahil sa Administrative Case

Nahaharap sa parusa ang ilang opisyal ng local na pamahalaan ng Banga at Tboli matapos silang ideklarang guilty ng Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato sa administrative case sa ginanap na 132nd regular session kahapon, January 6, 2025.

Ideniklarang guilty sa kasong grave abuse of authority and culpable violation of constitution, at sinuspende ng 120 days si Mayor Bambi Palencia ng Banga kasama ang 9 na konsehal;
1. Jennifer P. Plana
2. Alex D. Garcia
3. Romeo B. Palua
4. Mario C. Madero
5. Arman Palomar
6. Fermin M. Dorego
7. Bobby Delalamon
8. Ian Jorge D. Gesalan, at
9. Joey D. Malayon

Samantala, ideniklarang guilty of dishonesty and grave abuse of authority si Mayor Keo Dale Tuan at Vice Mayor Ronie L. Dela Peña ng local na pamahalaan ng Tboli, kasama sina Kagawad Kirk Tuan at Kagawad Mansueto L. Dela Peña, ay pinatawan ng 90 days na suspensyon para sa dishonesty at karagdagang 90 days para sa grave abuse of authority na may kabuuang parusang 180 days na suspensyon.

Ang administrative case sa mga elected officials ay isang uri ng kaso na naglalayong panatilihin ang integridad at katapatan ng mga opisyal ng gobyerno.

NATIONAL NEWS

Imbestigasyon laban kay VP Sara Duterte, isinasapinal na ng NBI

Nakatakdang isapinal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon kay Vice President Sara Duterte matapos ang pagbabanta nito sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, maaaring ipapadala na nila sa Department of Justice ang imbestigasyon sa January 15.

Lahat ng mga ebidensiya at testimoniya na kanilang hawak ay kanilang tinimbang kung saan inatasan niya ang mga miyembro nito na maging mapanuring mabuti.

Aminado si Santiago na naging maingat sila dahil sa makakaapekto ito sa lagay ng politika ng bansa.

Maaalalang noong November ay binantaan ni Duterte ang pangulo kasama sina first lady Lisa Marcos at Speaker Martin Romualdez.

INTERNATIONAL NEWS

Alyansa sa pagitan ng Tsina at Houti Rebels, binabantayan ng US

Patuloy na binabantayan ng US ang umano'y alyansa ng China at Houthi rebels na nagbabanta sa stability ng Red Sea.

Batay sa impormasyon ng ilang international news organization, nagpapalitan ng serbisyo at war materials ang China at Houthi rebels sa pamamagitan ng supply chain. Sa supply chain, pinapayagan ng mga rebelde ang mga barko na may Chinese flag kapalit ng Chinese-made weapon.

Binuo umano ng mga rebelde ang sistema mula pa noong nagsimula ang mga pag-atake sa Red Sea. Pinaplano rin ng mga rebelde na gumawa ng daan-daang cruise missile na abot ang bansa sa Persian gulf gamit ang military component mula sa China.

Hindi direktang itinuro ng US ang Chinese government pero nakipag-ugnayan na ito sa Beijing, ngunit wala pang sagot ang Chinese government.

SPORTS NEWS

Mga national boxers ng bansa sinimulan na ang training sa lungsod ng Baguio

Mga national boxers ng bansa ay nagsimula na ng kanilang ensayo sa Baguio para sa mga torneo ngayong taon.

Hinihintay pa ang desisyon nina Hergie Bacyadan at Eumir Marcial kung sasama sila sa training camp.

Ang target ng mga bokser ay ang mga torneo sa Korea, World Championship sa Liverpool, World Cup sa New Delhi, India at Southeast Asian Games sa Thailand ngayong taon.

Ang 32-anyos na si Nesthy Petecio ang unang sumali sa training camp kasama ang iba pang boksingero. Si Carlo Paalam ay mayroon pang personal na lakad habang si Aira Villegas ay may military duties pa.

SHOWBIZ NEWS

Tom Holland at Zendaya ‘engaged’ na

Lumabas ang balitang ang actor na si Tom Holland at actress-singer na si Zendaya ay 'engaged' na.

Ang usaping ito ay lalo pang kumalat matapos makitang suot ni Zendaya ang engagement ring habang dumalo sa Golden Globe Awards.

Ayon sa kampo ng aktor, isinagawa nila ang engagement proposal noong Disyembre sa bahay ng actress. Hindi pa ibinunyag ang iba pang detalye tungkol sa proposal.

Nagsimula ang kanilang relasyon noong 2021 matapos magkasama sa pelikulang "Spider-Man: Homecoming."

Address

Tampakan
South Cotabato

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Telephone

+639383400255

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Spring RADIO Tampakan Offical posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Spring RADIO Tampakan Offical:

Videos

Share

Category