07/08/2023
🌹Married To A Billionaire🌹
ABSTRACT
At the age of twenty-one, Tamara Mie 'Tami' Samarro, was married to Kedric Gabrielle 'KG' Ladjasali. One of the hotties bachelor in town. Only to find out the real rea*on behind the grandness wedding a woman could wish for. Huli na nang mapagtanto ni Tami na isang malaking palabas lang pala ang kasal nila ni KG. Na para kay Tami ay isang malakas na sampal. KG was a good provider. Wala siyang masasabi sa bagay na iyon. Ibinigay nito lahat ng luho at pangangailangan ni Tami. Pero may isang bagay ang tila hindi nito kayang ibigay sa asawa. His love. Na mukhang nakalaan para sa iba. Kaya naman ginawa ni Tami ang lahat para lang makuha ang atensiyon ng asawa. She even seduced her own husband for pete’s sake. "Stop it, Tami. Because you'll never be your Ate Shantal." Sa sinabing iyon ni KG, iyon ang naging dahilan para unti-unting mabalot ng yelo ang puso ni Tami na matagal ng may pagtingin sa asawa. Pakiramdam niya kahit na anong mangyari ay hinding-hindi mababaling ang atensiyon sa kaniya ng asawa. Kaya isang desisyon ang kanyang nabuo… Iniwan niya si KG.
Chapter 01
DAIG pa ni Tami ang binuhusan ng malamig na yelo sa kanyang kinatatayuan. Matapos ang kasal nila ni Kedric Gabriel Ladjasali o mas kilala sa palayaw na KG, dumiretso sila sa sarili nitong bahay sa Valle Encantado Village. Pero hindi katulad ng kanyang inaasahan ang sunod na mangyayari… walang romansahang naganap katulad ng mga normal na ikinakasal.
KG is one of the most popular bachelor in Town or even in the country. Sa edad nitong thirty years old ay hindi kaila sa lahat kung gaano ito kayaman. He’s one of the living multi-billionaire in the country. Sa batang edad ay naipasa na rin dito ang pagiging CEO ng negosyo na kinabibilangan nito at ng pamilya nito, ang Pagbilao Power Station na isang coal-fired thermal power plant na matatagpuan sa Isla Grande sa Pagbilao City na mas kilala sa tawag na Lineage Energy.
Gusto niyang tumawa sa huling sinabi sa kanya ni KG bago nito hayunin ang isa pang connecting door na nasa master bedroom. Adjoining room daw iyon na siyang pinakasilid na gagamitin nito.
“Dito ka matutulog sa silid na ito,” pormal na wika kay Tami ni KG matapos siyang dalhin sa malawak na silid na iyon sa mansiyon nito.
“A-ako lang?”
Tumango ito. “Sa adjoining room ang kuwarto na gagamitin ko.”
Naguluhan yata siya sa sinabi nito. Mag-asawa na sila ngayon. Bakit hindi sila magsasama sa iisang silid? “Hindi kita maintindihan. Kakakasal lang natin. Bakit sa ibang silid ka matutulog?” naguguluhan niyang tanong.
“Magpahinga ka na. Saka na natin pag-usapan ang tungkol dito. Pagod na ‘yong p**iramdam ko. Good night.”
“KG!” bigla siyang nakaramdam ng pagpupuyos sa dibdib.
Huminto si KG sa paglalakad at bahagya siyang nilingon. “What?”
“Ano’ng totoong dahilan at agad-agad mo akong pinakasalan?” mula sa cloud nine ay para siyang unti-unting bumabagsak papunta sa lupa. Mukhang nag-over thinking siya sa posibleng dahilan ni KG kaya siya nito inalok ng kasal. Akala niya…
“‘Yong totoo? To hurt your sister,” anito bago siya iniwan sa silid na iyon.
Gustong matawa ng pagak ni Tami.
Kung ganoon ay hindi pala totoo ang mga sinabi ni KG sa kanya nang magkita sila sa USA. Bigla ay naging isang katanungan sa kanya kung totoo nga bang nasa isang business trip ito kaya ito nasa America noong isang buwan o hindi iyon totoo?
Nang makabawi ay naglakad siya palapit sa may k**a. Doon ay animo unti-unting hinigop ang kanyang lakas. Paanong nagpa-isa siya sa isang Kedric Gabriel Ladjasali?
Bakit kailangan siya nitong itali sa isang kasal kung ang nais lang pala nito ay saktan ang damdamin ng kanyang panganay na kapatid na si Shantal?
Kahit ang sakit-sakit na ng kanyang lalamunan ng mga sandaling iyon ay animo tuyot ang kanyang tear gland dahil walang luha ang gustong sumungaw mula roon. Unti-unti niyang nayukom ang palad.
“H-How could you, KG?” nagpupuyos pa rin niyang bulalas.
Bumalik siya rito sa Pilipinas dahil akala niya ay sensero si KG sa pag-aalok nito ng kasal sa kanya. Bakit kailangan siya nitong guluhin na naman? Siya na itong nag-give way noon at lumayo rito. Sanay na siya na wala ito, na hindi ito nakikita. Bakit bigla-bigla ay susulpot na naman ito para lang magbigay ng malaking problema sa kanya?
Hindi ba ito masaya sa buhay nito ngayon?
Speaking, muli siyang natawa ng pagak nang maalala na nakatakda ng magpakasal ang Ate Shantal niya sa ibang lalaki. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pang saktan ni KG ang kapatid niya sa pamamagitan niya? Dahil ba kapatid niya si Shantal? Pero bakit siya pa? Ang dami namang iba riyan.
Simula nang umalis siya sa bansa, anim na taon na ang nakalilipas, ay wala na rin siyang naging balita rito at sa kapatid niya. She choose to stay away just to save her self from too much pain. Masyado pa siyang bata noon. Hindi naman naging sila pero daig pa nito ang nagtaksil sa kanya noon. Kaya naman nang magtapos siya sa high school ay nag-request siya sa kanyang ama na si Geoffredo Samarro na mag-aaral siya ng koleheyo sa Amerika.
Mayaman ang pamilya niya at malaki rin ang negosyo na hawak ng kanyang ama kaya kayang-kaya siya nitong pag-aralin sa kahit na anong eskuwelahan na gusto niya.
Nasapo niya ang noo at pilit kinakalma ang sarili.
Mayamaya ay napatingin siya sa pinto ng silid ni KG. Huminga muna siya ng kung ilang beses bago tumayo at naglakad palapit doon. Kumatok siya sa pinto. Nang hindi ito sumagot o ano pa man ay kinalampag na niya iyon.
“KG! Lumabas ka riyan!”
Nang biglang bumukas ang pinto ay hindi agad nakagalaw si Tami nang makita ang halos hubad na katawan ng asawa. Lihim siyang napalunok. Nakasuot lang ito ng boxer short.
Asawa… sa isip ay napatawa siya. Mukhang sa papel lang sila nito magiging mag-asawa.
“What the hell, Tami? Kung ayaw mo pang matulog ay magpatulog ka naman ng ibang tao.”
Nang makabawi ay sinikap niyang patapangin ang anyo sa harapan nito at hindi nagpa-distract sa kakisigan nito. “Same here. What the hell, KG? Pasensiya ka pero hindi ko hihintayin ang bukas para lang magkaliwanagan tayo. Pinauwi mo ako rito sa Pilipinas para lang sa pansarili mong interes?” pinaningkitan niya ito ng mga mata. “How could you?”
Mataman lang siyang pinagmasdan ng guwapo nitong mukha. Tipong hindi apektado sa mga pinagsasabi niya.
“Ano lang ba ang alam mo, Tami? Magwaldas lang ng pera ng mga magulang mo? Naisip mo ba kung kumusta ang negosyo ninyo?”
Hindi siya nakapagsalita. Kapag nangangamusta siya sa kanyang ama ay palagi naman nitong sinasabi na okay lang ang lahat. Wala siyang dapat na isipin kundi ang makatapos siya sa pag-aaral.
Humalukipkip si KG pagkuwan ay humilig sa hamba ng pinto. “Hindi mo alam na nalulugi na ang negosyo ng pamilya ninyo. Bakit hindi ka na lang magpasalamat dahil malaking tulong ang makasal sa isang katulad ko?”
Napipilan siyang lalo. Hindi niya alam ang bagay na iyon.
Bahagya siyang niyuko ni KG. “Parehas lang tayong maggagamitan sa kasal na ito.”
Nayukom niya ang dalawang palad. “Nalulugi naman pala ang negosyo ng pamilya namin. Bakit ako pa ang binulabog mo sa America? Bakit hindi na lang ang Ate Shantal ang pinakasalan mo? Hindi mo ba siya kayang agawin sa iba? Sa tingin mo, masasaktan siya dahil ikinasal ka sa akin?”
“Marami kang hindi alam. Sabagay, may sarili ka ng mundo sa America kaya hindi ka na aware sa mga nangyayari dito. Hindi mo alam na ipinagkasundo lang ang ate mo para makabawi ang negosyo ninyo sa tulong ng pamilya ng pakakasalan ng ate mo. At kung tatanungin mo kung bakit pa kita pinakasalan kung may iba namang tutulong sa inyo? Mas ‘di hamak na mas mayaman ang pamilya ko, at isa pa, pumayag na ang ate mo na makipagkasundo sa iba. Do you think, hindi masasaktan ang ate mo na tayong dalawa ang ikinasal?”
Bigla ay naalala niya ang mukha ng kanyang kapatid habang nakatingin sa kanilang dalawa ni KG kanina sa reception ng kasal nila. Ibig sabihin ay hindi lang siya namamalikmata sa nakita niyang panibugho sa mukha nito na agad nitong pinalitan ng matamis na ngiti nang magtama ang mga tingin nila.
“Hindi mo ba matanggap na hindi ikaw ang pakakasalan niya?” nagpupuyos na hinugot niya sa kanyang palasingsingan ang wedding ring nila. “Tigilan mo ang kabaliwan na ito,” aniya na inilagay sa k**ay nito ang kanyang singsing bago ito tinalikuran at hinayon ang kinaroroonan ng pinto palabas sa master bedroom
Napahinto lang siya sa paglalakad nang pigilan siya sa kanyang bra*o ni KG at sapilitang iniharap dito.
“Where do you think your going?”
“Babalik sa America, ‘yong malayo sa pagmumukha mo.”
Ito naman ang naningkit ang mga mata. “Ngayon ka pa? Sa tingin mo, kukunsintihin ng papa mo ang balak mo? Baka ihatid ka pa niya pabalik dito.” Natigilan na naman si Tami sa sinabi ni KG na sinamantala naman nito. Isinuot nito pabalik sa palasingsingan niya ang kanilang wedding ring. “‘Wag na ‘wag mong tatanggalin ‘yan diyan. At ‘wag na ‘wag ka ring gagawa ng ikakasira ng pangalan ko. Matulog ka na,” iyon lang at iniwan na siya nito.
Nang muli siyang maglakad palapit sa malaking k**a ay padapa siya roong bumagsak. Isinubsob niya ang mukha sa malambot na unan at doon ay tahimik na pinakawalan ang luhang nag-uunahang kumuwala sa mga mata niya.
Chapter 02
KAHIT na alam ni Tami na mataas na ang sikat ng araw sa labas ng bahay ay nanatili pa rin siyang nakahiga sa k**a. Matapos magbanyo nang magising siya kanina ay muli siyang bumalik sa pagkakahiga.
Akala niya ay isang masamang panaginip lang ang lahat. Pero nagising siya na naroon pa rin sa bangungot na maituturing na iyon. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya ngayon. Kasal sila ni KG pero hanggang sa papel lang iyon.
Muli na naman niyang naramdaman ang pinong kurot sa kanyang dibdib. Bakit kailangang maging kapalit ang kaligayahan niya para sa pansariling interes ni KG?
Ngunit nang maalala ang sinabi nito na baon na sa utang ang pamilya niya ay mariin siyang napapikit. Anito ay ito lang ang makakatulong sa kanila ng walang kahirap-hirap. Right, he’s a multi-billionaire after all. Kahit nga yata kaluluwa niya ay kaya nitong bilhin. Damn him for being this rich. Money works para dito.
Naisip niya ang kanyang ama na walang ibang ginawa kundi ang ibigay ang maginhawang buhay sa kanya sa America. Hindi niya alam na malaki na pala ang problemang dinadala nito. Na sa kabila ng ngiti na ipinap**ita nito sa kanya ay isang malungkot na mukha pala ang nasa likod niyon.
“Papa,” anas niya. Gusto niyang makita ang ama niya para mayakap man lang ito. Hindi siya mag-uungkat ng kahit na ano tungkol sa pinagdadaanang financial problem ng pamilya niya. She wants to hug her father.
Nalulungkot siya sa sinapit niya pero kung iyon lang ang makakatulong para makabangon ang negosyo ng pamilya niya na matagal ding itinatag ng kanyang ama, bakit hindi? Kung sa ganitong paraan niya maibabalik ang lahat ng sakripisyo ng kanyang ama sa kanya. Mahal niya ang mga magulang niya. Mahal na mahal.
Nanubig na naman ang mga mata niya. Mabilis niya iyong pinahid gamit ang comforter.
Nang marinig ang pagbukas ng main door ng silid na iyon ay isiniksik ni Tami ang mukha sa kanyang unan.
“Hindi ka pa ba pupunta sa baba para kumain?” naulanigan niyang tanong ni KG. “Tami,” tawag nito sa kanya nang hindi siya kumibo. “Ikaw ang bahala kung ayaw mong kumain. Hindi naman ako ang magugutom,” anito na hinayon na ang sariling silid.
Imbis na pagpapansinin pa si KG ay pinilit niyang makatulog muli. Sino ba ang gaganahang kumain kung ganoon ang nararamdaman niya?
Tanghali na nang ipasyang lumabas ng kuwarto ni Tami. Umalis si KG at hindi nagpaalam kung saan pupunta. Dapat na ba niyang pag-aralan ang art of deadma? Mukhang kailangan niya iyon.
Saka lang niya mas nabistaan ang bahay ni KG. Napakalawak niyon. Habang pababa siya sa may grand staircase ay natingnan pa niya ang high ceiling na kisame kung saan may chandelier na nakasabit sa pinakaitaas. Kulay gold na maraming white crystal. Ang bahay na iyon, may pagka-European style. Tipong kitang-kita kung gaano kayaman ang nakatira doon. But in real life, si KG lang ang mayaman.
Sa ngayon ay wala pa siyang napapatunayan o nararating bukod sa nakatapos siya sa pag-aaral sa tulong ng kanyang mga magulang. Ni hindi man lang pinaranas sa kanya ni KG ang makapagtrabaho at tumayo sa sarili niyang mga paa. Ngayong narito siya sa Pilipinas, nakaasa naman siya rito dahil wala naman siyang trabaho.
Pagkababa sa hagdan ay hinanap naman niya ang kinaroroonan ng kusina. Wala siya roong makitang kawaksi. Napahanga rin siya ng main kitchen dahil napakalinis tingnan at malawak din. Maganda ang pagkaka-interior.
Naglakad si Tami palapit sa isang pinto na nakapinid. Pinihit niya iyon pabukas. There, napaawang ang labi niya nang makita ang nagsisilbing dirty kitchen sa bahay na iyon. Napakalawak naman kasi. Animo kusina sa isang restaurant ang design.
“Magtatayo ba si KG ng catering?” hindi niya mapigilan ang matawa ng bahagya.
To think na ang lawak-lawak na ng main kitchen. Pero mas malawak pa pala ang secondary kitchen o mas kilala sa tawag na dirty kitchen.
Naroon ang mga kawaksi na agad nagbigay galang nang makita siya. Mga naghanay pa ang mga iyon sa may bandang gitna ng dirty kitchen kung saan siya dadaan.
“Magandang tanghali, Ma’am, may gusto po ba kayong ipaluto para sa pananghalian ninyo?” anang isang babae na mukhang mayordoma sa mansiyon.
“A-ah,” p**iramdam niya ay nasa isa siyang palabas. Dahil sa mga pinanonood lang niya nakikita ang mga ganitong eksena. Mayaman sila, pero hindi to the point na katulad ng karangyaan na nasa bahay na iyon. “Sinigang po sana kung okay lang,” alanganin pa niyang wika. Bigla siyang nakaramdam ng pagkailang.
“Okay, Ma’am, mahihintay niyo po ba ‘yon? Baka gutom na kayo?”
Tumango siya. “I can wait.”
Mabilis naman na kumilos ang mga kawaksi para ihanda ang request niyang pagkain. Iniwan na muna niya ang mga ito sa dirty kitchen. Pagkabalik niya sa main kitchen ay nagbukas siya ng refrigerator. Puno rin iyon ng laman. Kumunot ang noo niya. May nakita rin siyang ref sa dirty kitchen, malaki rin. Nakakalula talaga ang bahay na iyon kumpara sa nakasanayan niya. Kumuha lang siya ng tubig at nagsalin sa isang ba*o. Pagkuwan ay ininom.
Saka lang niya napagtanto na tatlong palapag ang mansiyon na iyon nang abalahin niya ang sarili sa paglilibot doon. May malawak na swimming pool at lawn sa outdoor.
Right, sigurado siya na kahit na sinong babae ay papangarapin na tumira sa ganoong klaseng lugar. Para sa kanya, napakaganda ng mansiyon na iyon. Walang itulak-kabigin, ika nga.
Pero ang tumira doon kasama ang lalaking wala namang pag-ibig para sa kanya? Parang hindi maganda. Mukhang, struggle is real.
Nang mapagod ay nanatili siya sa malawak na living room. Naupo siya sa sofa at naghintay roon na tawagin siya ng kawaksi para kumain ng tanghalian. Hindi niya halos nauuli lahat. Siguro ay mamaya na lamang.
Alam din kaya ng mga naroong kawaksi ang totoong estado ng kasal nila ni KG? Malungkot siyang napangiti.
Pakiramdam niya ay isa siyang ibon na pinutulan ng pakpak upang makalipad ng mataas. Nakatapos nga siya ng pag-aaral sa America, pero mukhang hanggang doon lang iyon. Hanggang kailan siya pagtitiisan ni KG na makasama roon?
Gusto niyang malaman, para naman handa ang sarili niya once ma-kick out siya palabas sa mansiyon na iyon.
Chapter 03
NANG DUMATING si KG sa mansiyon ay dumiretso agad ito sa study room na nagsisilbing opisina nito sa bahay na iyon, ayon sa kawaksi na agad nagbalita kay Tami katulad ng bilin niya.
Huminga muna siya nang malalim bago walang kakatok-katok na binuksan ang pinto ng study room at puma*ok doon kahit na wala namang pahintulot mula kay KG.
Agad na nag-angat ng mukha si KG nang marinig ang pagpa*ok niya. Tila balewala na ibinalik nito ang tingin sa harap ng folder na nasa ibabaw ng lamesa nito. Binabasa nito ang naroong files.
Naglakad siya palapit dito. “Plano mo ba na bulukin ako sa bahay na ito?” aniya nang makalapit siya rito. Kahit may upuan sa harapan ng lamesa nito ay hindi siya roon naupo.
“‘Yon lang ba ang ipinunta mo rito?” kaswal lang nitong tanong.
“Lang? Sabagay, sa katulad mong ubod ng yaman, nila-lang mo lang ang mga nasa paligid mo.”
“What do you want?” blanko ang ekspresiyon sa guwapong mukha nito na muli siyang tiningnan.
“Let me leave,” deretsa niyang sabi.
“You’re wasting my time for nothing, Tami,” anito na ibinalik ang tingin sa binabasa nito.
“Then, let me work. Ayaw kong nakakulong lang ako sa bahay na ito.”
“Hindi mo kailangang magtrabaho. ‘Yong sasahurin mo, kakarampot lang sa kaya kong ibigay sa iyo,” balewala nitong sabi.
Nayukom ni Tami ang mga k**ay. “Kedric, gusto ko ring magamit ‘yong kurso na tinapos ko. Let me work.”
Isinara ni KG ang folder at tumayo para harapin siya. “Ang kulit mo, Tami. Nasa poder kita ngayon. At ‘yong sasabihin ko ang masusunod. Hindi ka magtatrabaho,” anito na nakipagtagisan pa ng tingin sa kanya.
“At ano lang ang gagawin ko?”
“Girls love shopping. Shop all you want.”
Mukha ba siyang materialistic na babae sa tingin nito? Right. Hindi naman siya nito kilala ng husto. Mapait siyang napangiti.
“Wala ka na bang ibang maisip na puwedeng ipagawa sa akin? How about your housemaids? Alam ba nila itong kalokohan mo? Alam ba nila na nagpakasal tayo hindi dahil mahal natin ang isa’t isa?”
“Wala silang alam sa personal nating buhay, Tami. And don’t you dare to say anything na makakasira against sa akin.”
“Puro sarili mo lang ang iniisip mo. Paano naman ako? Magdudusa lang dito sa bahay mo? Habang ikaw, nagagawa mo ‘yong gusto mo. I wonder kung ilang babae ang mali-link sa iyo habang nakatali ka sa kasal na ito. Pasalamat ka, weakness ko ang papa ko. Sa ngayon, itong pagpapakasal lang sa iyo ‘yong mabibigay ko sa kanila ni mama para masuklian ‘yong sakripisyo nila sa akin habang nasa abroad ako at nag-aaral. Fine, kung ang pagpapakasal lang sa iyo ang magsasalba sa pamilya ko, sige. Tutal naman, pabor na pabor din sa iyo para saktan ang kapatid ko. Pakisabi na lang sa akin kapag sawa ka na sa pina*ok mong ito para makabalik na ako sa normal kong buhay,” iyon lang at tinalikuran na niya ito. Nasa gitnang bahagi na siya ng study room nang huminto siya sa paglalakad at muli itong lingunin. “You ruined my dream, KG,” aniya na puno ng hinanakit ang boses bago nagbawi ng tingin at dumiretso na palabas ng silid na iyon.
Dumiretso siya sa may back porch at doon ay naupo sa isang silya. Pagkuwan ay tumanaw sa malayo. Gaano kaya siya katagal na mananatili sa lugar na iyon? Kailan din kaya magsasawa si KG na ikulong ang sarili sa kasal nila?
Mayamaya ay naigala niya ang tingin sa buong paligid. Napakaganda ng bahay na iyon. Pero ngayong alam na niya kung bakit siya naroon, hindi niya magawang matuwa dahil sa ganoong klaseng mansiyon siya nakatira. Pakiramdam niya ay isa iyong kulungan.
Napabuntong-hininga siya. Mukhang kailangan niya ng mahabang pasensiya at mahabang pagtitimpi. May asawa na siya pero akala lang iyon ng iba.
A s*xless marriage. A loveless marriage. Name it all.
Hindi naman siya uhaw pagdating sa usaping s*x. It’s just that, normal sa mag-asawa na ma-inlove sa s*x. Ngunit ngayong malinaw na sa kanya ang totoong relasyon niya sa isang Kedric Gabriel Ladjasali, animo gumuho ang maiinit na tagpo na na-i-imagine niya noon sa unang gabi ng kanilang kasal.
Gusto niyang pagtawanan ang sarili na sa unang beses na ikakasal siya ay walang naka-attach na romantic relationship sa kanila ng kanyang magiging asawa. Na sa pagtuntong niya sa mansiyon na iyon, malamig na Kedric Gabriel Ladjasali ang makakasama niya.
Akala niya… akala pa naman niya ay nagbago na ang ihip ng hangin. Na sa wakas ay may pagtingin na sa kanya ang binata. Pero umasa lang pala siya. At siya naman itong si tanga, nagpadala sa matatamis nitong salita noong nasa America pa siya. Kung alam lang niya… sana hindi sila umabot sa kasalan ni KG. Na kahit walang kasal na involve ay gagawa siya ng paraan para lang makatulong sa kanyang mga magulang.
Bigla ay para siyang hinila sa nakaraan. Kung saan niya unang nakita si KG at kung paano nabuo sa batang puso niya ang paghanga rito…
Chapter 04
Six years ago…
“SUMAMA ka na kasi, Tami. Hindi natin puwedeng palampasin ang laro ng basketball sa basketball court. Dito lang din naman sa Valle Encantado, eh. Hindi tayo lalabas ng village,” pamimilit pa rin ni Marie kay Tami. “Pumayag ka na kasi at magsisimula na ang laro.”
Nagbuga ng hangin si Tami bago binalingan ang kaibigan at kaklase rin na si Marie Reyes. Nasa may garahe sila ng kanilang bahay nang mga sandaling iyon. “Marie, wala ka bang ibang puwedeng makasama? How about your other girl-friends? Sina Kenny, Orences at Jennie?”
Marie rolled her eyes. “‘Yong mga binanggit mong pangalan ay mga wala rito sa village natin. Hindi sila rito nakatira. Kaya samahan mo ako dahil hindi ako papayagan nina daddy kung mag-isa lang akong pupunta sa basketball court. Ikaw lang ‘yong tanging alas ko para hindi mapagalitan. So, please, Tami. Ganito na lang, sa susunod kapag ikaw naman ang may kailangang puntahan ay ako naman ang sasama sa iyo.”
Nag-inat siya nang mga k**ay. Pagkuwan ay tumayo mula sa pagkakaupo sa upuang naroon. “Sigurado ka ba riyan sa huli mong sinabi?”
Bahagya mang naningkit ang mga mata ni Marie ay nagawa pa rin nitong tumango. “Ang bilis mo talaga kapag may kapalit,” pairap pa nitong wika.
“Gusto mo ba na samahan kita o ayaw mo?” sa halip ay tanong niya.
“Syempre gusto. Sige na, magpaalam ka na sa mama mo. Hihintayin kita dito sa labas.”
Bago sundin ang sinabi nito ay humalukipkip pa siya. “Ano nga kasing mayroon sa basketball court?”
“Mamaya, malalaman mo rin. Sige na.”
Naiiling na tinalikuran na niya ang kaibigan at puma*ok na sa kanilang bahay. Hinanap niya ang kaniyang ina na siyang puwede niyang pagpaalaman nang mga sandaling iyon. Nakita niya ito sa may salas. Nagbuburda.
“‘Ma, okay lang po ba na pumunta sa may basketball court nitong village? Nagpapasama po si Marie. Kung okay lang po sa inyo,” aniya nang lapitan ito.
Itinigil ng kaniyang Mama Anna ang ginagawa at sinulyapan siya. “Sige. Basta mag-iingat ka.” Pagpayag nito na ikinatuwa ni Tami.
“Thank you, ‘Ma. Mag-iingat po kami ni Marie,” aniya na niyakap pa ito bago nagmamadaling lumabas sa kanilang bahay. Pinalungkot pa niya ang mukha nang balikan si Marie. “Hindi pumayag si mama, eh. Pasensiya na.”
Ganoon na lang ang panlulumo sa mukha ng kaniyang kaibigan. Doon na napatawa ng wagas si Tami.
“Biro lang. Tara na. Pinayagan ako ni mama. Maglalakad lang ba tayo papunta sa court? Aaaw!” malakas niyang wika nang hampasin siya ni Marie sa kaniyang bra*o.
“Grabe ka sa akin. I hate you!”
“Uy, sasamahan ka na nga, eh.”
“Sumakay tayo sa scooter ko,” iminuwestra pa nito ang scooter na nakagarahe sa may labas ng gate.
“Scooter? Puwede bang maglakad na lang ako?”
“Wala kang tiwala sa akin? Turning sixteen na ako kaya may advance regalo sa akin si daddy para sa birthday ko. At ito na ‘yon. Pero dito ko lang puwedeng gamitin sa loob ng village. Bawal pa sa labas.”
“Magba-bike na lang ako o kaya ay maglalakad,” sabi pa rin niya.
Lumabas na ng gate si Marie at kinuha ang spare nitong helmet. Ibinigay sa kaniya ang isa. “Tami, maayos akong mag-drive. Kaya ‘wag kang OA! Tara na.”
Napatingin siya sa kaniyang suot. Parang hindi angkop na sasaklang siya sa scooter ni Marie gayong nakasuot siya ng dress. Bagaman at umabot iyon sa kaniyang mga tuhod. Hindi naman niya ma-imagine na uupo siya roon na hindi naka-saklang. Baka mahulog siya.
“Sigurado ka ba na maayos kang mag-drive?”
“Itanong mo pa sa daddy ko,” anito na inilagay na sa ulo niya ang asul na helmet ng hindi niya iyon kunin. “Let’s go.”
Wala na ring nagawa kundi ang sumakay sa scooter ni Marie si Tami. Habang daan naman ay napatunayan ni Marie na maayos itong mag-drive ng scooter. Hindi nagmamadali. Tama lang. Nawala ang kaba niya dahil doon. Safe rin silang nakarating sa basketball court ng Valle Encantado Village.
“Tara na,” ani Marie nang maigarahe nang maayos ang scooter nito.
Nagpatianod siya sa kaniyang kaibigan hanggang sa makapa*ok sila sa loob ng basketball court. Napakurap-kurap pa siya nang makita na may karamihan ang tao roon.
“Ano ba’ng mayroon ngayon dito, Marie?”
“May guwapong makikipaglaban sa team ng kuya ko. Pero hindi ako narito para suportahan ang kuya ko. Narito ako para makita ‘yong laging bukang bibig ng mga girlfriend ng ka-team ni kuya.”
“Wow, napaka-supportive mo naman na kapatid sa kalaban ng kuya mo. Sumbong kaya kita?”
“Ssshhh,” anito na hinila na siya. Pumwesto sila sa kinaroroonan ng kalaban ng team ng kuya ni Marie. Nakisiksik pa ito para lang makarating sila sa unahan.
Hinayaan na lang niya ang kaibigan sa kabaliwan nito.
Mayamaya pa ay inanunsiyo na magsisimula na ang laro ng basketball. Wala naman siyang hilig doon. Pinagbigyan lang niya ang kaibigan na gusto roong pumunta.
Nahawakan niya ang panubigan nang makaramdam ng pag-iihi.
“Marie, iihi muna ako,” bulong niya rito.
Tumango ito. “Sige. Bilisan mo.” Sinabi pa nito kung saan siya puwedeng magbanyo.
“Excuse po,” magalang niyang wika habang nakikiraan sa mga naroon. Nang makalayo sa kumpulan ay daig pa niya ang nakahinga nang maluwag. Masyadong maraming tao. Hindi siya sanay.
Hinanap agad niya ang sinabing CR ni Marie. Nang makita ay agad siyang puma*ok doon. Hindi rin naman siya nagtagal. Pero bago lumabas ng banyo ay inayos pa niya ang puting headband na nakalagay sa ulo niya sa harap ng isang salamin sa tapat ng sink. May kahabaan ang buhok niya na tuwid na tuwid. Natural din na makintab na kulay itim ang buhok niya at malambot. At isa sa paborito niya na hair accessories ay ang headband.
Hindi halata na fifteen na ang edad niya dahil medyo malaking bulas siya. Mukha na nga raw siyang eighteen, iyon ang palaging sinasabi nina Marie.
Matapos ayusin ang sarili ay lumabas na rin siya ng banyo. Nang makarinig ng hiyawan buhat sa loob ng court ay may pagmamadali nang lumiko siya sa pasilyo. Hindi niya alam na may nagmamadali ring lalaki kaya nagkasalpukan pa sila. Muntik pa siyang matumba kung hindi lang siya agad nahawakan sa kaniyang bra*o ng lalaking nakabunggo. Pero ang suot niyang headband ay nahulog pa at sa k**alas-malasan ay natapakan pa ng lalaki nang humakbang iyon paatras.
“Sorry,” halos sabay pa nilang wika.
Mahina pang napamura ang lalaki nang makita na naapakan nito ang isang headband. Putol iyon. Binitiwan siya nito at niyuko iyon para kunin. “Sa iyo ‘to?” tanong pa nito habang hawak ang putol na headband.
Napalunok si Tami. Papa pa niya ang nagbili niyon sa kaniya. Nanginginig ang k**ay na kinuha niya iyon. Pagkuwan ay umangat ang tingin sa lalaking kaharap para lang sandaling matigilan nang makita ang mukha nito.
Gustong kumunot ng kaniyang noo. Oo nga at marami siyang nakikitang guwapong lalaki lalo na sa Mori High Academy. Pero iyong klase ng kaguwapuhan na tinataglay ng lalaking kaharap ngayon, tila ba ngayon lang niya nakita.
“Papalitan ko na lang ‘yang headband mo. For now, I need to go. I’m sorry,” anito na dinampot ang nabitiwan ding sports bag at tuluyan na siyang nilampasan.
Nang makahuma ay saka lang niya nagawang sundan iyon ng tingin. Kumunot ang noo niya. Paano naman nito mapapalitan ang kaniyang headband kung walang kasiguraduhan ang susunod nilang pagtatagpo? Iyon ang unang beses na nakita niya ang mukhang iyon. Mukha na nagpatulig sa puso niya sa unang pagkakataon.
Chapter 05
NANG makabalik si Tami sa kinaroroonan ng kaibigang si Marie ay naupo siya sa tabi nito. Napabuntong-hininga pa siya nang matitigan ang hawak niyang headband na putol na.
Napasulyap si Marie sa hawak niya. “Bakit naputol?”
Tumikhim siya. “N-natapakan ko,” aniya nang sulyapan ang kaibigan.
“Bakit hindi mo pa itinapon? Don’t tell me, iuuwi mo pa ‘yan sa inyo?”
“Wala kasi akong nakitang basurahan sa naraanan ko,” dahilan na lang niya.
“Magsisimula na ang laro,” impit pa nitong bulong sa kaniya.
“Bakit nga pala hindi ka papayagan ng daddy mo na manood dito? Eh, maglalaro din naman ang kuya mo,” naalala pa niyang itanong sa kaibigan.
“Alam ni daddy na hindi ako mahilig sa basketball. At isa pa, ayaw ni kuya na pupunta ako rito. To tell you the truth, sinabi ko kay daddy na ikaw ang nagpapasama sa akin dito. Peace,” anito na mabilis na nag-peace sign. “Para payagan akong umalis.”
“Bakit ba ikaw ang naging close friend ko rito sa village?” pairap niyang wika sa kaibigan.
“Choosy ka pa? Hindi ka nga naaarawan man lang kung hindi pa kita aayaing lumabas ng bahay ninyo.”
Magsasalita pa sana si Tami nang tawagin na ang mga manlalaro. Mukhang nagkaroon na ng sariling mundo si Marie dahil daig pa nito ang nawala na sa katinuan habang hindi kumukurap na nakatitig sa mga lumalabas na manlalaro.
Team nang kapatid nito ang unang lumabas. Sunod ay ang kalaban niyon na siyang sadya nito roon. Lahat ay isa-isang ipinap**ilala at nang lumabas ang pinakahuling player ay doon na naligalig ang buong basketball court dahil sa tilian ng mga babaeng naroon.
Bahagya pang naitakip ni Tami ang k**ay sa kaniyang tainga habang napapapikit.
“OMG. Siya na siguro ‘yon,” para pang timang na wika ni Marie habang tulalang nakatitig sa last player.
Nang medyo kumalma ang crowd ay saka lang siya nagmulat ng mga mata at ang unang mukha na nakita niya… ang mukha ng lalaking nakita niya kanina. Napaiwas pa siya nang tingin nang magtama ang mga tingin nila. Napalunok siya nang maramdaman ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso.
Gusto niyang hawakan ang dibdib ngunit pinigilan niya ang sarili. Bakit ganoon ang epekto sa kaniya nang lalaki na iyon?
Nang muli siyang mag-angat nang tingin ay busy na ang lalaking iyon sa pagwa-warm-up kasama ang mga ka-team nito.
“Shocks! Tami, look, napakaguwapo nga niya sa personal.”
Huminga muna siya nang malalim bago binalingan ang kaibigan. “Sino?”
“‘Yong nakasuot ng jersey na number three. Si KG Ladjasali.”
Nang hanapin niya ang tinutukoy ni Marie ay natigilan na naman siya.
KG Ladjasali… iyon ang pangalan ng lalaking iyon. At iyon din ang pangalan na ipinapalirit ng ilang mga kababaihan na naroon.
Hindi niya magawang sabihin sa kaibigan na naka-encounter niya iyon kanina at siyang totoong nakatapak sa headband niya. Hindi rin niya masabi rito na bumibilis ang tibok ng kaniyang puso nang dahil din sa lalaki na iyon.
Bigla ay nakaramdam siya ng pagkahiya sa kaibigan. Mang-aagaw na ba ang dating niya? Ang lalaking dahilan kaya sila naroon, hayon at nagbibigay ng kakaibang p**iramdam sa kaniya.
Nang tuluyang magsimula ang laro ay doon na lalo na-focus ang atensiyon ni Marie. Si Tami naman, kahit na wala rin siyang hilig sa panonood ng basketball ay kataka-taka at na-e-enjoy niya iyon nang mga sandaling iyon. Sa kaniyang isip ay nag-che-cheer pa siya kapag nakaka-shoot ng bola si KG. Hindi niya magaya si Marie na may kasama pang pagpalirit sa tabi niya at paghampas sa kaniyang bra*o. She even chants his name.
Nang maglakad palapit si KG sa upuan ng team nito, na nasa bandang unahan lang nina Tami para maupo ay hindi niya mapigilan ang sarili na pagmasdan ito. Nakatingin ito sa baba ng sahig habang naglalakad kaya malaya niya itong napagmasdan. Ngunit nang umangat ang tingin nito at muling magtama ang mga tingin nila, hindi niya iyon napaghandaan. Animo nag-slow motion ang buong paligid. Bigla rin ay parang gusto niyang magtago sa likod ng kaniyang kaibigan.
Ano ba’ng nangyayari sa kaniya?
Napakurap-kurap pa si Marie nang ma-realize na hindi rito nakatingin si KG. Nasundan nito ang tingin ng binata. Ganoon na lang ang pag-awang ng bibig ni Marie nang makita na nakay Tami ang atensiyon ni KG. Hindi lang nakita ni Marie ay ang pagngiti pa ni KG kay Tami bago ito naupo sa nakatalagang upuan para sa team nito.
Lalo yatang nagsalimbayan ang puso ni Tami dahil sa ngiting iyon. She was like… siya ba talaga ang nginitian nito? O baka naman mayroon pa sa likuran niya? Hindi naman niya magawang lumingon. Ayaw niyang paasahin ang sarili.
“Bruha ka, ano ‘yon? Bakit ikaw ang tiningnan ni KG?” impit pang bulong sa kaniya ni Marie habang niyuyugyog ang kaniyang bra*o.
Saka lang siya napakurap-kurap. “H-ha?”
“Nakatitig sa iyo si KG kanina. What’s that mean?”
“S-sa akin? Baka sa bandang likuran ko,” aniya na pilit binabalewala ang sinabi ng kaibigan.
“Nakatingin ka rin sa kaniya.”
Umiling siya. “Hindi ko siya tinitingnan,” kaila pa rin niya.
“Whatever,” wika na lang nito na muling ibinalik ang tingin kay KG na nakatalikod ng upo sa kanila.
Lihim pa siyang nakahinga nang maluwag nang tantanan na siya ni Marie.
NAKASANDAL si Tami sa pader habang hawak ang headband sa k**ay at nilalaro-laro. Hinihintay niya si Marie na nakapila sa may CR. Nasa may corridor siya sa gilid ng basketball court. Tapos na rin ang laro at ang team ni KG ang nanalo sa pangunguna na rin ng binata.
Napasinghap siya nang biglang mawala sa k**ay niya ang hawak niyang headband. Aapila sana siya nang animo malulon naman ang kaniyang dila nang sa pag-angat niya ng tingin ay makita kung sino ang kumuha sa kaniya ng headband niya. It was KG. Hayon na naman ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso.
Ngayon niya mas na-appreciate ang kaguwapuhan nitong taglay sa malapitan. Ang kinis ng kutis nito maging ang guwapo nitong mukha. Natural na mamula-mula ang labi nito. Matangos din ang ilong. At ang mga mata nitong almond eyes na may bahagyang makapal na pilik-mata, matiim din kung makatitig.
“Sa akin na muna ‘to. Para madali kong mahanapan ng kapalit,” wika pa nito habang nakatitig sa kaniya.
Nang tila mabawi ang boses ay saka lang niya nagawang magsalita. “A-aksidente ‘yong nangyari kanina. Kasalanan ko rin dahil nagmamadali ako. Hindi mo na kailangang palitan ‘yan,” aniya na akmang kukunin dito ang headband niya nang itaas naman nito iyon. Dahil matangkad ito kaya naman hindi niya naabot ang hawak nito.
“I don’t take no for the answer. Paa ko ‘yong nakatapak. Kaya kasalanan ko,” giit pa nito.
Ibinaba na niya ang k**ay. Gusto niyang tumangging muli pero animo hinihipnotismo siya ng mga titig nito. Nagbaba siya ng tingin nang hindi na niya makayanan pa na salubungin ang mga titig nito. Pati mga tuhod niya ay apektado na dahil sa unti-unting panlalambot niyon. Ibinaba na rin ni KG ang k**ay nito na may hawak sa putol na headband ni Tami.
“Bahala ka,” sa huli ay wika niya. Mukhang wala na siyang magagawa.
Hindi ito mukhang teenager. Ilang taon na kaya ito? Nahihiya naman siyang mag-usisa kay Marie.
“Uy, KG, bata pa ‘yan masyado para pormahan mo.”
Napaangat ang tingin ni Tami sa narinig. Nakita niya si Teody Regala na kasama ni KG sa team nito. Katapat lang nila ang bahay nito kaya kilala siya nito. Pamilya rin nito ang nagmamay-ari ng Alager Chains of Hotel sa bansa.
Muling napatingin si KG sa kaniya. “Talaga?” baling pa nito kay Teody.
Tumango si Teody. “‘Di ba, Tami?” baling pa nito sa kaniya.
Siniko ni KG si Teody. “I’m not courting her,” tanggi rin ni KG.
“Nagkak**ali ka ng inaakala, Kuya Teody,” tanggi rin niya.
“Tsss. Galawan mo, KG. Yari ka sa tatay niyan kapag pinormahan mo,” muli na namang wika ni Teody sa kaibigan.
Sa isip ay nahila na niya ang dalawang tainga ni Teody. Sinabi na ngang hindi siya nililigawan ni KG. Napakakulit din. Siguradong magkukulay k**atis na ang kaniyang mukha dahil sa pagkailang sa mga ito.
Napatawa naman si KG. “Bahala ka sa gusto mong isipin,” sabi na lang nito sa kaibigan. “Alis na kami,” paalam pa nito sa kaniya na matapos siyang titigan pa ng isa ay hinila na palayo si Teody.
Daig pa niya ang animo nauubusan ng lakas nang mapasandal siyang muli sa may pader. Saka lang din siya nakahinga nang maluwag. Nahawakan pa niya ang kaniyang dibdib na kay bilis na naman ng tibok.
Nasundan niya ng tingin ang papalayong bulto nina KG Ladjasali at Teody Regala.
Hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayari sa kaniya once na pumunta siya sa lugar na iyon. Never siyang pinanlambutan ng tuhod sa kahit na sinong lalaki na nakakaharap niya. Bakit ganoon ang reaksiyon niya kay KG? She’s still confuse.
Napakurap-kurap pa siya nang biglang may pumitik sa may harapan niya. Nang magbaling siya ng tingin ay nakita niya si Marie. Katatapos lang nitong gumamit ng CR.
“Tara na,” pag-aaya na nito sa kaniya.
Marahan siyang tumango. Pagkuwan ay sumunod na rito.
Hanggang sa makauwi siya sa kanila ay hindi na naalis ang imahe ni KG sa kaniyang isipan. Did he really invade her system? Mariin siyang napapikit.
Chapter 06
“SHANTAL, makikisuyo nga nitong Pyrex bowl sa katapat na bahay,” pag-uutos pa ng Mama Anna nina Tami sa panganay niyang kapatid.
Halos magkasabay sila ng Ate Shantal niya na puma*ok sa kusina. Siya ay para kumuha ng malamig ng inumin sa ref. Kanina pa siya nauuhaw. Hindi naman niya agad maiwan ang ginagawa niya sa kaniyang silid. Ngayon lang siya natapos kaya ngayon lang niya nakababa.
Iminuwestra pa ni Shantal ang mga kuko nito na katatapos lang nitong lagyan ng nail polish. “‘Ma, hindi pa po tuyo itong nilagay kong nail polish sa mga kuko ko. Si Tami na lang po,” ani Shantal na naupo sa upuan na nasa harapan ng kitchen counter. Pagkuwan ay hinipan ang mga kuko.
Naka-day off ang dalawa nilang kawaksi. Ang kusinera naman nila ay katuwang ng kaniyang ina sa paghahanda ng para sa hapunan nila mamaya. Mahilig magluto ang kaniyang ina kahit na mayroon silang kusinera.
“Tami, ikaw na lang. Baka kailanganin na ‘yan sa kabila. Hindi pa naiibalik,” sa huli ay wika ng kaniyang ina sa kaniya.
Napatingin siya sa Pyrex bowl na kulay pink na may design pang bulaklak na puti. Babasagin din ang takip niyon. Pagkuwan ay ibinalik niya ang tingin sa ina. “Sige po,” pagpayag niya.
Pagkalagay niya sa ininumang ba*o sa may sink ay maingat niyang kinuha ang babasaging Pyrex bowl. Dinala na niya iyon papunta sa malaking bahay ng mga Regala na nasa tapat lang nila.
Nang makalabas sa gate nila ay natitigan pa niya ang isang hindi pamilyar na magarang sasakyan sa tapat niyon. Ipinagkibit balikat na lang niya kung kanino iyon at itinuloy na ang paglapit sa may maliit na gate. Naroon ang doorbell na agad niyang pinindot nang makalapit doon.
Naghintay pa siya nang ilang sandali. Walang nagbukas sa gate kaya naman inulit niya ang pag-do-doorbell. Napabuga siya nang hangin. Wala bang tao roon? Pero imposible. Isang ulit pa siyang nag-doorbell.
Nang wala pa ring magbukas ay nauubusan ng pasensiya na tumalikod na siya. Saka naman niya narinig ang pagbukas ng maliit na gate. Huminga muna siya nang malalim at pinalis ang nauubusan ng pasensiya sa mukha. Mabilis niyang nilapatan ng ngiti ang labi bago muling humarap doon.
Kung hindi niya nahawakan nang mahigpit ang Pyrex bowl ay tiyak na nabitiwan na niya iyon sa pagkabigla. It’s been a week. Pero ang mukhang iyon ay hindi na yata niya malilimutan. Sa isip ay sinaway niya ang sarili nang sandali pang matulala kay KG. Kung ano man ang ginagawa nito roon ay sinarili na lang niya ang kuryosidad.
Nang makabawi ay tumikhim siya para alisin ang tila bara sa kaniyang lalamunan. Nagbaba siya ng tingin dahil hayon na naman ang mga titig ni KG na nagbibigay sa kaniya ng pagkailang na p**iramdam. Sa isip nga rin niya ay nagtatakbo na siya pauwi sa kanilang bahay.
“I-isusuli ko lang itong bowl,” aniya na hindi pa rin ito tinitingnan.
“Pakidala na lang sa loob.”
Saka lang nagawang mag-angat muli ni Tami ng tingin. “H-ha?” Tama ba ang narinig niya?
“Hindi ko madadala ‘yan,” anito na ipinakita pa sa kaniya ang k**ay na parehas may bahid ng grasa.
Bahagyang umawang ang mga labi niya nang matitigan ang mga k**ay nito na mahahaba rin ang daliri na medyo payat. Parang bagay ang k**ay niyon sa paghawak ng gitara.
“Ikaw na lang ang magdala sa loob,” ani KG na niluwagan ang pagkakabukas sa maliit na gate. “Come in.”
Mukhang wala rin naman siyang choice. Naglakad na siya papa*ok sa maliit na gate. “W-wala bang housemaid? Bakit ikaw ang nagbukas ng gate?”
“Wala,” kaswal na sagot ni KG. “Kami lang ni Teody ang tao rito ngayon. Hindi siya sumama sa out of town ng pamilya nila.”
Kaya siguro sobrang tahimik.
“Ganoon ba,” sabi na lang niya.
Gusto sana niyang usisain kung may nahanap na ba ito na kapareha ng headband niya, na natapakan nito noong nakaraang linggo, o wala pa?
Paano kung limot na niya ‘yon? anang isip niya.
Kung nakalimutan na iyon ni KG… ibig sabihin ay wala na itong balak pang palitan ang headband niya. Umasa siya masyado na pag-uukulan nga nito iyon ng oras. Baka naisip nito na tama nga siya, kasalanan din naman niya kaya quits na lang sila. Kaya hindi na ito nag-abala pa na maghanap ng kapalit niyon.
“May laman ba ‘yan, Tami?” nakangisi pang tanong ni Teody sa kaniya nang daanan nila ito ni KG. Nag-aayos ito ng sasakyan nito.
Marunong pala itong magkumpuni ng sasakyan. Akala niya ay marunong lang ito at ang kapatid nito na sumakay sa magagarang sasakyan.
Napatingin siya sa dala niya. Pagkuwan ay umiiling na ibinalik ang tingin kay Teody. “Wala, eh.”
“Gutom na ako,” sabi pa nito na sinulyapan si KG. “Pare, labas ka muna, bili ka ng foods.”
“Later,” ani KG na hinayon ang gripo sa gilid ng garahe at doon ay naghugas ng mga k**ay.
Saka lang tila nakahinga nang maluwag si Tami nang lumayo si KG.
“Itong Pyrex bowl, saan ko ilalagay?” untag niya kay Teody.
“Feel at home, Tami. Dalhin mo na lang sa kusina,” nangingiti pa nitong wika na itinuro ang main door ng bahay ng mga ito. “As you can see,” anito na ipinakita rin sa kaniya ang dalawa nitong palad. “Madumi ang k**ay ko. Hindi ko mahahawakan ‘yan.”
“Okay,” aniya na wala na ring nagawa pa. Nang talikuran siya ni Teody para balikan ang sports car nito na inaayos nito ay hinayon na niya ang papunta sa main door ng malaking bahay na iyon na bahagyang nakabukas at puma*ok sa loob. Sinikap niyang huwag sulyapan si KG sa kinaroroonan nito. Kung bakit parang palaging lumiliit ang mundo niya kapag nasa paligid lang ito.
Tanda pa ba siya nito? Imposible naman kung makakalimutan agad siya nito.
Hindi iyon ang unang beses na nakita niya ang loob ng bahay ng mga Regala dahil kapag may party roon ay madalas imbitado ang kanilang pamilya. Ngunit hindi pa niya nararating ang kusina kaya hinulaan na lang niya kung saan ang daan papunta roon. Masyado rin kasing malaki ang bahay na iyon.
Nang makarating sa kusina ay maingat niyang inilapag sa may kitchen island ang dalang Pyrex bowl.
Huminga muna siya nang malalim bago ipinasyang umalis na. Pero pagpihit niya sa may pinto ng kusina ay siyang pa*ok naman ni KG. Hayon na naman ang puso niyang naghurumintado bigla. Maging ang paglakad nito palapit sa kinaroroonan niya ay animo nag-i-slow motion pa sa hindi niya malamang dahilan. Weird.
Lihim siyang napalunok. Baka may kukunin ito roon kaya naglakad na siya. Nag-iwas siya nang tingin para hindi masalubong ang tingin nito. Sa isip ay mariin siyang pumikit. Habang papalapit ito sa kaniya ay pabilis nang pabilis ang tibok ng kaniyang puso. Nangangamba siya na baka marinig pa nito iyon.
Nahigit niya ang paghinga nang sadyain pa ni KG na humarang sa daraanan niya kaya napahinto siya sa paglalakad. Hindi siya nag-abalang mag-angat ng tingin. Sa halip ay humakbang siya pakanan. Pero mabilis naman na iniharang ni KG ang isa nitong k**ay kaya natigilan siya. May pagtataka na nag-angat na siya ng tingin dito matapos tapunan ng tingin ang k**ay nito.
Seryoso lang ang guwapong mukha ni KG habang pinagmamasdan siya. What’s with him?
“P-padaan,” aniya na nagpakurap dito.
Saka lang ibinaba ni KG ang k**ay nitong nakaharang sa daraanan niya. “Sandali,” sa halip ay pigil na nito sa kaniya nang umakma na naman siya na lalampasan ito. “‘Yong headband, hindi ko pa nahahanapan ng katulad.”
Parang sumaya bigla ang puso niya sa kaalamang hindi pa nito iyon nakakalimutan. At hindi pa siya nito nakakalimutan. He still remember her. “Sinabi ko naman sa iyo na kahit ‘wag mo ng palitan. Kung wala kang mahanap, hindi naman problema sa akin ‘yon,” aniya na nginitian pa ito para lang makitang genuine na okay lang talaga sa kaniya. Pero bakit parang sandali pa itong natigilan dahil sa pagngiti niya? O guni-guni lang niya dahil mabilis itong nakabawi?
“Are you sure?”
Tumango siya. “Hmmm.” Muli siyang nagbaba ng tingin dahil hindi niya matagalan ang mga titig nito.
“But I still insist,” sa halip ay wika nito. “Tumitingin-tingin pa rin ako sa mga boutique na may hair accessories. Pero wala pa rin akong makita na same design. Saan mo ba ‘yon binili?”
Is he making a conversation with her? So, she will stay a bit longer? O feeling-era na naman siya?
“Hindi ako ang bumili noon. Kaya wala akong idea kung saang lugar binili. Bigay lang sa akin ‘yon.”
“Ng boyfriend mo?” mabilis pa nitong tanong.
Napaawang na naman nang bahagya ang mga labi niya nang muli niyang tingnan si KG. Boyfriend talaga?
Umiling siya. “W-wala akong boyfriend.”
“Ah,” anito na tumango-tango pa.
“Bigay ‘yon sa akin ng papa ko,” inporma niya.
“I’m sorry. Galing pa pala ‘yon sa papa mo. Mukhang kailangan kong mas mapalitan ‘yon ng same design.”
“Kuya, hindi mo na kai—”
“Kuya?” kumunot pa ang noo nito at bahagya pang napatawa.
Napipilan siya. Ayaw ba nito na tinatawag itong kuya? Naramdaman niya ang pag-iinit ng kaniyang pisngi. Nagbawi siya ng tingin.
“I’m still young. ‘Wag mo ako masyadong patandain. Twenty-four is not that old,” he even whispered.
Lihim siyang napalunok. “Mukha namang hindi kayo nagkakalayo ng edad ni Kuya Teody,” dahilan na lang.
“Call him ‘kuya’ all you want. But spare me.”
Tumango na lang siya para wala ng talo pa. “Okay po.”
“Pati ‘yang pag-po-po mo,” dagdag pa nito.
“Okay.”
Maselan din pala ito. Okay. Sa susunod nilang pagkikita, pakaiiwasan niya ang dalawang salita na iyon. Kung may susunod pa. Defence mechanism lang naman niya iyon dahil sa nararamdaman niya.
“Puwede na bang dumaan?” alanganin pa niyang tanong sa binata.
Bahagya pang napakamot sa may batok si KG habang may pigil na ngiti sa labi. Nagbigay na ito ng daan sa kaniya. Kung bakit hindi makisama agad ang mga paa niya sa paghakbang. Nang magawa naman niyang humakbang ay animo napakabigat ng mga paa niya. Parang ayaw pang malayo sa guwapong binata.
Tamara Mie Samarro, napapaano ka na? kantiyaw pa sa kaniya ng epal niyang isip.
Napigil niya ang paghinga nang marinig ang bahagyang pagtikhim ni KG. Ramdam niya na nakasunod ito sa kaniyang paglalakad.
“Palagi ka bang pumupunta rito?” bigla ay usisa pa nito.
“Hindi. Occasionally lang. Nagkataon lang ‘yong pagpunta ko rito ngayon,” sagot na rin niya.
“Close kayo ni Teody?”
Medyo nilingon niya si KG.
“What I mean is, pansin ko lang na at ease siya sa iyo.”
“Hindi kami close katulad ng pagka-close na iniisip mo.”
“Okay. I’m just… curious.”
Gusto sana niyang tanungin kung bakit ito curious pero malapit na sila sa may main door. Baka marinig pa ni Teody Regala ang kung ano mang pinag-uusapan nila ni KG. Baka tudyuin na naman sila nito katulad noong nakaraan.
Hindi na rin nagsalita pa si KG hanggang sa makalabas sila sa bahay.
“Sumunod ka pa talaga kay Tami, ha?” nakangisi pang wika ni Teody kay KG.
Sinasabi na nga ba niya…
“Nagpunas lang ako ng basa kong k**ay sa hand towel na nasa may kusina ninyo,” kaswal na wika ni KG na hindi nagpapaapekto sa sinabi ni Teody.
Nagpunas ng k**ay? Parang hindi naman niya nakita na nagpunas ito ng basa nitong k**ay sa may kusina. At isa pa, hindi rin niya pansin na basa pa ang k**ay nito kanina. Sa pagkakatanda niya ay tuyo iyon.
Nang sulyapan niya si KG ay kinindatan pa siya nito. Siguro ay para ipahiwatig na nagdadahilan lang din ito sa kaibigan. Ibig ba niyong sabihin ay sinadya nitong sundan siya sa loob? Pero bakit?
“Akala ko sinundan mo pa at baka maligaw sa loob,” patuloy na panunudyo ni Teody.
“Gutom ka na nga. Ibibili muna kita ng pagkain mo. Kung bakit kasi nagtitiis dito at hindi na lang ipagawa sa expert ang sasakyan.”
“Alam mo naman na gusto ko munang mapag-isa ngayon. Kung bakit din kasi papunta-punta ka pa rito,” balik pa ni Teody sa kaibigang si KG. “Sige na, bili ka na. Damihan mo.”
Tumango lang si KG.
“Alis na ako, Kuya Teody,” paalam pa ni Tami kay Teody. “Pakiulit na lang na naisuli ko na ‘yong Pyrex bowl na dinala sa bahay.”
“Okay. Makakarating,” ani Teody.
Gusto sana niyang tingnan uli si KG pero pinigilan niya ang sarili. Ayaw niya na makita nito ang kung ano mang emosyon na maari nitong mabasa sa mga mata niya Hinayon na niya ang papunta sa may maliit na gate. Akmang bubuksan niya ang gate nang unahan pa siya ni KG. Napigil niya ang paghinga. Hayon na naman ang mabilis na tahip ng kaniyang dibdib. Kahit sandali lang, ang lapit-lapit na naman nito sa kaniya.
But, why it feels so good?
“Ladies first,” nakangiti pa nitong wika sa kaniya.
“T-thank you,” aniya na nauna na sa paglabas sa may gate.
Muli, pigil ang sarili na tingnan si KG nang hayunin na niya ang papunta sa kanilang bahay.
Hinatid pa siya ng tanaw ng binata bagay na hindi na pansin pa ni Tami. Nang makapa*ok siya sa may gate ay saka lang nagawang sumakay ni KG sa kotse nito at pinasibad iyon palayo.
“Tami.”
Napaangat ang tingin ni Tami nang marinig ang boses ng kaniyang Ate Shantal. Nasa terrace ito ng silid nito at nakadungaw sa kaniya.
“Sino ‘yong kasabay mong lumabas sa gate ng mga Regala?”
Si KG ba ang tinutukoy nito? Lihim siyang napalunok. Pagkuwan ay umiling. “Hindi ko kilala, eh,” kaila niya.
Bahagya pang tumaas ang kilay nito sa kaniyang isinagot. Pagkuwan ay umatras at muling naupo sa upuan na naroon.
Nakahinga pa siya nang maluwag nang hindi na mag-usisa pa ang kaniyang kapatid. Pagkuwan ay napangiti nang maalala si KG. Lalo na noong kinindatan pa siya nito kanina. Para na naman siyang timang dahil dito.
Chapter 07
ABALA sa pagpapasyal ng alagang Shih Tzu si Tami nang hapong iyon. Dadalhin niya sa park si Amara. Galing sa pangalan niya ang pangalan ng alaga niya. Tinanggal lang niya ang letter T sa Tamara. Regalo iyon sa kaniya ng kaniyang ama noong fifteen birthday niya.
Kalalabas lang din niya sa school. At matapos ngang magbihis ay ang pagpapasyal naman sa alagang a*o ang inasika*o niya.
“Amara,” saway niya sa alaga nang bilisan pa niyon ang pagtakbo. “Don’t run. Amara!”
Umawang ang labi niya nang kumahol lang iyon. Ano bang problema nito? Binilisan niya ang paglalakad. Hindi nagtagal ay huminto si Amara sa tapat ng isang gate na nakasara at nagkakahol doon. Amuse na pinanood niya ang alaga. May na