PANOORIN: Sitwasyon sa Albay Provincial Capitol ngayong hapon habang inaabangan ang pagsisilbi ng kautusan ng Comelec sa disqualification kay Gov. Noel Rosal
#albay #AlbayMunaAlbayNaman
Local rapper Palara performing an original song "Totoy" on board the Wish Bus!
SITWASYON SA BRGY. ESCUALA, CASIGURAN SORSOGON MATAPOS ANG PANIBAGONG PAGSABOG NG MT. BULUSAN
UPDATE: Sa kuha ng isang residente sa Brgy. Escuala, Casiguran, Sorsogon, kita na ang bumagsak na mga abo na ibinuga ng Mt. Bulusan dakong 3:37 kaninang umaga.
BULKANG BULUSAN SA SORSOGON, MULING SUMABOG
BULKANG BULUSAN SA SORSOGON, MULING SUMABOG
Muling sumabog ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon madaling araw ng Linggo, June 12.
Na-detect ng Bulusan Vocano Network ang phreatic eruption alas-3:37 kanina na tumagal ng 18 minuto.
Sa video na kuha ni Mylene Ganton Sierra, kita ang mataas na column ng abo at volcanic debris mula sa bayan ng Irosin, Sorsogon.
Nag abiso naman ang NDRRMC sa panganib ng ashfall sa mga komunidad sa may paanan ng bulkan.
Nanatiling nasa Alert Level 1 ang Mt. Bulusan dahil sa pinakikitang abnormalidad nito. Istriktong pinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer permanent danger zone sa paligid ng bulkan habang pinatmamatyag ang nasa loob ng 2-kilometer extended danger zone.
#MtBulusan #eruption
#BulusanVolcano
MT. BULUSAN SA SORSOGON, MULING SUMABOG
BREAKING: BULKANG BULUSAN SA SORSOGON, MULING SUMABOG
Sumabog ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon dakong alas-10:30 ngayong umaga.
Sa video na kuha ni Kar Lyn Dupan Hamor, kita ang mataas na column ng abo na ibinuga ng bulkan mula sa Brgy. Escuala, Casiguran, Sorsogon.
Video: Kar Lyn Dupan Hamor
#MtBulusan #eruption
#PHIVOLCS
HABA NG NAME! 'ANO BA ’TONG PANGALAN KO, TRAIN?'
SINGHABA NG TREN! 'ANO BA ’TONG PANGALAN KO, TRAIN?' 🤣🚂
Isang 4-anyos na bata sa Bulacan ang nagreklamo sa kanyang nanay dahil sa sobrang haba ng kaniyang pangalan.
Sa kanilang class activity, pinagagaya ng teacher kay Chrishen Clyde Bautista ang pagkakasulat ng kanyang pangalan sa papel.
Pero nang makita nito na hanggang kabilang dulo ng papel ang kaniyang kokopyahin, napatanong ito sa kaniyang ina bakit ang haba ng kaniyang pangalan.
“Kasalanan mo ’to, Ma! Tingnan mo, hanggang dulo,” sabi nito sa kaniyang ina. “Ano ba ’tong pangalan ko, train?”
Ipinost ng nanay niyang si Emily ang video ng anak sa Tiktok na mayroon nang halos 5 million views. (TikTok/Emily Bautista)
BABOY RAMO SA MT. APO
PANOORIN: BABOY RAMO SA MT. APO
Inabutan ng grupo ng mga climber ang isang Philippine warty pig o baboy ramo sa Mt. Apo na unang beses umanong namataan sa peak ng bundok.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) , itinuturing nang vulnerable ang nasabing wild pig dahil sa bumababang populasyon nito sa kanilang natural na tirahan.
Paalala ng kagawaran, dumistansya at iwasan ang pagbibigay ng pagkain sa mga ito upang huwag mawala ang natural instinct nito na kusang mangaso ng sariling pagkain.
(Video Courtesy: Elton Bayalas)
#baboyramo
#mtapo
#wildlife
SEARCH AND RETRIEVAL OPS, BAYBAY CITY LEYTE
UPDATE: 101 NASAWI, 103 NAWAWALA SA LANDSLIDES SA BAYBAY CITY
Umabot na sa 101 ang nasawi habang nasa 103 ang missing sa landslides sa Baybay City, Leyte batay sa pinakabagong ulat ng lokal na pamahalaan.
Patuloy din ang search and retrieval efforts ng iba't ibang grupo kabilang na ang #8thInfantryDivision ng Philippine Army.
(Video Courtesy: 8ID, PA)
#BaybayNeedsHelp
#BaybayCity