Jedssy18

Jedssy18 happy go lucky

Pov.  Ashly"Hi,......everyone my name is Ashly Nicole , nice to meet you all!!!" malakas kong sigaw habang nagpakilala s...
26/07/2023

Pov. Ashly

"Hi,......everyone my name is Ashly Nicole , nice to meet you all!!!" malakas kong sigaw habang nagpakilala sa kanila.

Nandito kami ngayon sa bar kasama ang mga kaibigan ko, medyo lasing na kaya heto ako ngayon kumakanta lang naman sa stage walang hiya talaga ako, ang trabaho ko ay mag inom ng mag inom hanggang sa makatulog tuwing gabi, sa umaga naman ay nagtatrabaho para mabuhay.

Bumaba na ako sa stage dahil hinahatak na ako ng mga kaibigan ko, dahil nakakahiya na raw, sino ba naman ang hindi mahiya ang pangit pangit kaya ng boses ko tapos kumakanta pa ako don, ayos lang yon at least alam nila pangalan ko dahil nagpakilala ako bago kumanta ng kong ano-ano.

Pagkalabas namin sa bar ay katahimikan ng buong paligid ang bumungad sa amin, hindi ako sanay gusto ko kasi ng mga malalakas na tugtog, yong halos wala kanang marinig na ingay ng tao kong hindi ang Kanta nalang o kong ano mang Rockstar na instrumento.

" Ash, sumabay kana lang kay thea, ihahatid ka niya" Sabi ni Alex is la sa mga friends ko, apat kasi kaming nag bar sina Alex, Thea and Jenny magkapitbahay si alex at Jenny kaya lage akong nakikisabay kay Thea pag umuuwi na kami.

Sumakay na ako sa sasakyan ni Thea medyo hilonghilo na ako, nang makita naming naka andar na sina Alex saka pa sumakay si Thea siya kasi hindi masyadong naglalasing.

" Thea ang sounds" Sabi ko dito, sanay na kasi siya sa akin na nag sasound trip sa sasakyan niya.

" Yes po madam, hiyanghiya naman ako sayo" Sabi niya sa akin saka nagpatugtog.

Mayamaya lang ay dumating na kami sa bahay namin, bumaba na ako saka nagbuntong hininga

" Salamat Thea, sunduin mo ako bukas ng hapon ah" Sabi ko dito

" Ash, di ako pwede bukas ng hapon sa susunod na araw nalang" Sabi niya sa akin saka nag poker face

" Oo na sege na okay lang, baka pwede ulit si Alex and Jenny" Sabi ko sa kanya

" Ingat sa pagmamaniho" Sabi ko sakanya

" Ayos kalang ba dyan, Sabi ko naman sayo pwede ka sa bahay" Sabi niya sa akin at parang nalulungkot.

" Ano kaba ayos lang ako, bahay parin namin to, atsaka matagal nayon sampong taon na" Sabi ko dito saka ngumiti

" Sege alis na ako madilim na kasi" Sabi niya

" Malamang gabi na e" Sabi ko dito saka tumawa

" Ingat ka" saka Ako kumaway sa kanya at pumasok sa gate namin

Hysttt, heto nanaman po tayo sa tahimik na lugar na ito, pagkapasok ko sa bahay ay nag lock lang ako ng mga pinto at bintana bago dumiretso sa rooftop ng bahay may malaking sofa kasi ako doon, humilata ako at tumitig sa mga bituin sa kalangitan.

" Ang daya niyo nag roadtrip kayo diyan di niyo man lang ako sinama,.... bakit niyo kasi ako iniwan dito mama,,, papa,,,kuya pati si bunso sinama niyo wala akong kasama oh, Wala akong uuwian na magandang pamilya,..akala koba pamilya tayo dapat hindi niyo ako iniwan eh" pagmamaktol ko sabay tumulo ang mainit na tubig galing sa aking mga mata kasabay non ang pagpikit ng aking mga mata.

,,,,,,,.............zzzzzzzzz

" Ano ba kayo bilisan niyo diyan, aalis na tayo" sigaw ni mama at pinapadali si kuya saka si papa

Nandito na kasi ako pati si bunso sa baba bitbit ang maliliit na bag namin

" Mama saan po ba talaga ang bakasyon natin?" Tanong ko kay mama, di kasi nila sinabi ni papa sa amin.

" Basta maganda roon maaliwalas, magugustuhan niyo ni bunso" Sabi ni mama saka hinawakan ang pisngi ko

" Ashly anak, malaki kana 10 kana kaya dapat marunong kanang magtali ng buhok mo" Sabi ni papa pagka baba hindi ko kasi tinalian ang kulot kong buhok

" Tatalian ko nalang si Ashly papa" Sabi naman ni kuya saka ako tinalian

Nagtatali si kuya sa aking buhok ng may narinig kaming malakas na putok ng baril napayuko ako dahil sa takot tumingin ako kay papa, tumayo si papa saka binuhat si bunso si kuya naman ay hawak ang kamay ko.

" Kuya natatakot ako" Sabi ko dito

" Dito kalang, magtago ka diyan sa likod Sabi ni kuya saka ako pinatago sa likod ng malaking sofa"

"Wag mo'kong Iwan" pagmamakaawa Ako

" Pupunta lang ako sa labas" Sabi ni kuya saka lumabas

Dahil matigas ang ulo ko pumunta Ako sa bintana na may malaking kurtina at doon nag tago, kita ko ang nangyayari sa labas, at nakita kong p**ang p**a ang inaapakan ni papa, parang dugo, umiiyak si kuya saka si bunso, sumisilip lang ako may kausap si papa na lalaki na parang galit at may isang batang lalaki na katabi ng galit na lalaki.

" Walang hiya kayo tatakasan niyo pa kami" sigaw nang lalaki kay papa.

" Hindi kami tatakas, magbabaksyon lang kami kasama ng buong pamilya ko" sigaw ni papa at ramdam ko ang takot at galit ni papa.

" Tang*nang, bakasyon yan sinasabay niyo sa galit ko" Sabi ng lalaki saka nagpaputok ng baril kay kuya nakita kong sa noo ni kuya tumama ang bala, napaluha ako at ng tumingin ako sa lalaki ay nakita kong nakatingin sa akin ang batang lalaki, yumuko ako at pumikit.

Dahil siguro sa takot ko ay nakatulog Ako, subrang ingay ng paligid may mga tunog ng abulansya, police car at mga taong nag uusap lumabas ako sa pinagtaguan ko, pagkalabas ko ay bumungad sa akin ang apat na bangkay, naka bukas ang mata ni bunso namay butas sa kanyang noo, dahil sa takot ay sumigaw Ako.

" Ahhhhhh mamaaaa" napabaliwas Ako ng bangon dahil sa panaginip ko, ang tagal na non pero heto parin gabi-gabi parin akong bumabalik sa pangyayaring iyon.

" Mama sinama niyo Sana ako sa roadtrip nayon, Sabi mo maganda don maaliwalas at magugustuhan namin ni bunso" Sabi ko saka umiiyak ng mahina

" Bad dreams "

Napabalikwas ako ng may nagsalita, tumingin ako sa paligid at nakita ko ang lalaking nakatayo doon sa may payong na malaki hindi ko kita ang kanyang mukha dahil sa dilim

" Who are you?... Bakit ka nandito?,...Anong ginagawa mo dito?" Sigaw ko sa kanya

" To own what's mine" Sabi niya saka nagsimulang maglakad papunta sa akin, tumakbo ako sa pinto pababa sa rooftop ngunit naabutan niya ako at hinila ang buhok ko sabay balibag sa akin papunta sa sofa.

" Mama joke lang po, ayaw ko po talagang sumama sa roadtrip niyo" sigaw ko ng malakas.

Photo not mine.
Credit to the original owner of the photo.

"COMFORTING MYSELF"Mabilis akong lumabas sa silid aralan at patakbong tinungo ang banyo ng paaralan, kinukutya na naman ...
14/05/2023

"COMFORTING MYSELF"

Mabilis akong lumabas sa silid aralan at patakbong tinungo ang banyo ng paaralan, kinukutya na naman nila ako ano ba kasing mayron ako na hindi nila gusto tao rin lang naman ako, tumingin lang ako sa salamin at umiiyak.

Nabuhay akong maraming bakit na iniisip maraming sana na hinihiling.

Bakit ganito ako?
Bakit hindi ako masaya?
Bakit malas ako?
Bakit pakiramdam ko wala akong silbi?
Bakit lage akong kinukutya?
Bakit Wala ng masayang araw na dumaan sa akin?

Sana hindi nalang ako nabuhay.
Sana bigyan ako ng araw na masaya.
Sana ay maranasan ko rin ang naranasan ng iba.
Sana ay maranasan ko ring mapansin hindi dahil sa may kailangan sila kundi dahil sa gusto nila ako.

At marami pa.

Sa bawat bukas ko ng aking mga mata, ang iniisip ko ito na naman ang panibagong araw na sisira sa akin, panibagong sakit na mararansan ko, Panibagong yugto ng aking buhay na katulad ng ibang araw ay masalimoot rin na tatahakin ko.

" Hey bakit tulala ka" nabalik ako sa ulirat ng may magsalita sa tabi ko.

" Hi, I'm Cahaya " pagpapakilala niya, hindi ko magawang makipagkamay sa kanya dahil nabigla parin ako ito ang unang araw na may taong lumapit sa akin at ang tamis at ganda ng ngiti niya para siyang isang taong walang problema.

" Your Cahaya?" Tanong ko sa kanya

" Yes, why?" Tanong niya pabalik

" Our name is rhymed, I'm Hannaya" Sabi ko sa kanya at ngumiti rin sa kanya.

" Ohhh wow same's like we are meant to be friends" Sabi niya sa akin

Ngumiti lang ako sa kanya

" Bakit ka pala mag-isa palubog na ang araw dito ohh" Sabi niya sa akin

Nandito ako ngayon sa maliit na tulay kong saan makikita ang paglubog ng araw, mataas ang tulay na ito at wala masyadong taong nakikita kong dumaan.

"Ahhh umalis kasi ako sa paaralan, naglakadlakad ako hanggang mapunta ako rito" Sabi ko sa kanya

" Ahh, now I know why hindi ka familiar sa akin" Sabi niya

" Is there anything wrong with you?, Are you okay?" Tanong niya sa akin

Siya lang ang kauna unahang taong nag tanong sa akin kong ayos lang ba ako, siya lang din kasi ang kumakausap sa akin

" Yeahh I'm alright, ikaw bakit ka nandito?" I asked her

" Tagadito kasi ako" she said

" Alam mo pansin ko sayo ang laki ng problema mo, you can share it with me malay mo makatulong ako"

" I'm lost, alam mo ba yong pakiramdam na parang nawawala ka at wala lang daan pabalik, yong pakiramdam na parang ginawa mo lahat ng kaya mo pero kulang pa, yung pakiramdam na parang iba ka sa kanila na hindi ka belong sa kanila, yung pakiramdam na parang ang dami mong problema minsan umiiyak ka nalang ng hindi mo namamalayan at ng namalayan mong umiiyak ka ay mapapatawa ka nalang dahil sa subrang dami ng iyong problema hindi mo alam kong alin don ang dahilan ng iyong pagluha, yung pakiramdam na parang gusto mo nalang mawala" mahabang Sabi ko sa kanya, hindi ko alam pero parang ang sarap niyang kasama at mapapasabi ka nalang sa kanya ng mga salitang hindi mo masasabi sa iba kahit sa pamilya mo

" Listen to me, I feel you ganyan din ako, yong pakiramdam mo sa sarili mo na nawawala ka it is because marami ka pang pagdadaanan at malayo kapa sa sukdulan kaya pakiramdam mo na wala Kang makitang daan it si because nasa lugar ka kung saan walang nakakaalam kung ano ang bawat madadaanan mo sa iyong nuhay lahat ng iyon ay walang nakakaalam all you can do is go with the flow and always remember that you can be better" Sabi niya iyon at tumingin sa aking mga mata

" Yung pakiramdam mo na parang hindi ka belong, dahil baka hindi talaga sila nakakabuti sa iyo, hindi mo kailangan maging belong sa kanila, ang kailangan mo is humigit pa sa kanila ng sa ganon ay maramdaman nila na mas mahigit kapa sa kanila na kaya mong tumayong mag-isa habang sila ay nakiki belong sa iba, dahil hindi nila kaya ang mag- isa hindi kagaya mo" dagdag niya pa at hindi tinatanggal ang pagkakatitig sa akin

" At yang sinsabi mong maraming problema, dumadami lang yan dahil wala kapang ginagawang sulosiyon, ang kailangan mo diyan ay subukan mong lumutas ng isang problema at kapag nagawa mo yon ipagpatuloy mo sa iba mo pang problema ng sa ganon ay hindi dumadami, ng sa ganon ay mabawasan at hindi matambak alam kong hindi nawawala ang problema lulutas ka ng isa may bago na naman pero hindi mo kailangan pabayaan nalang iyon na dumami, you can cry as much as you want basta lage mo lang tandaan na sa bawat paglaban may mananalo at siguraduhin mong mananalo ka sa kahinaan mo dahil sa bawat lutas mo ng problema ay makakaramdam ka ng lakas, you can make your problem as one of your inspiration to do well ,to be the best"

" At iyong sinabi mo sa huli ang iwasan mong isipin dahil life is short paano mo masasagot ang iyong mga bakit at paano mo mararansan ang iyong mga sana kung gusto mong mawala, hindi ka lalakas kapag wala kang problema, hindi mo mararanasan ang tunay na saya kapag di ka nakaranas ng tunay na sakit, gawin mong inspirasiyon ang bawat problema wag kang papatalo sa isip mo, Hannaya you can be better always remember that" Sabi niya sa akin, at ngumiti ng matamis, sa bawat salita niya ay napapaluha ako, ang gaan ng pakiramdam ko dahil may taong napagsasabihan ko ng problema ko at may taong nagsasabi sa akin ng dapat kong gawin.

" Thank you, Cahaya ang gaan na ng pakiramdam ko " Sabi ko dito,nakatitig lang siya sa akin at ngumiti

" Just take care of our self" Sabi niya sa akin at ngumiti

" Huh?" Nalilito Kong tanong sa kanya anong our self ang tinutukoy niya, hindi niya sinagot sa akin at ngumiti lang sa akin.

" Baliw na ata to" nabalik Ako sa riyalidad ng may magsalita sa aking likuran. Tiningnan ko sila sa salamin nandito Pala Ako sa Cr saka ko lang naalala na pumasok Pala Ako didto dahil sa kinutya Ako sa aming silid aralan at dumagdag pa na subrang sama ng pakiramdam ko kaninang paggising dahil sa sinabi sa akin ng aking pamiya.

" Ohh napatulala ka nanaman, baka magsalita ka rin diyan ulit ng nakatingin sa repleksiyon mo sa salamin, kanina pa kami didto para Kang baliw, magpakilala sa sarili ano raw yon Cahaya at siya raw si Hannaya, ayos kalang Jullian pangalan mo baka nakalimutan mo lang, pa mental ka na mhe, kino comfort muna kasi sarili mo may pangiti-ngiti pa at paiyak-iyak, so creepy Tayo na nga best mahawa pa tayo" Sabi ng isa sa mga kaklase ko at may pa ngiwi-ngiwi pa habang lumabas kasama ang mga kaibigan niya.

Napatulala pang Ako, Wala talaga Ako sa tulay nandito lang Ako sa Cr, Wala talagang Cahaya dahil sarili ko lang ang kausap ko.

Napatingin ako sa salamin at nakita ko ang ang repleksiyon dito, maputla at subrang itim ng aking mata, it's fine to be friend with your self" Sabi ko sa sarili ko at ngumiti ng matamis saka tumawa ng Malakas alam Kong marami ang nakakarinig sa akin sa labas, Wala akong pake.

"I'm Jullian , I'm a friend of myself and I'm the one who comfort myself"

13/05/2023

I think your to big for me

06/05/2023

F**K YOU

Ang hirap maging matibay, akala ko noon pag pinakita ko sa iba na matibay ako na hindi ako basta-basta lang sumusuko ay ...
21/04/2023

Ang hirap maging matibay, akala ko noon pag pinakita ko sa iba na matibay ako na hindi ako basta-basta lang sumusuko ay maging maayos na ang lahat.
Pero nagkamali ako mas lumalala pa nga dahil kapag nakita nila akong naging mahina walang naniniwala kasi nga malakas ako, malakas na ako ang lage nilang nakikita kaya hindi dapat maging mahina.
Pagtuntong ko ng high school lage akong binubully araw-araw kong naririnig ang mga masasakit na salita sa paaralan, minsan nga parang ayaw ko ng mag-aral, kaso lang hindi pwede dahil may pangarap ako.
Masama akong tao, pero aaminin
kong bilang estudyante na laging kinukutya subrang saya ko ng nagka pandemya dahil naramdaman ko ang peace sa buhay ko.
Nakaramdam ako ng pagmamahal kahit kunti man lang para sa sarili ko, nakapag-aral ako ng walang panggungutya walang kinakatakutan na paaralan.
Kaya ng nagsimula nanaman ang pasukan maykaba sa akin, ngunit sinabi ko sa sarili ko na dapat matatag na ako, dapat malakas na ako, dapat lage akong nakikipagkaibigan, lage akong tumatawa para lang hindi ako kutyain.
Naging maayos naman ang unang araw ko hanggang sa magtagal parang maayos na, hindi na katulad noon na parang kalbaryo sa akin ang mag-aral.
Hanggang sa magtagal parang hindi na bully ang iniisip at kinakatakutan ko kong hindi ang mga lesson na, subrang hirap na hirap na ako parang halos ibuhos ko sa iyak.
Doon ko napansin na mahirap palang maging matatag, dahil wala kang malalapitan kapag parang guguho kana kasi ang alam nila matatag ka ang alam nila dinadaan mo lang sa tawa ang lahat na pakiramdam nila kayang kaya mo na, na parang wala kang problema, hindi nila alam na pinilit mo lang maging matatag dahil ayaw mo ng hirap na naranasan mo noon.
Subrang nahihirapan na ako sa lesson , sa lahat-lahat, minsan naisip ko na bakit ko to ginagawa bakit kailangan ganito ako lage, subrang hirap na hirap na hirap na ako.
Sukong suko na ako parang I just want to fly like a butterfly πŸ¦‹.

02/12/2022



TITLE: WRONG LASTING LOVE
AUTHOR:jedssy
GENRE:SPGπŸ”ž,BL

This is a work of Fiction,Names, Characters, Businesses,Places,Events, Locales and Incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner.

Any resemblance to actual persons, living, dead or actual events is purely coincidental.

This story contains mature themes and strong language that are not suitable for my young beloved readers.

Read at your own risk.πŸ³οΈβ€πŸŒˆ

This is it, this is a day that I dream it's my first day of school in a university that I wanted.

"Hey train, tatayo ka nalang diyan Hindi ka papasok?" Na bigla Ako ng mag salita si trio my childhood friend
Sa tabi ko

" I'm just happy that I will going to study here, you know that my mom want me to study abroad, but I win so I'm here" Sabi ko sa kanya at tinapik Ang balikat niya

" Ohhh I know for sure that girls here will love you" Sabi niya at ngumisi pa sa akin

" Let's go" Sabi ko Dito at nag simula ng mag lakad papasok sa loob ng pinakasikat na university Dito sa Pilipinas Ang GREG UNIVERSITY o GU.

Pagpasok palang namin ay maririnig ko na Ang mga bulong bulongan ng mga studyante, will it's a complement to be exact.

"Ang gwapo niya"- girl 1

"Akin lang siya " -girl 2

" Sa inyo Nayan, loyal Ako Kay Kreg" -girl 3

"Tsk sino kaya yang Kreg I bit I'm more handsome than that man"

Sabi ko sa Sarili ko at nag patuloy nalang sa paglalakad, Wala akong mapapala Kong makiki chismis lang Ako.

" What room are you?" I ask trio I guess sa section A nanaman ito aral kasi ng aral

" Class A Ako"
yeah I'm right he's always in section A since elementary will part of our charms we are smart but trio is more smarter than me

" Same section ulit that's cool" Sabi niya sa akin

" Hindi kapa nasanay" Sabi ko sa kanya at pumasok na sa loob ng Makita ko Ang room A ng architecture, iyon Ang pinili Kong kurso kasi gusto Kong Ako Ang mag design ng Bahay na ipapatayo kung Bahay.

Address

Molina Street
Sindangan

Telephone

+639757704364

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jedssy18 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Jedssy18:

Share


Other Digital creator in Sindangan

Show All