The Ladder - Gen. Vito Belarmino INHS

The Ladder - Gen. Vito Belarmino INHS The official school publication of General Vito Belarmino Integrated National High School.

16/04/2024
Congratulations, Generals for the outstanding work at the Municipal Schools Press Conference! Let us all do our best and...
29/11/2023

Congratulations, Generals for the outstanding work at the Municipal Schools Press Conference!

Let us all do our best and Good luck in the upcoming Division Schools Press Conference!

The Generals are rooting for you all!!

PAGHAHANAP NG MGA JOURNALIST SA VITO, UMARANGKADA NA           Nagsimula na ang paghahanap ng mga bagong manunulat ang G...
21/11/2023

PAGHAHANAP NG MGA JOURNALIST SA VITO, UMARANGKADA NA

Nagsimula na ang paghahanap ng mga bagong manunulat ang Gen. Vito Belarmino Integrated National High School (GVBINHS) Journalists.

Bilang paghahanda sa paparating na Municipal School Press Conference (MSPC), nag room-to-room ang mga nagdaang journalists ng Belarmino upang manghikayat ng mga estudyanteng interesado na sumali at lumahok upang ilaban.

Muling binuksan ito noong Oktubre 25, 2023, inikot ang mga estudyanteng mula jhs hanggang shs at may mga lumahok upang matuto, may mga lumahok upang maipakita ang angking talento.

Gayunpaman, di karamihan ang mga sumali at may mga hindi nagbalik ng forms bilang paghudyat na nawalan sila interesado sa pagsali sa larangan ng Journalism.

Sa tulong ng School Paper Adviser (SPA) na si Sir Edryne Amon at ng mga former journalists, naipamahagi ang mga forms na kailangang lagyan ng laman upang makasali ang mga interesadong estudyante.

-Chenie R-R Tadi

GVBINHS OPENS THE RECRUITMENT FOR JOURNALISMAng Hagdan and The Ladder started the Recruitment and Registration “Programa...
08/11/2023

GVBINHS OPENS THE RECRUITMENT FOR JOURNALISM

Ang Hagdan and The Ladder started the Recruitment and Registration “Programang Hanap-Sala” for Students who want to be a Journalist.

The Recruitment started on October 25, 2023. Student writers did room-to-room at General Vito Belarmino INHS and gave out forms to be answered by the students who were interested.

They’re searching for students who have potential to be the next student writer, and students who are interested, willing to try, and want to be a journalist.

Furthermore, it is to prepare for the upcoming Municipal School Press Conference and Division School Press Conference.

Just last school year, our school won the Fourth Place in Copyreading and Headline Writing in the National School Press Conference by Ron Maverick Rosales, the current and last year’s Editor-In-Chief of The Ladder.

Therefore, the goal of Ang Hagdan and The Ladder is to get to the NSPC again, and to make that happen, Hagdanista’s and Ladderista’s are currently doing this Recruitment.

-Wane Charlez Merudo

Undecided ka pa ba kung ano ang iyong nais kunin na category sa journalism?Narito ang aming gabay para mas kilalanin pa ...
07/11/2023

Undecided ka pa ba kung ano ang iyong nais kunin na category sa journalism?

Narito ang aming gabay para mas kilalanin pa ang iyong sarili sa larangan ng pamamahayag!

Halika na at maging parte ng pahayagan ng ating paaralan!
https://forms.gle/SMWrdRDQxQNZhoVd6

Are you an aspiring journalist?Join us and register to be a part of the school's publication, Ang Hagdan and The Ladder....
07/11/2023

Are you an aspiring journalist?

Join us and register to be a part of the school's publication, Ang Hagdan and The Ladder.

REGISTER NOW:
https://forms.gle/SMWrdRDQxQNZhoVd6

HANGGANG SAAN KA DADALHIN NG IYONG PANULAT?Kung ikaw ay may interes sa mga dyornalistikong kasanayan, ito na ang iyong p...
27/08/2023

HANGGANG SAAN KA DADALHIN NG IYONG PANULAT?

Kung ikaw ay may interes sa mga dyornalistikong kasanayan, ito na ang iyong pagkakataon para makasali sa ating publikasyon na Ang Hagdan at The Ladder!

Ikaw na ba ang susunod na tatanghaling kampeon sa larangan ng pag-uulat?


Kung ikaw ay may interes sa mga dyornalistikong kasanayan, ito na ang iyong pagkakataon para makasali sa ating publikasy...
26/08/2023

Kung ikaw ay may interes sa mga dyornalistikong kasanayan, ito na ang iyong pagkakataon para makasali sa ating publikasyon na Ang Hagdan at The Ladder!

Ikaw na ba ang susunod na tatanghaling kampeon sa larangan ng pag-uulat?

Para sa mga interesado, maaari mong kontakin ang mga sumusunod:

SPA: Sir Edzh Drinie Aguilar Amon
Editor-in-chief: Ron Maverick Rosales

Huwag nang mag-alinlangan, halina't makilahok sa programa ng ating paaralan!


LOOK: GVBINHS CONDUCTS NATIONAL LEARNING CAMP (NLC)The National Learning Camp aims to create a camp-like atmosphere by i...
13/08/2023

LOOK: GVBINHS CONDUCTS NATIONAL LEARNING CAMP (NLC)

The National Learning Camp aims to create a camp-like atmosphere by integrating fun and engaging activities to foster learner interests, socio-emotional skills, personal growth, and character development.

NINE-YEAR STREAK CONTINUESREGION IV-A CALABARZON STILL THE TOP PERFORMING REGION IN NSPC 2023
20/07/2023

NINE-YEAR STREAK CONTINUES

REGION IV-A CALABARZON STILL THE TOP PERFORMING REGION IN NSPC 2023

NINE-PEAT!

Calabarzon pa rin talaga sa habang panahon!

Sa mga taong patuloy na sumusuporta at sumusubaybay sa akin sa NSPC, mamaya nang umaga ilalabas ang resulta ng mga nagwa...
19/07/2023

Sa mga taong patuloy na sumusuporta at sumusubaybay sa akin sa NSPC, mamaya nang umaga ilalabas ang resulta ng mga nagwagi. Lubos ang pasasalamat ko sa inyong lahat at sana'y ipagkaloob sa atin ang tagumpay para sa ating paaralan, sa Probinsya ng Cavite, at sa buong Rehiyon ng Calabarzon. Sa labingpitong rehiyon ng Pilipinas sana'y mamayagpag ang pangalan ng IV-A sa unang pwesto. Salamat muli sa lahat ng naging kasama ko sa panibagong experience na to at sa mga taong malaki ang ginampanan para makarating ako sa kinalalagyan ko.

Sulong mga Heneral, padayon!

Mula sa inyong Editor-in-Chief,
Ron

CONGRATS CALABARZON!!!TINGNAN: Agad sumabak ang mga campus journalist mula elementarya at sekondarya sa individual event...
18/07/2023

CONGRATS CALABARZON!!!

TINGNAN: Agad sumabak ang mga campus journalist mula elementarya at sekondarya sa individual events ng 2023 National Schools Press Conference sa Cagayan De Oro City ngayong Hulyo 17, 2023.

Tampok sa unang araw ng patimpalak ang News Writing, Feature Writing, Column Writing, Copyreading and Headline Writing, Science Writing, Editorial Writing, at Editorial Cartooning sa parehas na Filipino at English na mga kategorya.

Kasabay nito ay pinarangalan na Top 3 Best School Paper sa English para sa elementary level ang MMSU’s ABC (Region I), The Kernel (Region X), at ang The Pedestrian (Region IV-B MIMAROPA); at Top 2 Best School Paper sa Filipino ang Sandigan (Region I) at G*t Pepe (Region IV-A).

Samantala sa secondary level, ginawaran ng gantimpala bilang Top 3 Best School Paper sa English ang White Island Breeze, N**o Veritas (Region X), at The New Horizon (Region IV-B); at Top 5 Best School Paper sa Filipino ang Ang Klaryon (Region IV-A), Ang Bulong (Region XII), Ang Tagapunla (Region XI), Ang Pandayan (Region IV-A), Ang Bisyon (Rehiyon I), at Ang Baybayin (Region XI).

17/07/2023

TUNGHAYAN: Editor-In-Chief ng The Ladder, Ron Maverick Rosales ay binibigyang parangal sa lahat ng kaniyang nakamit sa Campus Journalism at sa iba pa niyang nakamit sa ibang bagay.

Lubos na ikinararangal ng iyong pamilya sa The Ladder ang iyong masipag at mahusay na pagganap bilang campus journalist ng ating paaralan.

Thank you and goodluck to your Senior High School journey, Kuya Ron!

Ron Maverick's Achievements:
🏅With Highest Honor (98)
🏅Gawad Heneral, Meritorious Service Medal
🏅Natatanging Estudyante sa Larangan ng Sining Pangkomunikasyon sa Ingles
🏅Natatanging Estudyante sa Larangan ng Agham
🏅Most Outstanding Campus Journalist
🏅SSLG President, S.Y. 2023-2024
🏅East Representative, DFSSLG
🏅Composer, Music for the Sumilang Festival
🏅Editor-in-Chief, The Ladder
🏅Leadership Award-Youth Municipal Councilor, 37th Youth Gov't Week
🏅Think Tam Interschool Quiz Bee, 1st Runner Up
🏅2nd Place, MSPC (Copyreading and Headline Writing-English)
🏅CHAMPION, DSPC (Copyreading and Headline Writing-English)
🏅CHAMPION, RSPC (Copyreading and Headline Writing-English)
🏅NSPC Qualifier, Copyreading and Headline Writing (Cagayan De Oro, July 17)

Congratulations and we are so proud of you!

17/07/2023

TUNGHAYAN: Associate Editor ng Ang Hagdan, Margaret Faye Aranzaso ang nagbigay ng mensahe ng pasasalamat sa mga magsisipagtapos na mag-aaral ng GVBINHS.

Lubos na ikinararangal ng iyong pamilya sa Ang Hagdan ang iyong masipag at mahusay na pagganap bilang campus journalist ng ating paaralan.

Thank you and goodluck to your college journey, Ate Faye!

Margaret Faye's Achievements:
🏅Valedictorian
🏅May Mataas na Karangalan
🏅Natatanging Mag-aaral Mula sa HUMSS Strand
🏅Nagpamalas ng Natatangi at Huwarang Pag-uugali
🏅2023 Division Schools Press Conference Feature Writing - Filipino (5th place)
🏅UPCA 2023 Passer
🏅Athlete of the Year
🏅Philippine Senate Gold Medal for Academic Excellence
🏅Pandayan Bookshop Leadership Medal Awardee

Congratulations and we are so proud of you!

Best of Luck Editor-In-Chief of Ang Hagdan/The Ladder as you represent General Vito Belarmino Integrated National Highsc...
17/07/2023

Best of Luck Editor-In-Chief of Ang Hagdan/The Ladder as you represent General Vito Belarmino Integrated National Highschool and Region IV-A CALABARZON in the 2023 National School Press Conference.

Even though we can't physically support you, we, Ang Hagdan, The Ladder and all of the Generals will support you from our place by wishing you a good luck and a prayer.

Thank you so much for those who are rooting and supporting Ron. Thank you Teachers and our Beloved Principal for supporting him. Thank you Ang Hagdan and The Ladder for giving all they can do to help to support Ron. And especially, thank you so much to the Adviser of Ang Hagdan and The Ladder, Sir Edryne Amon for supporting and giving all your strength for Ron at Cagayan de Oro.

Let's pray for Ron Maverick Rosales as he take his contest and wish him the best of luck.

Wishing you a great time there, Ron Maverick Rosales. With all the Generals rooting for you.

FEATUREHimalang dulot ni Birheng Candelaria Tuwing sumasapit ang unang araw ng pebrero tuwing pista sa silang ay may mag...
10/07/2023

FEATURE
Himalang dulot ni Birheng Candelaria

Tuwing sumasapit ang unang araw ng pebrero tuwing pista sa silang ay may magandang babae ang nakayapak at pagala gala sa loob ng silang. Sa pagsapit ng gabi ay s’yang nagyayakag papunta sa kanilang bahay, inaanyayahan ng mga tao na dumalaw rito at tanging tinuturo ay ang simbahan ng Nuestra Señora De Candelaria.

"Nung nakwento sa akin ni lola ang tungkol don ay tumayo ang mga balahibo ko, sabi kasi sa kanya ay maganda at puno ng bulaklak ang bahay n’ya, tatlong araw na puno ng tao raw." Sambit ni Almight Tuban isa sa nakaalam ng milagrong kwentong ito mula sa kanyang lola.

Sa tinanda ng simbahan na nasa 384 taon na ay halos marami nag naranasan ang ganito nag makita at mayakag ng birhen sa kanyang tahanan. Sa paglipas ng bawat taon ay hindi ito kinakatakutan binigyan pa lalo ng malakas na pananampalataya ng silangueno dahil sa dulot nitong milagro.

"Ako ay mahigit 30 taon ng deboto ng Birheng Candelaria, nag-umpisa ito nung nagkaron ako ng anak at asawa. Nung dalaga ay hindi masyado pala simba dahil hindi pa roon naka pokus ang aking utak, at nitong nagkaron ng asawa ay kinagawian ko ng magsimba lingo-linggo." Sabi ni Malou Del Mundo Belen, Isa sa deboto ng Nuestra Señora De Candelaria.

Isa sa napakataggal ng deboto ng Birheng Candelaria si Malou Del Mundo Belen, isa rin syang manglilikod sa diyos ,s’ya ay choir sa Our Lady of Lourdes halos kasabayan kung gaano sya katagal bilang deboto.Napaka taas ng pananampalataya nya sa panginoon at Birheng Candelaria.

"Tumaas ang paniniwala at pananampalataya ko sa birhen dahil sa araw-araw kahit pa matagal na sinagot ang bawat kahilingan ay talagang sobrang saya ko, talagang nilalagay niya sa tamang panahon." Sambit ni Malou.

Sa araw araw na nagigising si Malou ay laging panginoon at birhen ang kausap n’ya sobra sobrang pasasalamat sa biyaya at sagot nito. Bawat hiling talaga ay nakukuha n’ya sa mga tamang oras.

"Isa sa mga hiling na talagang hinatid ng Candelaria ang hiling ko sa panginoon. Ang makapagtapos ng pag aaral ang dalawa kong anak, ang isa ay g**o sa public at ang isa ay sa government nag tratrabaho. Hindi naging madali dahil bawat araw hiling at dasal ko talaga ang mga ‘yon simula palang ng magkaron ako ng anak." Nakangiting sambit ni Malou.

Sa napakaraming himala na naidulot sa bawat deboto ay talagang si Malou ang isa sa nakatanggap ng magandang milagro na nangyare sa buhay n’ya sagot sa mga problema na hinahain sa kanya.

"Ito ay isa sa himala talagang hanggang ngayon ay nag papasalamat ako. Noong nagkasakit ang asawa ko ng Gastroesophageal Junction Tumor napakahirap at sakit nito para sa aming pamilya na akala ko ay hindi ko na kakayanin ang buhay noon, na inakala namin ay iiwan n’ya na kami sa ilang sandali at dumating pa sa punto na isang gabi ay nagpapaalam na s’ya na baka kinabukasan ay wala na s’ya bumuhos ang luha ko noon pero pinakita kong hindi ako mahina. Dahil alam n’yang mahal ko sya diko kakayanin ng ganoon." Paluhang sinabi ni Malou.

Halos kada uwi raw nya ng hospital ay di sya nag-aalinlangan na lapitan ang birhen na araw araw n’yang hinihiling ang kagalingan ng kanyan asawa.

"Sa mga oras nayon ay walang wala talaga kami ni singko ay wala ako, sa awa at narinig nilang lahat ang dalangin ko may mga taong tumulong at talagang malapit sa puso ng asawa ko na di s’ya kinakalimutan. Sa awa ng diyos ay gumaling ang asawa ko sa tulong ng pagpapagamot at mga dasal hanggang ngayon di ako nagsasawa na pasalamatan ang birhen na ibinulong sa panginoon ng lahat, diko nalang mapigilan lumuha kada oras na maiisip ko na sobrang bait ng panginoon sa araw araw." Dagdag pa ni Malou.

Isa lamang si Malou Del Mundo Belen sa mga debotong nagkaron at nakatanggap ng himala galing sa birheng Candelaria. Ang kanyang pagiging deboto ay isa sa may malaking tulong sa kanyang buhay hindi na kailangan ng kahit anong materyal na bagay na kailangan iaalay sa p**n kailangan ng dasal, pananampalataya at puso sa bawat pagsamba sa p**ng Candelaria.

-Angel Bert A. Maramara

FEATURECulture Enlightened Celebration: Grand Parade 2023      It's been a year though, but a grand parade has occurred ...
10/07/2023

FEATURE
Culture Enlightened Celebration: Grand Parade 2023

It's been a year though, but a grand parade has occurred at Silang Cavite on the month of February 2 2023 at a bright and sunny day. It was a parade of group of people from organizations and clubs, with Lyres and Bands, and Floats, showcasing their beautiful costumes and dances as they were marching on the streets. The route for the parade was being organized and fixed to avoid too much of the traffics by our municipal chairpersons. There is also assistance on the side of the roads to guide the bands, dancers from organization and clubs, and floats on their way. The Grand Parade seems to be well presented and satisfies the eyes of every Silangueños who came and viewed the parade.

The Silang Grand Parade, started with groups of lyres and bands. They looked good at their clothes and costumes as they march at the street of Silang. The bands have brass instruments accompanied by drums to be played while they were marching at the parade. Behind them was Lyres who performed as well and together with the bands. Next to them was groups from Civil Society Organization and Clubs, and then high school students who came from different schools all over Silang also participated at the parade. It was a nice Grand Parade since it is the first Grand Parade happened ever since it was pandemic for the past years.

Beside bands, organizations, clubs Lyres, and high school students there's a float parade that was also held. The floats are beautifully and creatively decorated. one of the floats was decorated with colorful flowers or float of Bona's Flower Shop. While the other one is beautifully painted with greens and trees or the EEI Construction and Marine incorporated floats. and the others with creatively designed with recyclable materials beautifully crafted and placed in the floats such as the floats from Caffmaco, LGU Silang, Bayani Cluster, Perlas Ng Silanganan, and other 9 floats were crafted and decorated with bilao, sacks, and other recycled objects. There have been 15 total counts of floats.

After the Grand Parade there's an additional event, which was happened to be at Silang Central ground. Wherein high school students representing their schools all over Silang gone to compete for a competition. The students from the school of General Vito Belarmino Integrated National High School also came and participated in it. It was nice of them to win third place at dancing and first place at another category, which is music composition. Each of the categories has corresponding prize money, so all in total they have 60,000 pesos of an amount of the prize money.

The victory was with them, disregarding the places and the prizes, for they had brought joy to others and even to themselves as they dance. But also, as for a GVBINHS dancer ‘‘Tingin ko isang rason Ng pagkapanalo ay Ang effort ng lahat ng kasali sa mga practice and sessions, at Saka effort din ni sir Eesh na magturo ng steps. Worth it naman Yung mga efforts and sacrifices Kasi nag-enjoy at nanalo naman ang school, nakakapagod lang pero kaya naman." As for Paul, one of the dancers of General Vito Belarmino Integrated National High School.

After a long time, many of us thought and wonder when will be occasions and events such as Mass gatherings, weddings, Fiestas and Festivals will be celebrated again during pandemic for the past two or three years. It was a blessing of God that we can now celebrate and continue our old ways or traditions and cultural activities as normal like before. Grand Parades are sight fulfilling and heart whelming as you appreciate it, maybe because of how great our culture is, and how happy we are as Pilipino to share our blessings to our neighbors. We show great gratitude by simply smiling and thanking God for all the blessings.

-Trisha J. Lomoljo

FEATURESikat na Sidera sa Silang      Kilala ang mga Silangueño na mahigpit at mahiyain sa pagdukot ng pera sa bulsa ngu...
10/07/2023

FEATURE
Sikat na Sidera sa Silang

Kilala ang mga Silangueño na mahigpit at mahiyain sa pagdukot ng pera sa bulsa ngunit kapag nadadaan sa harap ng mga murang bilihin ay hindi nila makayang pangatawanan ito. Nanlalaki ang mga mata nila sa mababang presyong nakalagay sa karatulang mababa na ang halaga ngunit makatatawad pa.

"Ate anong hanap mo?" "Dito oh bente nalang" "singkwenta na dalawang short." Ito ang karaniwan mong maririnig pagpasok mo palang sa loob ng sidera. Puno ng ngiti sa mga mukha ng tindera at tindero, gayon na rin ang mga mamimili nang muli nila itong naranasan sa kapistahan ng Nuestra Señora De Candelaria na sa tinagal, ngayon lang muling nagbalik ang ngiti ng mga Silangueño.

Enero 31 pa lang ay nagsimula nang dagsain ang sidera nitong nakaraang pista sa Silang. Hindi pa man araw ng pista ay puno na ng mga sari-saring tindahan katulad ng mga tindahan ng damit, iba't-ibang klaseng gamit sa bahay, mayroon rin pagkain na mura at pasok sa laman ng bulsa. Kaya lubos na dinagsa rin ng mga taga ibang lugar ang sidera nitong pista.

"Pumunta kami don pagtapos ng misa tumingin ng pwedeng bilhin naparami ako ng binili, puro pang sapin sa k**a sobrang mura kase," sambit ni Vilma Maramara, isa sa pumunta ng sidera nitong pista.

Sa sobrang mura ng mga bilihin sa sidera ay talagang dinadagsa ito sa pistahan. Mas mura ang lahat ng bilihin kahit maraming tao at mainit ay pinipilit makipagsisikan ng iba upang makabili ng mas mura. Marami rin ang minsan ay hindi pakikipamyesta ang ipinupunta kundi ang murang bilihin sa sidera.

"Pinilit ko talagang sumiksik kahit mainit doon sa sidera mabili ko lang yung phone case na 'yon mura na ang halaga, sa online shop kase ay doble," ayon kay Jovielyn Banuelos, isa rin sa nakarating sa sidera noong pista.

Pumatok sa mga mamimili ang iba't ibang pagkain na magmimistulang nasa restaurant ka sa sarap ngunit kayang kaya ng bulsa. Hindi lang mga materyal na bagay ang mura pati narin ang mga pagkain sa loob ng sidera

"Naglilibot kami non galing kase kaming school titingin lang den sana pero di kinaya, sa sobrang mura ba naman ng tindang pagkain eh sinong di mapapadukot sa bulsa diba 'nakabili ako ng isang pirasong pizza at isang pasta sa isang daang piso lamang, napabili naman ako ng tatlo iba't ibang flavor para sulit" Sambit ni Sheila Marie Maramara isang college student na dumayo rin ng pagsilip sa loob ng sidera.

Sa ganitong paraan naipakita na naging masaya ang mga silangueno sa sidera tuwing taon. Alam naman talaga ng mga tao na Sikat ang Sidera sa Silang tuwing pista. Lubos na kinagigiliwan din talaga nila ang mga murang bilihin na pumapatok sa masa. Manunumbalik ang saya at ngiti ng bawat Silangueño sa pagbabalik ng dating gawi na nagpapanatili sa pagiging masiyahin ng bawat Silangueño.

-Angel Bert A. Maramara

NEWSBelarmino, sinungkit ikalawang pwesto sa BalagtasanNang muling magbalik ang pista ng Silang matapos ang ilang taong ...
10/07/2023

NEWS
Belarmino, sinungkit ikalawang pwesto sa Balagtasan

Nang muling magbalik ang pista ng Silang matapos ang ilang taong pagkakalugmok nito sa pandemya, isa sa pagdiriwang ng munisipyo sa nalalapit na pista ay ang iba't ibang programa’t palaro.

Isa na rito ang balagtasan na isang uri ng debate na ginagawa na mayroong sukat at taludtod ang bawat panig na nagmula sa pangalan ni Francisco Balagtas, ang sining na ito ay naglalahad ng isang uri ng panitikan kung saan ang mga kaisipan o pangangatwiran ay ipinahahayag sa pamamagitan ng pananalita.

Sa mga paaralang nakilahok isa ang General Vito Belarmino Integrated National High School (GVBINHS) sa mga paaralang sumali sa naturang kompetisyon, upang mapaghandaan ang paglaban ng tatlong kataong magrerepresenta sa naturang paaralan.

Sa pagdating ng ika-27 ng Enero 2023 naganap na ang pag laban ng naturang paaralan na ginanap sa Patio Medina sa Bayan ng Silang.

Sa pagtatapos ng kompetisyon, nakamit ng GVBINHS sa ikalawang pwesto.

-Aron Jacob Sobreviñas

NEWSJourn program sa Vito, nabuhay muli Muling binuhay ang larangan ng campus journalism para sa mga estudyanteng may po...
10/07/2023

NEWS
Journ program sa Vito, nabuhay muli

Muling binuhay ang larangan ng campus journalism para sa mga estudyanteng may potensyal sa pagsusulat ng mga balita at mga nais magkaroon ng kaalaman.

Binuksan ito noong December 12, 2022 dinaluhan ito ng mga estudyante na nais matuto mula jhs hanggang shs at pinangunahan ng isang opening program ang training ng School Paper Adviser (SPA) na si Sir Edryne Amon.

Matapos ang programa, nahati ang mga estudyante sa tatlong silid-aralan ukol sa kategoryang nais nilang matutunan at paghusayan.

Nagsilbing trainer ang mga g**o at dating journalists ng Belarmino para sa mga estudyanteng nais subukan ang pagbabalita — sina Margaret Faye Aranzaso, Chrizelle Ramos, Ron Maverick Rosales, Nheng Batatan, Aldrin Maramara, Paul Aldrin Patam, Joanne Keith Alano at Honey Joyce Jimenez.

Nagtagal ng isang linggo ang nasabing training at nagkaroon ng awarding ceremony para sa mga mag-aaral na may potensyal sa mga aktibidad na nagawa sa grupong napili.

Nagbigay talumpati ang dalawang estudyante na sina Wane Charlez Merudo at Mark Cabrito upang magbigay inspirasyon at motibasyon sa iba pang journalist na magpatuloy at wag sumuko sa larangan ng campus journalism.

"My experience throughout the training has been quite fun and thrilling. I've met so many friends and I get to learn about Campus Journalism. My advice for you all is to always be brave and don't give up. Although, there is going to win, and going to lose, but we're only at the starting line. It's not over yet. Pursue your dreams, pursue Campus Journalism. Thank you!," ani Wane.

Bukod pa rito, ipinunto rin ni Mark at Charlez na magpursigi at huwag sumuko sa paghasa ng talento lalo na kung baguhan ka sa isang bagay, maging matiyaga at patuloy na pumadyak para sa hinahangad.

"Ako po ay nagpapasalamat dahil sa ibinigay sa akin na makapag salita sa unahan ng mga kapwa studyante ko. Nagpapasalamat din ako dahil nagtiwala sakin ang ating g**o upang maipahayag ang speech ko sa pag sasara ng program sa journalism. Ang speech ko bilang pagsasara ng program, ay tungkol sa pinasok natin na Pagkakataon na malaman at maging magaling sa mga iba't-ibang klase ng pagsulat. At nasabi ko rin dito ay tungkol sa pagsali ng mga studyante na hindi agad sa una palang ay magagaling na tayo kaya nga tayo sumali dito ay upang mahasa at matutunan natin ang iba't-ibang klase nito", ani Cabrito.

Nagtapos ang training sa pagpili ng mga tatapak sa Municipal School Press Conference na naganap sa Silang West Elementary School (SWES) upang irepresenta ang eskwelahan.

-Chenie R-R Tadi

NEWSBayan ng Silang, nakamit ang unang Guinness World Book of Record Napagtagumpayang maagaw ng mga mamamayan ng  bayan ...
10/07/2023

NEWS
Bayan ng Silang, nakamit ang unang Guinness World Book of Record

Napagtagumpayang maagaw ng mga mamamayan ng bayan ng Silang ang Guinness World Book of Record sa candle light relay matapos masindihan ang 621 kandila, mula sa simbahan ng Nuestra Señora de Candelaria patungong munisipyo ng bagong silang kung saan, naitala ang sukat nitong 2 kilometro.

Ang naturang aktibidad ay isinagawa noong January 22, 2023 kaisa ng selebrasyon ng Nuestra Señora de Candelaria na kung saan pinangunahan ni Mayor Atty. Kevin Amutan Anarna kaisa ang 700 mamamayan ng Silang.

“Sobra hirap ng karanasan kasi bawal umalis sa pwesto baka ma-disqualified kami. Bawal ding umihi once na nag-umpisa na. Bawal talagang umalis sa pila. Meron naman nag-aassist samin, kapag may kailangan kami sa kanila lang kami magsasabi,” ayon kay Mitz Ann Bayas.

Matapos ang pangatlong pagkakataon napagtagumpayan nilang higitan ang naitalang record sa Jammu Province sa India na kung saan nasindihan nila ang kabuuang 366 na kandila.

Gayunpaman ang tagumpay, ay isang makasaysayang ganap na ini-aalay ng naturang munisipalidad hindi lamang sa mamamayan ng silang kundi pati na rin sa patron ng bayan, ang Nuestra Señora de Candelaria.

-Aron Jacob Sobreviñas

NEWSBelarmino, nakapwesto sa laban ng talinoNasungkit ng General Vito Belarmino Integrated National High School (GVBINHS...
10/07/2023

NEWS
Belarmino, nakapwesto sa laban ng talino

Nasungkit ng General Vito Belarmino Integrated National High School (GVBINHS) ang puwestong 1st runner-up sa Inter-School Quiz Bee na pinangunahan ng Far Eastern University (FEU).

Sumalang ang Vito sa imbitasyon ng FEU sa Junior High School Category kasama ang mga pambato na sina Louise Grace Delos Santos, Ron Maverick Rosales, at Thomas Pakingan.

Naganap ang aktibidad noong ika-26 ng Abril sa Biluso, Silang, Cavite kasama ang 27 na pampubliko at pribadong paaralan sa Cavite.

Matapos ang paligsahan, umuwing kampeon ang Sisters Of Mary-Adlas, Inc. (SOM) na may 70 puntos at sumunod ang Belarmino na may puntos na 69.

Gayunpaman, kahit isa ang lamang na puntos ng SOM, pagtanggap ang nadama ng ating mga pambato sa rankong nakuha ng ating eskwelahan.

"OK lang dahil ganon talaga e, we gave our best naman kaso meron talagang time na may much better kaysa satin," ani Ron Rosales.

Nakatanggap ang GVBINHS ng printer at gift certificates na naghahalagang P8,000 para sa tatlong lumaban.

-Allaicah Cyrelle Rogelio

NEWSGVBINHS, imbitado sa SEAMEONanumbalik ang Southeast Asia Ministers of Education Organization (SEAMEO) matapos ang ta...
10/07/2023

NEWS
GVBINHS, imbitado sa SEAMEO

Nanumbalik ang Southeast Asia Ministers of Education Organization (SEAMEO) matapos ang tatlong-taong sakuna dulot ng pandemya.

Sa loob ng March 20 to June 16, 2023, kalahok ang mga punongg**o ng paaralan ng ibat-ibang probinsya.

Ginanap ang naturang programa sa SEAMEO Innotech Campus sa Quezon City, na kung saan isinasagawa ito sa pamamagitan ng face-to-face at online na pagpupulong.

Sa ilalim ng naturang programa pinapalawak ang kaalaman ng mga kalahok patungkol sa pagiging isang ulo ng paaralan at kung paano patakbuhin ito.

Kaisa sa programang ito ay si Dr. Gina Marie Pinza, principal ng General Vito Belarmino Integrated National High School na inindorso ng School Tuitions Organization Cavite Province upang dumalo sa naturang programa.

“Ang magbe-benefit ng school is yung adaption ng iba’t ibang leadership school program ng different Southeast Asian Countries, so ano yung mga Southeast Asian Countries? Ang natatandaan ko is Singapore, Myanmar, Cambodia, Timor Leste, Indonesia, Malaysia, Thailand so eleven iyan including ang Philippines,” ayon kay Ma’am Pinza.

Sa pagtatapos ng naturang programa malawak ang posibilidad na maging maganda ang epekto nito hindi lamang sa probinsya ng Cavite kundi pati na rin sa buong Pilipinas.

-Aron Jacob Sobreviñas

FEATURESilang, Sulong Palaro       Bawat kapistahan ay ipinagdiriwang ng masaya. Maraming ganap upang sumaya ang bawat i...
10/07/2023

FEATURE
Silang, Sulong Palaro

Bawat kapistahan ay ipinagdiriwang ng masaya. Maraming ganap upang sumaya ang bawat isa. Syempre hindi mawawala rito ang mga palaro. Palarong pinakahihintay ng bawat mamamayan sa bayan ng Silang.

Ginaganap ang kapistahan ng Silang tuwing ika-isa hanggang ikatlo ng Pebrero. Ika-31 ng Enero 2023, naganap ang Palarong Pinoy para sa paparating na kapistahan ng bayan ng Silang. Palo Sebo, Agawan Baboy, Hampas Palayok, Sack Race, Pabitin at Thug of War ang mga palarong sinalihan ng mamamayan ng Silang. Marami ang sumali upang magsaya at para na rin sa malaking papremyo na umabot sa ₱150,000.

Pinakainabangan ng mamamayan ng Silang ang mga palaro ng Mayor ng Silang na si Mayor Atty. Kevin Amutan Anarna. Labis ang kasiyahan hindi lang ng mga kasali sa palaro kundi pati na rin ang mga manonood.Sigawan, tawanan, masasayang mukha at suporta ng bawat isa ang makikita at mararamdaman sa mga taong dumalo.

"Nakakatuwang manood, magaganda ang mga palaro at talagang masasayang mukha ang nakita ko nang ako'y manood" Pahayag ni Kurt Justine Cortez, isang kababayan sa bayan ng Silang na tuwang tuwa sa panonood ng mga palaro.

Umani ng masasayang reaksiyon ang palaro sa Silang. Kay gandang karanasan ito sa mga mamamayan at talagang hindi malilimutan. Ginawang kasabik sabik ng palarong ito ang kapistahan ng bayan ng Silang. Mga palarong naglagay ng ngiti sa bawat mukha ng Pilipino na mga mamamayan sa bayan ng Silang.

-Cyril Jade M. Aligacion

FEATURESilang Music Festival: Bagong Pakulo sa Pista ng Silang May bagong pakulo naman tulad ng pagdaraos ng kauna-unaha...
10/07/2023

FEATURE
Silang Music Festival: Bagong Pakulo sa Pista ng Silang

May bagong pakulo naman tulad ng pagdaraos ng kauna-unahang Silang Music Festival bilang bahagi ng pista ng bayan. Kinagiliwan ito ng mga dumalo, karamihan ay mga kabataan ng Silang at maging mga taga ibang bayan ay nakisaya dito. Nagtanghal upang magpasaya at magpakilig ang iba’t-ibang banda tulad ng The Sun, Project Romeo, Mayonnaise, Joey Generoso ng Side A, at mga kilalang artista tulad ni Jelay Pilones. Inabangan din ng mga nanonood ang surprise performer na handog ng Bayan ng Silang.
Ala-una pa lamang ng hapon, nag-umpisa nang dagsain ang harapan ng bagong munisipyo sa Brgy. B**a 1, Silang, Cavite. Matiyagang naghintay ang mga nagnanais dumalo sa concert. Wala pa mang ganap na ikaanim ng gabi, punong-puno hanggang sa labas ang venue. Tinatayang 40,000 ang bilang ng mga nagtipon sa habang umabot naman sa 10,000 ang live viewers sa page ng Office of the Mayor of Silang.
“Gusto ko kasing manood ng concert kasama ang mga tropa ko. Wala pang 6pm andoon na kami. Pagdating namin ang layo na namin agad sa stage. Puno talaga ‘yung venue ng mga tao hanggang sa kalsada na,” ani Hazel Javier, Grade 9 student, isa sa mga dumalo sa Music festival.
Halos magkapalit na ng mukha ang mga manonood sa dami ng mga nais makisaya at makikanta sa mga banda at artistang inimbitahan ng bayan para sa malaking kaganapan sa huling araw ng pagdaraos ng pista ng bayan. Hindi naman ito alintana ng mga manonood na ang pinakainaabangan ay ang bandang Mayonnaise at ang surprise performer sa music festival.
May halong inis at tuwa ang mga naghintay matapos ang palabas dahil hindi nila inasahang ang surprise performer ay impersonator lamang ni Sarah Geronimo. Pinagpiyestahan ito sa social media at dinumog ng samu’t-saring reaksyon ng mga netizens na inabot na ng ala-una ng umaga sa music festival.
“Nakakapuyat. Ang sakit sa paa. Nakatayo kami nang ilang oras. Tapos hindi naman pala si Sarah G. Pero masaya at sobrang nag-enjoy talaga kami kasi nagbalik na ulit yung sigla ng fiesta sa Silang. Nabalik yung mga tradisyon dito,” dagdag ni Hazel.
Magkakahalong reaksyon ang natanggap ng bayan sa pagdaraos ng Silang Music festival. Mas binigyang-kulay ng mga pagtatanghal ang nakasanayang pista sa bayan ng Silang na nagbigay-ngiti at nagpaindak . Ngayon pa lamang, inaaabangan na ng mga Silangueno ang mga kakaibang pakulong tulad nito sa susunod na pista ng bayan.

-Margaret Faye Aranzaso

Address

Kalubkob
Silang

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Ladder - Gen. Vito Belarmino INHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share

Category


Other Newspapers in Silang

Show All