Khelvin Federigan

Khelvin Federigan We can't help everyone, But we can help someone

20/03/2022

Maniwala ka lang na may kalakip na paggawa makukuha mo ang anumang naisin mo ☝

Lahat may pagkakataong magbago kahit pa ang pinakamasamang tao.Napakasarap mabuhay kung lahat ng tao nagtutulungan at na...
19/03/2022

Lahat may pagkakataong magbago kahit pa ang pinakamasamang tao.
Napakasarap mabuhay kung lahat ng tao nagtutulungan at naghihilahan pataas lalo na sa mga nalihis ng landas, kung tutuusin sila ang mas nangangailangan ng suporta at malawak na pang-unawa para sila ay itama hindi para idapa dahil lamang sa dating mali nilang nagawa.

Bata pa ako pinangarap ko ng makapagdrive ng motor sa loob ng Expressway at marami ako naging pagkakataon na matupad yun...
16/03/2022

Bata pa ako pinangarap ko ng makapagdrive ng motor sa loob ng Expressway at marami ako naging pagkakataon na matupad yun dahil may mga katropa na nagooffer na mahiram ko ang mga Big Bike nila pero mas masarap sa pakiramdam na maexperience yun gamit ang sariling Big Bike kaya eto na ang katuparan ng isa sa mga pangarap ko noong bata pa ako.

Narito ang bagong upload kong video sa Youtube πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡πŸ‘‡
https://youtu.be/WN96HYlQZ7A
https://youtu.be/WN96HYlQZ7A

Samahan ninyo ako sa unang beses na magmomotor sa loob ng Expressway SLeX.Also Follow our page : https://www.facebook.com/khelvin29/

Inaattract lang kita noon🏍️Ngayon totoo ka na πŸ€— Iba talaga pag pinanggigilan mo isang bagay na gusto mo tapos sasabayan ...
13/03/2022

Inaattract lang kita noon🏍️
Ngayon totoo ka na πŸ€— Iba talaga pag pinanggigilan mo isang bagay na gusto mo tapos sasabayan mo pa ng positibong pananaw kahit sa mahihirap na sitwasyon ng buhay.
Sulit na sulit ang pagod at sakripisyo at ang pinakamatindi ay muntik na akong matulog sa labas ng matanaw ko na sa pinto ang nakapamewang kong asawa na nakataas ang kanang kilay 🀣✌️Mabuti na lang may dala akong cheke ng commission ko sa pagbebenta ng lupa πŸ˜πŸ‘Œ



WARNING!!! WARNING!!! WARNING!!!MalaSona ng Pangulo caption nito sa haba.πŸ˜… Senti mode lang dahil thinking of retiring ea...
06/03/2022

WARNING!!! WARNING!!! WARNING!!!
MalaSona ng Pangulo caption nito sa haba.πŸ˜… Senti mode lang dahil thinking of retiring early after ng 12 years straight ng pagtatrabaho bilang empleyado para sa mga pangarap sa buhay kaya gusto ko isa isahin ang mga pangarap na yun kung natupad na nga ba?

Mula sa karanasang laging pinapalayas sa mga inuupahan dahil hindi nakakabayad ng renta sa bahay hanggang sa magkaron na ng sariling bahay ng hindi lang isa kundi dalawa pa.

Mula sa pagtatapon ng mga basura, paglilinis ng kubeta hanggang sa nabigyan ng pagkakataon sa trabaho.

Mula sa batang paslit nangangarap lang na magkaroon ng Mountainbike hanggang sa matupad hindi lang Mountainbike kundi nagkaron pa ng Roadbike, Folding Bike, 27.5 MTB at Gravel 29er.

Mula sa laging nahahatakan ng motorsiklong hulugan dahil hindi nakakabayad hanggang sa nakabili ng sariling motor na scooter at bonus na BigBike pa.

Mula sa pagmamaneho ng ibat-ibang sasakyan na hindi akin ay nagkaroon na ng sariling kotse.

Mula sa binatang walang direksyon sa buhay at walang plano para sa kinabukasan ngayon nagkaroon ng mabait at magandang asawa na walang ginawa kundi unawain at suportahan ako sa mga gusto kong gawin.

Mula sa pag-iipon ng barya sa alkansyang mula sa basyong lagayan pulbos hanggang sa nakapag-Open na ng mga bank accounts 🀫 (pero puro maintaining balance lang ha)

Napakahirap na desisyon ang pagreresign sa trabaho lalo na ang pagreretiro ng maaga bilang empleyado lalo pa kung ito ay napakagandang trabaho. Pero sa pagkakataong ito nais kong desisyunan ang pagreretiro upang mas makapaglaan naman ng mas mahabang oras at panahon sa mga bagay na gusto kong gawin, mga bagay na baka hindi ko na kayang gawin kapag tumanda na ako kakatrabaho at yun oras na aagawin nito na sana inilalaan sa mga mahal natin sa buhay lalo na kung magkaroon na kami ng anak ng aking asawa. Kaya sa mahabang panahon nagtanim ako ng tamang kaalaman, kaisipan at naglaan ng oras dito kaysa umubos ng oras sa mga walang kabuluhan na magnanakaw lang ng oras mo at kaperahan na sana ay laan para sa mga pangarap mo dahil pwede mo naman balikan ito kapag natupad mo na ang mga pangarap mo.

Alam kong hindi dito matatapos ang lahat dahil sa gagawin kong pagpapasya ay paniguradong may mas malawak na mundo pa ang aming haharapin kumbaga sa kalsada ay sa service road lang ako matatapos at papasok na ako sa Expressway na mas malaki ang kalsada at mas mabibilis ang mga makakasabay na sasakyan.

Mas masarap ang byahe kung lahat ng tao ay nagsisikap para sa mga pangarap, yung pagsisikap na nag-iinvest din sa sarili dahil madalas hindi naman talaga sapat ang sipag at tiyaga lamang.

Pinost ko lang ito para magpaalala sa mga may utang sa akin na maniningil na ako dahil mawawalan na ako ng trabaho 😁
Good night!!!!

TROPANG TRINX CAVITE!!!PANAWAGAN PO para Makatulong po tayong mga Siklista dito sa Cavite, karatig Bayan at kahit nasa i...
15/02/2022

TROPANG TRINX CAVITE!!!

PANAWAGAN PO para Makatulong po tayong mga Siklista dito sa Cavite, karatig Bayan at kahit nasa ibang Bansa. πŸ’―πŸ’•

Nagkaroon ng Malaking Sunog ang Nangyari sa Barangay 24, Palace CAVITE CITY noong Sabado bandang 2Pm. Nagkaroon muna ng Brown-Out ng 30 Minutes bago naganap ang Sunog. πŸ”₯😒

Dahil gawa sa Light Materials ang mga kabahayan at lakas ng hangin ay nadamay na rin ang kalapit na mga Barangay.

Sa loob ng Dalawang (2) Oras na Sunog ay 488 Families, 2,488 individuals including Babies ang lubusang apektado.

Pansamatala po silang nananatili at nagsilbing Evacuation Center sa Ladislao Diwa Elementary School. Bawat kuarto ay ibat-ibang pamilya ang kanilang kasama.

Kasabihan nga naman na; "Hindi bale ng Manakawan, Huwag lang Masunugan" dahil Ubos lahat ng kabuhayan mo. πŸ₯Ί

Dahil sa nakita naming lubos na kailangan ng Vice Mayor na si Sir Denver Chua ay Matulungan natin ang ating mga kababayan.

Napag-alaman namin na marami ng nag Donate ng mga Lumang Damit kaya mga Pangunahin kailangan ang ating ibibigay tulong sa kanila.

B**as, de-lata, Noodles at higit sa lahat ay Toiletries na bawat kuarto ay iisa ang Palikuran sa dami ng pamilya tulad ng
Tsinelas, Toothbrush, Toothpaste, Sabon panlaba, Timba, Tabo, FaceMask etc.

Dahil may mga Babies ay kailangan po nila ng Diaper at Gatas.

Kung Typhoon po sana ang nangyari ay may mauuwian pa rin sila kahit paano ngunit dahil nasunog ang kanilang mga bahay ay hindi po natin alam kung hanggang kailan sila mananatili sa kanilang pansamantalang tinutuluyan.

Ang maliit na tulong natin na kapag pinag sama-sama ay isang Malaking bagay na po ito sa kanila.
Ihahatid po natin sa Guidance Office sa naturang Paaralan.

Ang Dios na po ang bahala sa atin. πŸ™ Isipin na lang po natin na paano kung sa atin ito nangyari? Pero huwag naman po sana.

Sa mga gustong magpaAbot ng Tulong ay puede nyong ihatid sa aming munting Tahanan na alam naman ng mga kaTropa nating Siklista at sa nais mag padala sa aking Gcash - 0926 692 7412
Victor A. ay kami na pong mga Admin/Leader ng Tropang Trinx Cavite ang magAsikaso.

Mag tulong-tulong po tayong lahat at gagawin po nating Charity Ride po ito. πŸš΄πŸ’―πŸ’•

20th FEBRUARY 2022 - SUNDAY

MEET-UP : Aguinaldo Shrine, Freedom Park, Parking Lot @ 7Am
RIDE-OUT: 7:30Am Sharp

Magdadala po tayo ng Sasakyan upang mailagay ang bawat nating dala.

Hinihikayat po namin ang ibat-ibang Grupo ng Siklista hindi lang sa kaisahan ngunit sa pakikipag Damayan ng Kabutihang-loob para sa higit na nangangailangan.

To All Leaders & Members, mga Kaibigan, Kakilala, mga may kakayahan sa buhay o kahit mga Ordinaryong tao ay ang maliit na makakayanan ay ibabalik po sa atin ng ating Panginoong Dios sa hindi nating inakala.

Kahit Sarili lang natin ang ating dalhin at Pumadyak po tayo sa iisang layunin. πŸš΄β€β™€οΈπŸ’•

Tropang Trinx Cavite Leaders ay gumawa po kayo ng MeetUp na madaraanan natin upang makarating tayo before 7Am sa ating Aguinaldo Shrine, Freedom Park, Kawit Cavite.

Bawat Detalye ng inyong pagtulong ay amin po itong ipaparating sa lahat at Recorded sa ating Group Page.

MARAMING SALAMAT PO ❀️








- Ninong Roy (TTC President)

Bike to work new setupLoop Bar 29er
08/02/2022

Bike to work new setup
Loop Bar 29er

Kumusta mga Katropa?konting panahon na lang makakabalik na tayo. Hindi makapagLong ride at hindi makakuha ng Visa kay Mi...
06/02/2022

Kumusta mga Katropa?konting panahon na lang makakabalik na tayo. Hindi makapagLong ride at hindi makakuha ng Visa kay Misis kaya eto subukan muna natin magMukbang 🀣🀣
Edit ko na lang mamaya...

Bike to Work January 2022Bawas Taba ProgramBenfits:* Money in my pocket not in gas tank* No noice pollution* Reduce stre...
06/01/2022

Bike to Work January 2022
Bawas Taba Program

Benfits:
* Money in my pocket not in gas tank
* No noice pollution
* Reduce stress
* Runs on fat not fuel
* Strong heart and big lungs
* Bones of steel
* Reduces risk of diabetes and highblood
* Free Parking
* See the world thru different eyes

Kumusta mga Katropa?Balik tayo soon..Sa ngayon gamit muna ng ipinagbabawal na teknik.Happy Holidays mga Katropa
25/12/2021

Kumusta mga Katropa?
Balik tayo soon..
Sa ngayon gamit muna ng ipinagbabawal na teknik.
Happy Holidays mga Katropa

14/11/2021

Siguraduhing walang magagalit ha 🀣

Pitik ni Photo Konect @ Kapihan sa Bukid
13/11/2021

Pitik ni Photo Konect @ Kapihan sa Bukid

Extra Crank para sa Long Ride πŸ˜πŸ“Έ Photo Konect
13/11/2021

Extra Crank para sa Long Ride 😁

πŸ“Έ Photo Konect

Gulat ka noh? 🀣 11:30am to 1:30pm ride
11/11/2021

Gulat ka noh? 🀣 11:30am to 1:30pm ride

Sunugan sa tanghaling tapat 🚴πŸ”₯Ang sabi ng mga Doctor mag-exercise hindi magpaHeat Stroke πŸ˜…βœŒοΈPero seryoso mula ng mahinto...
11/11/2021

Sunugan sa tanghaling tapat 🚴πŸ”₯
Ang sabi ng mga Doctor mag-exercise hindi magpaHeat Stroke πŸ˜…βœŒοΈ

Pero seryoso mula ng mahinto ako magbike ay sunod sunod at sabay sabay na naglitawan ang mga sakit ko kaya iba talaga naitutulong ng pagbabike kaya panahon na talaga para magbalik loob.

By the way totoo nga ang daan na ginagawa na magdudugtong sa GMA at Paliparan. SKL πŸ˜…

Kmusta mga Katropa? Pasensya na at wala pa tayo Update sa ating channel, kailangan muna magpalakas ng katawan ang inyong Katropa.
Babalik na tayo soon...

Next Bike Raffle?Sino sasali? 🀣Pagbalik natin another Bike para sa mga solid Katropa. Upload natin soon sa ating Youtube...
01/10/2021

Next Bike Raffle?
Sino sasali? 🀣

Pagbalik natin another Bike para sa mga solid Katropa. Upload natin soon sa ating Youtube Channel : https://youtube.com/c/KhelvinFederigan

Free Bike 9 Raffle WinnerCongrats Ms. Carolyn CariΓ±o Santos ng Pangasinan.Napickup na ng uncle mo dito sa Cavite ang Bik...
30/09/2021

Free Bike 9 Raffle Winner
Congrats Ms. Carolyn CariΓ±o Santos ng Pangasinan.
Napickup na ng uncle mo dito sa Cavite ang Bike mo πŸŽ‰πŸŽ‰πŸŽ‰ Enjoy and God Bless

Balik tayo soon mga Katropa, sobrang busy ng schedule na sinabayan pa ng pagkakasakit ng inyong Katropa.

Sponsored by : Helmet Boy Dpc

Isang nakakalungkot na balita ang ating natanggap mula sa pamangkin ni Ate Annalyn, Poor But Pure ang homeless na matulu...
12/09/2021

Isang nakakalungkot na balita ang ating natanggap mula sa pamangkin ni Ate Annalyn, Poor But Pure ang homeless na matulungin at may malasakit sa kapwa. Siya po ay pumanaw na, patawad ate at hindi na kita nabalikan dahil sa kaabalahan at sitwasyon ng kapaligiran.

Narito ang panawagan ng kanyang pamangkin at sa pagkakataong ito ay humihingi sila ng tulong para mailabas na si ate sa Funeraria.

Original Post from Niwron Alejandro

Magandang araw po.

Humihingi po ako ng tulong para kay auntie ANNALYN FERRARES JADULOS, namatay po Si auntie nalyn noong September 9, 2021, Dahil po sa diabetes / Pneumonia. Wala pong kahit anong ID Si auntie nalyn, Kaya Mahirap ilapit sa Philhealth at kung anong ahensya, hinahanapan po kasi ng mga ID P 61,000 thousand po ang inabot ng Bill Niya, Andun pa po siya sa morgue ng hospital nung Sept. 9, 2021 pa po, kailangan na daw po makuha ang katawan Ni auntie nalyn, kasi lolobo po daw yun. Pag doon lang sa morgue ng Hospital. Hindi daw po kasi naka Freezer, Sana po kahit konting tulong Lang po, para makuha ng funenarya ang katawan ni auntie nalyn at mabigyan ng maayos ng libing.. Salamat po.. Pakisuyo po Sana pakipasa po Sana at mka abot po sa may magagandang loob na tutulong

Video ni ate :https://youtu.be/dRoHw4bPwxs
Viral Post : https://www.facebook.com/khelvin29/videos/899872767420045/

ANYARE??https://youtu.be/aROAy_C2ggo
23/08/2021

ANYARE??
https://youtu.be/aROAy_C2ggo

Sorry wala na muna Live Draw ng Raffle ng Free Bike 9 pero may mga Winners na.Congrats sa mga Raffle Winners hanggang sa susunod mga Katropa.Sa mga Winners a...

The Legendary Lodi bumisita at namangha sa bayan ng BiΓ±an. Malalaman din ang dahilan kung bakit di natin nakikita gumaga...
24/07/2021

The Legendary Lodi bumisita at namangha sa bayan ng BiΓ±an. Malalaman din ang dahilan kung bakit di natin nakikita gumagamit ng Roadbike si Sir Jay.
Narito ang kabuuang video : https://youtu.be/2EKvODntG5s

"Don't judge a book by its cover"Sobrang lumang kasabihan ngunit napakarami pa rin hindi nakakaunawa.Congrats mga Katrop...
19/07/2021

"Don't judge a book by its cover"
Sobrang lumang kasabihan ngunit napakarami pa rin hindi nakakaunawa.
Congrats mga Katropa sa wakas may mga bashers na tayo. Madali tayong nahusgahan dahil sa Thumbnail natin na may malalim na kahulugan at kung hindi mo panonoorin ay hindi mo malalaman na may maganda pala tayong layunin. Sadyang likas na siguro sa mga tao ang manghusga at magbigay agad ng opinyon ng base lamang sa unang tingin kahit hindi pa alam ang buong istorya ❀️

Sila po ang dalawang bagets na nasa video at yan po ang natanggap nilang helmet mula sa Helmet Boy Dpc .
Sa mga hindi pa nakapanood narito po ang link ng video : https://youtu.be/pJkgOTS0KFs

God bless po sainyong lahat mga Katropa

https://youtu.be/pJkgOTS0KFsPag natalo ako sa karera may helmet ka 😁Maraming Salamat sa Helmet Boss Dennis Cabrera ng He...
19/07/2021

https://youtu.be/pJkgOTS0KFs
Pag natalo ako sa karera may helmet ka 😁
Maraming Salamat sa Helmet Boss Dennis Cabrera ng Helmet Boy Dpc

Kaybiang Tunnel 2019
12/07/2021

Kaybiang Tunnel 2019

Little Vigan?😁 Saan kaya ito mga Katropa?
12/07/2021

Little Vigan?😁 Saan kaya ito mga Katropa?

09/07/2021

Morning Spin ☝🏼❀️

FOR SALE10kg 27.5 MTB Carbon Lodi PartsBaka po kursunada ninyo o kaya baka may kilala po kayo naghahanap ng ganyan setup...
03/07/2021

FOR SALE
10kg 27.5 MTB Carbon Lodi Parts
Baka po kursunada ninyo o kaya baka may kilala po kayo naghahanap ng ganyan setup.
Video Specs on Youtube : https://youtu.be/1q_mZug5KX8

Full Specs :

Groupset
Crankset - Deore M6000 3x
FD - Deore M6000
RD - Deore M6000
Cogs - Deore 11-42t
Chain - Shimano 10s
Brakeset - Deore M6000
Shifter - Deore M6000

Wheelset
Hubs - LDCNC 32H 6Pawls
Rim - LDCNC 32H
Tires - Maxxis Pace 27.5x1.95
Rotor - Bracko 160mm Bolt Type

Cockpit
Seatpost - EC90 Carbon 31.6
Handlebar - EC90 Carbon 700mm
Stem - La bici +-25
Saddle - EC90
Seatclamp - Sagmit 34.9

Frameset
Frame - Trinx Big7 B700 Alloy 16" 27.5
Fork - Toseek Carbon 26er

Total Weight 10.66kg

Price : 35k
RFs : Need Fund

https://youtu.be/hrN13aC9tG0Sa mga kababayan natin dyan malapit sa Taal, mag-iingat po kayo. At sa mga katropa na nais u...
03/07/2021

https://youtu.be/hrN13aC9tG0
Sa mga kababayan natin dyan malapit sa Taal, mag-iingat po kayo. At sa mga katropa na nais umahon ng Tagaytay ay hinaharang daw po dahil sa panganib na baka muli sumabog ang bulkan.

Samahan ninyo akong silipin ng malapitan ang Isla ng Taal at alamin kung may mga nakatira na ulit sa isla.Babalikan natin sila upang pasayahin at handugan ng...

Address

Silang

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Khelvin Federigan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Khelvin Federigan:

Videos

Share

Category