27/03/2024
"Integridad sa Transaksiyon: Ang Halaga ng Tiwala at Pangako" 🛵💼...
"Meron akong tricycle 🛵 na walang bubong ang sidecar. Buwan ng September Tinanggal ko ito mula sa motor 🛵 dahil papagawa ko ang motor nang biglang dumating ang isang tao na namimili 🛒 ng kalakal. Tinanong niya ako kung binebenta ko ang sidecar ko, at pumayag ako sa kondisyon na babayaran niya ito pagbalik niya sa lugar namin kapag siya ay muling bumili ng mga sirang appliances. Simula noon, hindi na siya nagpakita dito sa Sasmuan at hindi na rin siya nagagawi dito. Ngunit ang mga kasama niya ay patuloy pa rin na nagagawi dito sa Sasmuan. Isang beses, tinanong ko ang isa sa namimili ng kalakal dito medyo magka-hawig sila at pareho pa yung motor na kolung-kolung na gamit, tungkol sa taong namimili ng kalakal dito, ngunit sinabi niya hindi nila ito kilala. Kinagabihan, may tumawag sa akin yung mismung bumili ng side car ko dahil sa akala niya pinablotter ko na siya, pero hindi ko naman pa siya pinapablotter, yun ang dahilan na pagtawag niya nalaman ko pa tuloy na yung nakausap ko na tinatanung ko kung kakilala niya, sabi niya sa akin di raw niya kilala, pero nung kinagabihan sinabi sa kanya yung mga tinanung ko kaya nagkausap kami sa phone na nakiusap na huwag na siyang ipablotter, dahil sinabi naman niya na babayaran niya ang sidecar. Pero mula noon nakausap ko siya sa phone Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagpapakita at hindi na rin siya maaaring kontakin sa kanyang cp number. May nakapagsabi sa Betis na siya nagagawi namimili ngayon ng kalakal. Ito ay isang payat na lalaki, medyo may kaitiman, may katamtamang tangkad na mga 5'7 pataas. Ang motorsiklo na ginagamit niya ay isang Rusi, at ito ay kulay p**a." 📞
"Sa bawat transaksyon, ang tiwala at integridad ay kailangang pangalagaan. Ang pagtitiwala ay hindi lamang sa salita, kundi sa mga kilos at pangako. Kapag ang tiwala ay nabalewala, nagiging walang halaga ang pangako. Ang integridad, hindi lamang nagpapanatili ng ugnayan, kundi nagbibigay-daan din sa kapayapaan ng isip at puso." 🛵💼...