ANG PLUMA

ANG PLUMA Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng San Jose.

๐Œ๐€๐๐ˆ๐†๐Ž๐๐† ๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐“๐€๐Ž๐!Mula sa kapisanan ng Ang Pluma, binabati namin ng Manigong Bagong Taon ang lahat! Nawa'y magdala an...
31/12/2024

๐Œ๐€๐๐ˆ๐†๐Ž๐๐† ๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐“๐€๐Ž๐!

Mula sa kapisanan ng Ang Pluma, binabati namin ng Manigong Bagong Taon ang lahat! Nawa'y magdala ang taong 2025 ng bagong simula, kasiyahan, oportunidad at magagandang alaala na ating babaunin sa ating buhay. ๐ŸŽ‰


๐‘๐ˆ๐™๐€๐‹ ๐ƒ๐€๐˜Ngayong araw, ginugunita ang ika-128 anibersaryo ng kamatayan ng ating pambansang bayani, G*t. Jose Rizal. Ang ...
30/12/2024

๐‘๐ˆ๐™๐€๐‹ ๐ƒ๐€๐˜

Ngayong araw, ginugunita ang ika-128 anibersaryo ng kamatayan ng ating pambansang bayani, G*t. Jose Rizal. Ang kaniyang kamatayan noong 1896 sa Bagumbayan sa Maynila ang naging mitsa ng pag-alab ng damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino at pag-aasam ng kalayaan laban sa mga mananakop.

Ang kaniyang paggamit ng pluma at papel upang mag-lathala ng pagbatikos sa mga Espanyol ay isa lamang sa mga legasiyang kaniyang ipinamana at iniwan sa kasaysayan ng Pilipinas.

Mula sa kapisan ng ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—”, kami ay nagpapasalamat sa kabayanihan ni G*t. Jose Rizal at nakikiisa sa pagdiriwang ng kaniyang 128th death anniversary ngayong December 30, 2024.


____

๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ | ๐™Š๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™‹๐™–๐™๐™–๐™ฎ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™…๐™‰๐™ƒ๐™Ž

๐’๐ข๐ฆ๐›๐จ๐ฅ๐จ ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐š๐ฌ๐ค๐ฎ๐ก๐š๐ง!Marami man ang naging pagsubok ng bawat isa sa nagdaang mga buwan, piliin pa rin natin maging masa...
24/12/2024

๐’๐ข๐ฆ๐›๐จ๐ฅ๐จ ๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐š๐ฌ๐ค๐ฎ๐ก๐š๐ง!

Marami man ang naging pagsubok ng bawat isa sa nagdaang mga buwan, piliin pa rin natin maging masaya at magbigay ng pag-asa sa bawat isa.

Ilaan ang araw na ito sa pag-alala ng kahalagahan ng sakripisyo, pag-asa, at pagmamahal. Damhin natin hindi lamang ang malamig na panahon, at masasarap na noche buena sa hapag kainan, gayundin ang pagsasalo-salo ng pamilya, at himig ng kapaskuhan.

Mula sa Kapisanan ng Ang Pluma, Maligayang Pasko sa inyong lahat!




๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ | ๐™Š๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™‹๐™–๐™๐™–๐™ฎ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™…๐™‰๐™ƒ๐™Ž

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | ๐—ฆ๐—๐—ก๐—›๐—ฆ ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—ง๐—ฟ๐—ผ๐˜‚๐˜ƒ๐—ฒ'๐—ฟ๐—ฒ๐˜€ ๐˜„๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐˜„๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ ๐——๐—ฟ๐˜‚๐—บ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—Ÿ๐˜†๐—ฟ๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ปNakamit ng San Jose The Trouve're...
08/12/2024

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—” | ๐—ฆ๐—๐—ก๐—›๐—ฆ ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—ง๐—ฟ๐—ผ๐˜‚๐˜ƒ๐—ฒ'๐—ฟ๐—ฒ๐˜€ ๐˜„๐—ฎ๐—ด๐—ถ ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐˜๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐˜„๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ ๐——๐—ฟ๐˜‚๐—บ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—Ÿ๐˜†๐—ฟ๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป

Nakamit ng San Jose The Trouve'res (SJT) ang ikatlong pwesto at iba't ibang special awards sa naganap na 2024 Drum and Lyre Competition sa Ynares Event Center noong Disyembre 7.

Nasungkit ng SJT ang Best Conductor na pinangunahan ni Sir Jeffrey Bueno, Best Keyboard Percussion, Best Pit Section, at Best in Uniform.

Gayundin, inuwi rin ng grupo ang
2nd Place sa Best in Music, Best in General Effects, Best Majorette, Best Drumline. At 3rd Place naman sa Best Color Guard at Best in Visuals..

Sa panayam kay Gng. Jonah Pedroso, g**o ng San Jose Trouveres masaya ang kanilang nararamdaman na napagtagumpayan nila ito.

โ€œMasaya pa din kaso syempre ang ine-expect natin mag champion talaga so, dahil sa mga deductions na sinabi, lalo sa overtime okay lang โ€˜yon tanggap naman ng lahat.โ€ wika ni Pedroso.

Patungkol ito sa 13 segundong overtime ng grupo sa naturang kompetisyon na nagdulot ng 5 pts deduction sa kanilang pangkalahatang iskor.

Bunsod nito, tiniyak naman ni Sir Jeffrey Bueno, kundoktor ng San Jose Trouve'res na mas babantayan nila ang pago-oras ng routine upang hindi na ito muling maulit.

โ€œSig**o magiging aware na kami sa pagaano ng oras para next time hindi na maulit," sambit ni Bueno

Naniniwala naman si Gng. Cristina Arellano na ang grupo ang tunay na kampyeon ng kompetisyon at sinig**ong babawiin ng San Jose ang kampyeonato sa susunod na paligsahan.

"Di ako mahihiyang sabihin ito na kami talaga ang tunay na kampeon, para sa ikagagaan ng loob ng mga anak ko at para sa mga taong naniniwala at nagmamahal sa amin. Mga anak, huwag na malungkot, huwag na manghinayang.
BABAWI TAYO NEXT YEAR!" pahayag ng g**o sa kaniyang facebook post.

Dahil dito, mas paghahandaan pa nila ang kanilang pag-eensayo para sa susunod na taon.

--

Binabati namin kayong lahat, The Trouve'res! Ipinagmamalaki kayo ng buong San Jose National High School! Mabuhay kayo! โค๏ธ๐Ÿค๐Ÿ’™

--



๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ | ๐™Š๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™‹๐™–๐™๐™–๐™ฎ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™…๐™‰๐™ƒ๐™Ž

๐—”๐—ป๐˜๐—ถ๐—ฝ๐—ผ๐—น๐—ผ ๐—–๐—ต๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—™๐—ถ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ฎ 2024 Masiglang dinaluhan at sinalubong ng iba't ibang barangay mula sa lungsod ng Antipolo ang...
07/12/2024

๐—”๐—ป๐˜๐—ถ๐—ฝ๐—ผ๐—น๐—ผ ๐—–๐—ต๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—บ๐—ฎ๐˜€ ๐—™๐—ถ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ฎ 2024

Masiglang dinaluhan at sinalubong ng iba't ibang barangay mula sa lungsod ng Antipolo ang Christmas Fiesta 2024 Grand Parade ngayong ika-7 ng Disyembre ganap na ika-walo nang umaga sa Sumulong Park. Kabilang sa nasabing parada at programa ang aktor na si JC De Vera, Brilliant Skin CEO Glenda Dela Cruz, Mutya ng Antipolo 2024, Mutya ng Antipolo 2023, volunteers, at stakeholders. Narito ang ilang mga larawan sa nasabing okasyon.




-
๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ | ๐™Š๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™‹๐™–๐™๐™–๐™ฎ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™…๐™‰๐™ƒ๐™Ž

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | 2024 ๐—”๐—ป๐˜๐—ถ๐—ฝ๐—ผ๐—น๐—ผ ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ง๐—ผ๐˜„๐—ป ๐—™๐—ถ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ฎ ๐——๐—ฟ๐˜‚๐—บ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—Ÿ๐˜†๐—ฟ๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ปOpisyal nang nagsimula ang Antipolo City Town Fiesta D...
07/12/2024

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | 2024 ๐—”๐—ป๐˜๐—ถ๐—ฝ๐—ผ๐—น๐—ผ ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ง๐—ผ๐˜„๐—ป ๐—™๐—ถ๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ฎ ๐——๐—ฟ๐˜‚๐—บ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—Ÿ๐˜†๐—ฟ๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป

Opisyal nang nagsimula ang Antipolo City Town Fiesta Drum and Lyre Competition sa Ynares Center ngayong ika-pito ng Disyembre upang maipamalas ang dedikasyon ng mga kalahok at ang kanilang pagmamahal sa sining at musika sa pamamagitan ng isang parada na naganap kaninang ika-8 ng umaga na dinaluhan ng mga g**o, estudyante, at mga group volunteers upang makiisa sa nasabing programa.




_

๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ | ๐™Š๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™‹๐™–๐™๐™–๐™ฎ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™…๐™‰๐™ƒ๐™Ž

๐‡๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ ๐๐€ ๐“๐€๐๐Ž๐’ ๐€๐๐† ๐‹๐€๐๐€๐! ๐Ÿฅน๐Ÿ”ฅNaghakot ng pwesto ang mga mamamahayag ng ๐€๐๐† ๐๐‹๐”๐Œ๐€, ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na P...
24/11/2024

๐‡๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ ๐๐€ ๐“๐€๐๐Ž๐’ ๐€๐๐† ๐‹๐€๐๐€๐! ๐Ÿฅน๐Ÿ”ฅ

Naghakot ng pwesto ang mga mamamahayag ng ๐€๐๐† ๐๐‹๐”๐Œ๐€, ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng San Jose sa Filipino sa ๐†๐‘๐Ž๐”๐ ๐‚๐€๐“๐„๐†๐Ž๐‘๐ˆ๐„๐’ ng katatapos lamang na Division School Press Conference (DSPC), kahapon Nobyembre 23, 2024.

Ang mga kategoryang napanalunan ng mga mamamahag ay:

๐‚๐Ž๐‹๐‹๐€๐๐Ž๐‘๐€๐“๐ˆ๐•๐„ ๐ƒ๐„๐’๐Š๐“๐Ž๐ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐’๐‡๐ˆ๐๐†
๐Ž๐๐‹๐ˆ๐๐„ ๐ƒ๐„๐’๐Š๐“๐Ž๐ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐’๐‡๐ˆ๐๐†
๐‘๐€๐ƒ๐ˆ๐Ž ๐๐‘๐Ž๐€๐ƒ๐‚๐€๐’๐“๐ˆ๐๐†
๐Œ๐Ž๐๐ˆ๐‹๐„ ๐‰๐Ž๐”๐‘๐๐€๐‹๐ˆ๐’๐Œ

Nagpapasalamat ang buong kapisanan kina Ma'am Anna Lyn Raymundo, punongg**o ng paaralan at Ma'am Ainie Wuani at Ma'am Jembeth Mirabueno para sa kanilang walang sawang suporta at gabay sa mga mamamahayag.

Patuloy magiging malaya at mapagpalaya, sandigan ng katotohanan, at kaisa ng bayan! โœ’๏ธ

Pagbati muli sa mga nanalo at sa buong kapisanan ng ๐€๐๐† ๐๐‹๐”๐Œ๐€!




_

๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ | ๐™Š๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™‹๐™–๐™๐™–๐™ฎ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™…๐™‰๐™ƒ๐™Ž

๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐‹๐€๐˜๐€๐๐† ๐Š๐€๐“๐Ž๐“๐Ž๐‡๐€๐๐€๐! ๐Ÿ•Š๏ธInangkin ng ๐€๐๐† ๐๐‹๐”๐Œ๐€, ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng San Jose sa Fil...
24/11/2024

๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐‹๐€๐˜๐€๐๐† ๐Š๐€๐“๐Ž๐“๐Ž๐‡๐€๐๐€๐! ๐Ÿ•Š๏ธ

Inangkin ng ๐€๐๐† ๐๐‹๐”๐Œ๐€, ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralan ng San Jose sa Filipino ang titulo bilang ๐๐„๐’๐“ ๐ˆ๐ ๐’๐‚๐‡๐Ž๐Ž๐‹ ๐๐€๐๐„๐‘ ๐’๐„๐‚๐Ž๐๐ƒ๐€๐‘๐˜ (๐…๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐Ž) sa naganap na Division School Press Conference (DSPC) 2024.

Patuloy magiging malaya at mapagpalaya, sandigan ng katotohanan, kaisa ng bayan!

Pagbati muli sa mga nanalo at sa buong kapisanan ng ๐€๐๐† ๐๐‹๐”๐Œ๐€!




_

๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ | ๐™Š๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™‹๐™–๐™๐™–๐™ฎ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™…๐™‰๐™ƒ๐™Ž

๐“๐”๐Œ๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ๐†, ๐ˆ๐๐ˆ๐‹๐€๐๐€๐, ๐€๐“ ๐๐€๐†๐–๐€๐†๐ˆ โœ’๏ธ๐Ÿ”ฅMuling nakasungkit ng pwesto ang mga manunulat ng Ang Pluma sa katatapos na Division S...
09/11/2024

๐“๐”๐Œ๐ˆ๐๐ƒ๐ˆ๐†, ๐ˆ๐๐ˆ๐‹๐€๐๐€๐, ๐€๐“ ๐๐€๐†๐–๐€๐†๐ˆ โœ’๏ธ๐Ÿ”ฅ

Muling nakasungkit ng pwesto ang mga manunulat ng Ang Pluma sa katatapos na Division Schools Press Conference (DSPC) na may temang "Guardian of Integrity: Shaping the Future of Journalism" na ginanap sa San Isidro National high School noong Nobyembre 8, 2024.

1. Alexandra Minea Meman - Pagsulat ng Balita (1st Place)
2. Gian Carlo Urbiztondo - Paglalarawang Tudling (2nd Place)
3. Klarisa Mae Orellana - Pagsulat ng Lathalain (3rd Place)
4. Aldred Distor - Paglalarawang Tudling (4th Place)

Binabati rin namin ang mga mag-aaral na nagsipaglahok sa ibang pang kategorya ng nasabing patimpalak:

1. Cianne Lancelot Mercurio - Pagsulat ng Editoryal
2. Jaztine Concepcion - Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita
3. John Patrick Caliwag - Pagsulat ng Kolum
4. Angie Gallo - Pagsulat ng Balitang Isports
5. Princess Angel Almanza - Pagsulat ng Agham
6. Achilles John Razal - Pagsulat ng Agham
7. Ryle Crizenne Bal-ut - Pagkuha ng Larawan

Isang malaking pasasalamat naman ang ipinapaabot ng mga mamamahayag ng Ang Pluma kina Mrs. Anna Lyn Raymundo (School Principal), Ma'am Jembeth Mirabueno at Ma'am Ainie Wuani (School Paper Advisers) na siyang gumabay at humubog sa kasanayan ng mga mag-aaral.

Pagbati sa mga manunulat mula sa Ang Pluma. MALAYA AT MAPAGPALAYA! โค๏ธ

---



๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ | ๐™Š๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™‹๐™–๐™๐™–๐™ฎ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™…๐™‰๐™ƒ๐™Ž

1...2...3... BIRTHDAY NA NI KLARISA! BIRTHDAY NA NI KLARISA! BIRTHDAY! NA! NI! KLARISA! ๐ŸฅณJELLY! ๐Ÿญ chocolate CAIKE ๐ŸŽ‚ wow ...
27/10/2024

1...2...3... BIRTHDAY NA NI KLARISA! BIRTHDAY NA NI KLARISA! BIRTHDAY! NA! NI! KLARISA! ๐Ÿฅณ

JELLY! ๐Ÿญ chocolate CAIKE ๐ŸŽ‚ wow ๐Ÿ˜ฎ this is ๐Ÿ‘‡๐Ÿป chocolate cake ๐Ÿซ itโ€™s me MY TIMEEE slay! ๐Ÿ”ฅ

Maligayang Kaarawan sa Feature Editor ng Ang Pluma, Klarisa!

Lubos kaming nagpapasalamat sa iyong dedikasyon at talento na iyong inilaan sa ating pahayagan. Sa iyong malawak na imahinasyon at malikhaing istilo ng pagsulat, nabibigyang kulay ang pahina ng pahayagan at kapisanan. Ngayong araw ng iyong kapanganakan, nawa'y dumaloy ang walang-hanggang saya at tagumpay sa iyong buhay. Muli, Maligayang Kaarawan, Klarisa! ๐ŸŽ‰โค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ



_

๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ | ๐™Š๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™‹๐™–๐™๐™–๐™ฎ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™…๐™‰๐™ƒ๐™Ž

1...2...3... HAPPY NA BIRTHDAY MO PA HAPPY NA BIRTHDAY MO PA! HAPPY! BIRTHDAY! NOREEN! ๐Ÿฅณ๐Ÿฅณ๐ŸฅณCause๐Ÿซก when โŒš you're ๐Ÿ‘ง๐Ÿป fiftee...
24/10/2024

1...2...3... HAPPY NA BIRTHDAY MO PA HAPPY NA BIRTHDAY MO PA! HAPPY! BIRTHDAY! NOREEN! ๐Ÿฅณ๐Ÿฅณ๐Ÿฅณ

Cause๐Ÿซก when โŒš you're ๐Ÿ‘ง๐Ÿป fifteen โ˜๐Ÿปโœ‹๐Ÿป

Maligayang Kaarawan sa Technical Director ng Radio Broadcasting ng Ang Pluma, Noreen!

Lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng iyong dedikasyon at talento na iyong ibinuhos sa ating pahayagan. Dapat lang bigyan ng pagkilala ang mga kontribusyon mo sa Ang Pluma hindi lamang sa pagiging isa sa haligi ng Radio Broadcasting Team, gayundin sa pagiging masiyahin at liwanag ng pahayagan. Ngayong araw ng iyong kapanganakan, nawa'y dumaloy ang walang-hanggang saya at tagumpay sa iyong buhay. Muli, Maligayang Kaarawan, Noreen! ๐ŸŽ‰โค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ



_

๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ | ๐™Š๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™‹๐™–๐™๐™–๐™ฎ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™…๐™‰๐™ƒ๐™Ž

๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ข๐—žNag-anunsyo ng walang pasok sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa Lungsod ng Antipolo buk...
24/10/2024

๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ข๐—ž

Nag-anunsyo ng walang pasok sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa Lungsod ng Antipolo bukas, Oktubre 25 bunsod ng malakas na pag-ulan dala ng Bagyong Kristine.

Naririto ang mga numerong pwedeng tawagan sa oras ng sakuna:

๐Ÿ“ž DILG Hotline: 911

๐Ÿ“ž Antipolo Hotline:
0917-854-0842
0927-755-9911 | 8689-4576 | 8689-4564

๐Ÿ“žAntipolo OPSS:
8734-2470

๐Ÿ“žAntipolo Police:
8697-2409 | 09171577627

๐Ÿ“žMERALCO:
16211

Mag-ingat tayong lahat, Josephians!

Sanggunian: https://www.facebook.com/100044328314730/posts/1101850304635903/?mibextid=rS40aB7S9Ucbxw6v



_

๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ | ๐™Š๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™‹๐™–๐™๐™–๐™ฎ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™…๐™‰๐™ƒ๐™Ž

๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ข๐—žNag-anunsyo ng walang pasok sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa Lungsod ng Antipolo nga...
22/10/2024

๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ข๐—ž

Nag-anunsyo ng walang pasok sa lahat ng antas ng pribado at pampublikong paaralan sa Lungsod ng Antipolo ngayon, Oktubre 22 bunsod ng Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 sa buong Lalawigan ng Rizal.

Mag-ingat tayong lahat, Josephians!

Sanggunian: https://www.facebook.com/share/p/MVEzBrpV5n3qLkki/



_

๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ | ๐™Š๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™‹๐™–๐™๐™–๐™ฎ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™…๐™‰๐™ƒ๐™Ž

๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐——๐—ฒ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ: ๐—™๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฌ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ ๐—˜๐—ฑ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป!Ano ba ang sekreto para tumagal sa serbisyo?Sabi nila, kung ma...
05/10/2024

๐—ฆ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฏ๐—ถ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐——๐—ฒ๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ: ๐—™๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฌ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ผ๐—ฑ ๐˜€๐—ฎ ๐—˜๐—ฑ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป!

Ano ba ang sekreto para tumagal sa serbisyo?

Sabi nila, kung mahal mo ang iyong propesyon, kailanmaโ€™y hindi ka mapapagod sa iyong ginagawa. Mula sa payak na mga kataga, pinatunayan ito ni Mrs. Anna Lyn P. Raymundo, Principal IV ng mataas na paaralan ng San Jose. Sino mag-aakala na 40 taon na siyang nasa serbisyo at patuloy pa ring naglilikod?

Mula noon hanggang ngayon, ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang propesyon ay kailanmaโ€™y di matutumbasan ng anong salapiโ€”isang tunay na huwarang g**o kung susumahin. Kaya โ€˜di kataka-taka na maraming g**o ang tumitingala at minamahal siya.

Sa selebrasyon ng Araw ng Kaguruan sa Ynares Events Center na pinangunahan ng DepEd Antipolo City kahapon, binigyan ng mataas na pagkilala bilang huwarang g**o si Mrs. Raymundo na nagsisilbing ilaw sa serbisyo sa loob ng 40 na taon. Kaakibat ng paggawad na ito kung paano nahubog ang bawat isa sa pagkasikhay lulan ng kaniyang mapagkandiling gabay.

Lubos na nagpapasalamat ang buong paaralan sa inyong dedikasyon, determinasyon at suporta sa bawat hakbang tungo sa tagumpay ng SJNHS. Ang inyong kuwento at mensahe ng pagsinta sa edukasyon ay magsisilbing pamana at inspirasyon hindi lamang para sa inyong mga kapwa g**o, kundi maging sa mga mag-aaral. ๐€๐ง๐  ๐ข๐ง๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐ข๐ฉ๐š๐  ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ ๐ฆ๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐…๐Ž๐‘๐“๐˜ ๐ฐ๐ก๐จ๐ฅ๐ž ๐’๐‰๐๐‡๐’ ๐…๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ ๐š๐ฒ ๐ญ๐š๐ฅ๐š๐ ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐š๐ง๐ -๐๐š๐ฆ๐š.

Happy World Teacherโ€™s Day, Maโ€™am Raymundo! โค๏ธ


_

๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ | ๐™Š๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™‹๐™–๐™๐™–๐™ฎ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™…๐™‰๐™ƒ๐™Ž

๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—œ๐—ก | ๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ, ๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—น๐—ฎPaano mo gusto ang kape mo sa umaga?Gusto mo ba ng kapeng manamis-namis? Iyon bang...
04/10/2024

๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—œ๐—ก | ๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ, ๐—ง๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—น๐—ฎ

Paano mo gusto ang kape mo sa umaga?

Gusto mo ba ng kapeng manamis-namis? Iyon bang tipong hahaluan ng sangkaterbang asukal o di naman kayaโ€™y gatas ang nabiling purong kape. O kaya namaโ€™y puro; โ€˜yong walang ano mang halong sangkap bukod sa tubig at kape. Yung matapang โ€” yung nanlalaban sa pait.

Baka naman tulad ng g**ong si Karren Neri na siya ring may-ari ng A/e Cafรฉ at talaga namang mahilig sa kape, mas tipo mo yung tama lang ang lasa; hindi gaanong mapait at hindi rin sobra sa tamis. โ€˜Yun bang naghahalo ang tapang at creaminess sa dila โ€” kumbaga, swak lang ang timpla.

Anoโ€™t ano pa man ang gusto ng taong pagkakatimpla ng halos bansagan nang pambansang inumin sa bansa, siguradong importante sa mga ito na sakto sa gustong lasa ang pagkakakanaw ng kapeng hilig. Sino ba namang gusto ng inuming taliwas sa gustong lasa ang timpla, hindi ba?

Maihalintulad din ito sa buhay ni Neri na nagnanais ng buhay na sakto lang sa kagustuhan at inaasam na lasa โ€” iyon bang komportable sa dila. Hindi gaanong mapait o mahirap, ngunit hindi rin naman sobra sa tamis na hayahay at pasarap na lamang.

Masasabing nagtagumpay sa buhay si Neri. Naka-ahon sa kahirapan, napag-aaral ang mga kapatid, natutulungan ang mga magulang, at nabibili ang mga bagay na gusto niya. Kung tutuusin, pwedeng magpahinga na lamang ang siya dahil sa dami na niyang nakamit sa edad na 26 pa lamang. Ngunit hindi siya nagpakampante sa mga biyayang natatanggap niya sa kasalukuyan bagkus, nagsusumikap pa rin siya sa buhay sa kabila ng kabi-kabila niyang tagumpay. At ang kaniyang sipag, tiyaga, at tiwala sa sarili ang nagdala sa kaniya sa estado niya ngayon.

Ngunit higit pa sa nakikita ng mata ang tagumpay ng tao. Tulad ng pagtikim at paghusga sa isang timpladong kape, hindi lamang dapat ibinabase sa kung anong nalasap ng dila ang hatol dito. Tulad na lamang ng paghusga sa buhay ng tao; hindi dapat ibase lang ang husga sa kung anong nasa harapan, bagkus, tignan din dapat ang buong litratoโ€” ang kwento sa loob ng kwento, dahil may mga impormasyon maaaring nakakubli at hindi pa nahahagip ng simpleng pagtingin.

๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด, ๐—ฌ๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป

Madalas na maririnig sa mga kabataan lalo na sa tuwing may banatan ng pick-up lines ang mga katagang, โ€œGusto ko ng kapeng matapang, yung kaya akong ipaglabanโ€. Madalas pang tawanan ang nasabing banat dahil masyado na itong โ€œcheesyโ€ at โ€œcornyโ€ para sa karamihan. Pero ang g**ong si Neri, isinabuhay ang nasabing pick-up line.

Sa loob ng 20 taon bago pa man maging ganap na g**o, naging mahirap ang pamumuhay ng pamilya ni Neri. At dahil ayaw niyang manatili sa ganoong estado ng pamumuhay, hindi lang inasam kundi nagsumikap si Neri na maiahon ang pamilya mula sa kumunoy ng paghihirap.

Sa isang panayam, inihayag din ni Neri ang karanasan niya sa kaniyang mga kamag-anak kung saan hindi naging maganda ang pakikitungo ng ilan sa mga ito sa kaniya dahil sa estado nila sa buhay at noong nakaluwag-luwag na sila, saka lang naging maganda ang pakikisama sa kanila ng mga kamag-anakan niya na siya namang gusto niyang manatili na lamang sa ganoon.

Sinabi niya pa na sa pera na ngayon ibinabase ang respetong ibinibigay ng iba sa tao โ€” kung mayaman ka, rerespetuhin ka at kung salat naman, ikaw ang dapat na magbigay ng respeto kahit pa man hindi dapat ibinabase sa katayuan ng tao ang respetong dapat nilang matanggap.

โ€œYung respect kasi ng tao, nakadepende sa social status mo. Kung marami kang pera, mas marami yung respect na matatanggap mo. So it's either kasi ako yung rerespect sa maraming pera o ako yung rerespetuhin kasi marami akong pera. So I'll go with the number 2 option,โ€ aniya pa.

Dahil dito, nilabanan ni Neri ang mapait na kahirapan pati na rin ang mapanghusga at hindi magandang pakikitungo sa kaniya ng iba at ginawa itong inspirasyon para magpatuloy at pag-igihin pa ang pagta-trabaho upang maiahon ang pamilya sa hirap.

Bukod pa rito, ginustong masustenohan ni Neri ang kaniyang pamilya at magpamana sa mga magiging anak sa hinaharap ng isang komportableng buhay bilang naranasan na niyang maging breadwinner ng pamilya. Ninais niyang mapamanahan ang mga magiging anak ng magandang buhay kung saan hindi na kailangan ng mga itong mamili kung magsusustento ba ang mga ito sa kaniya sa hinaharap at maglalaan ng pera sa magiging pamilya ng mga ito tulad ng nangyari sa kaniya noon.

Para maisakatuparan ang lahat ng ninanais na makamtan, pinasok ni Neri ang apat na trabaho. Bukod sa pagiging g**o, humanap pa siya ng iba pang pagkakakitaan na bagama't nagresulta ng maganda, nagkaroon din naman ng masamang balik sa kaniya.

๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ฒ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ธ๐—ผ, ๐—ฌ๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—›๐˜‚๐—บ๐—ถ๐—ต๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ

Dahil sa pangarap na gustong makamit ni Neri para sa kaniyang sarili, pamilya, at magiging pamilya sa hinaharap, pinasok ni Neri ang iba't ibang raket. Kahit pa man ngayon na nakaluluwag na sa buhay, hindi huminto si Neri sa pagta-trabaho at hindi nagpakakampante sa saglit na kaginhawaan.

Sa loob ng isang linggo, apat na trabaho ang pinapasok niya habang tatlo naman sa isang araw. Bukod sa pagiging g**o sa loob ng anim na oras sa San Jose National High School, pumapasok pa siya sa Sunlife Antipolo bilang isang Field Manager at Financial Advisor sa loob ng apat hanggang limang oras sa buong maghapon. Pagkatapos nito, tsaka siya pumupunta sa sariling Coffee Shop na kilala naman sa pagkakaroon ng kapeng gawa sa kasoy para magbantay dito sa gabi, magkwenta ng benta nila araw-araw bilang Financial Manager nito, at mag-promote sa social media bilang Social Media Manager.

Samantala, wala siyang pasok sa paaralan at Sunlife Antipolo bilang g**o at financial advisor tuwing sabado ngunit mayroon pa rin siyang isang trabahong pinapasukan sa Makati kung saan inilalaan naman niya ang halos 14 na oras niya sa pagba-biyahe at pagta-trabaho bago pumasok sa sariling pundar na cafรฉ.

Hindi biro ang pinagdadaanan ni Neri sa araw-araw para marating ang kinalalagyan niya ngayon. Dumating pa nga sa punto na nagkaroon siya ng sakit na hindi na magagamot dahil sa pagsasakripisyo niya ng kaniyang kalusugan sa pagkakaroon ng maraming trabaho. Hindi na siya nakabubuo ng kinakailangang walong oras na tulog at halos wala na siyang pahinga.

Bagama't ganoon ang sinapit, patuloy pa rin si Neri sa paglaban at hindi humihinto upang makamit ang inaasam na maginhawa at magandang kinabukasan para sa kaniyang pamilya.

Sabi nga ni Neri, hindi naging โ€œsmooth sailingโ€ ang tagumpay niya sa buhay. Maraming balakid ang kaniyang kinaharap at maraming beses siyang nagsumikap at nagdagdag ng tamis sa mapait na timpla ng buhay niya. Pero hangga't may gustong maabot, hangga't hindi pa nakukuha ang balanse at tamang timpla ng buhay, wala dapat sa bokabolaryo ang salitang โ€œpagsukoโ€.

Tamang tantiyahan lang ng mga sangkap ang kailangan; tamang tamis at tamang pait. Hindi dapat lumabis dahil sabi nga sa kasabihan, walang maganda sa sobra ngunit hindi rin dapat na kumulang at makuntento sa kakarampot na kaginhawaan.

Dapat, balanse. Dapat sakto ang lasa, tama ang timpla.

Isinulat ni ๐—ž๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐—ข๐—ฟ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฎ | Manunulat sa Lathalain
Grapiko ni ๐—Ÿ๐˜†๐—บ๐˜‚๐—ฒ๐—น ๐—ฃ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐˜๐—ฎ | Layout Artist


____

๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ | ๐™Š๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™‹๐™–๐™๐™–๐™ฎ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™…๐™‰๐™ƒ๐™Ž

๐“๐š๐จ ๐ฉ๐จ? ๐ƒ๐ž๐ฅ๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฒ! ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐ฅ๐ฎ๐Œ๐€๐ˆ๐‹ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ข๐ฒ๐จ! ๐Ÿ“ฌ ๐Ÿ/๐Ÿ Happy World Teacher's Day mga Gurong Josephians! ๐Ÿ‘ฉ๐Ÿปโ€๐Ÿซ๐Ÿ‘จ๐Ÿปโ€๐Ÿซ Dahil sa in...
03/10/2024

๐“๐š๐จ ๐ฉ๐จ? ๐ƒ๐ž๐ฅ๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฒ! ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐ฅ๐ฎ๐Œ๐€๐ˆ๐‹ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ข๐ฒ๐จ! ๐Ÿ“ฌ ๐Ÿ/๐Ÿ

Happy World Teacher's Day mga Gurong Josephians! ๐Ÿ‘ฉ๐Ÿปโ€๐Ÿซ๐Ÿ‘จ๐Ÿปโ€๐Ÿซ Dahil sa inyong mga naging sakripisyo at pagbubuhos ng inyong puso sa serbisyo para sa kapakanan ng inyong mga mag-aaral, nararapat lamang na kayo't bigyan ng pagkilala at pasasalamat. Kaya naman sa ating paggunita sa araw ng mga g**o, halinaโ€™t basahin at tunghayan ang mga marubdob na mensahe ng mga mag-aaral para sa mga g**o! ๐Ÿ’Œ Samahan niyo ang Ang Pluma sa pagbibigay-pugay sa ating mga ikalawang magulang sa pamamagitan ng makabagbag-damdamin na liham ng pagmamahal.

Maraming Salamat sa pakikiisa, Josephians! โค๏ธ


_

๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ | ๐™Š๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™‹๐™–๐™๐™–๐™ฎ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™…๐™‰๐™ƒ๐™Ž

๐“๐š๐จ ๐ฉ๐จ? ๐ƒ๐ž๐ฅ๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฒ! ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐ฅ๐ฎ๐Œ๐€๐ˆ๐‹ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ข๐ฒ๐จ! ๐Ÿ“ฌ  ๐Ÿ/๐ŸHappy World Teacher's Day mga Gurong Josephians! ๐Ÿ‘ฉ๐Ÿปโ€๐Ÿซ๐Ÿ‘จ๐Ÿปโ€๐Ÿซ Dahil sa in...
03/10/2024

๐“๐š๐จ ๐ฉ๐จ? ๐ƒ๐ž๐ฅ๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฒ! ๐ˆ๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ฉ๐ฅ๐ฎ๐Œ๐€๐ˆ๐‹ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ข๐ฒ๐จ! ๐Ÿ“ฌ ๐Ÿ/๐Ÿ

Happy World Teacher's Day mga Gurong Josephians! ๐Ÿ‘ฉ๐Ÿปโ€๐Ÿซ๐Ÿ‘จ๐Ÿปโ€๐Ÿซ Dahil sa inyong mga naging sakripisyo at pagbubuhos ng inyong puso sa serbisyo para sa kapakanan ng inyong mga mag-aaral, nararapat lamang na kayo't bigyan ng pagkilala at pasasalamat. Kaya naman sa ating paggunita sa araw ng mga g**o, halinaโ€™t basahin at tunghayan ang mga marubdob na mensahe ng mga mag-aaral para sa mga g**o! ๐Ÿ’Œ Samahan niyo ang Ang Pluma sa pagbibigay-pugay sa ating mga ikalawang magulang sa pamamagitan ng makabagbag-damdamin na liham ng pagmamahal.

Maraming Salamat sa pakikiisa, Josephians! โค๏ธ


_

๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ | ๐™Š๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™‹๐™–๐™๐™–๐™ฎ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™…๐™‰๐™ƒ๐™Ž

๐’๐š ๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ... Sa mga panimulang salitang ito, tiyak na may mapaliligaya kang taong mahalaga sayo. Tunay na nakab...
29/09/2024

๐’๐š ๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ...

Sa mga panimulang salitang ito, tiyak na may mapaliligaya kang taong mahalaga sayo. Tunay na nakabubusog sa puso ang makatanggap ng liham at mensahe! ๐Ÿ’Œ

Sa pagpasok ng buwan ng Oktubre, ito na ang pagkakataon mong magpadala at magpadama ng liham ng pasasalamat at pagmamahal sa mga tumayong ikalawang magulang mo sa paaralan! Ang ating mga g**o na siyang naging ehemplo ng determinasyon, kasipagan at dedikasyon sa ating mga mag-aaral. Sila na manlilikha at naghuhubog ng mga pag-asa ng bayan! Kaya naman nararapat silang bigyan ng pagkilala at pagpupugay ๐Ÿ‘ฉ๐Ÿปโ€๐Ÿซ๐Ÿ‘จ๐Ÿปโ€๐Ÿซ

Bilang parte ng selebrasyon ng World Teachers' Day, inihahandog ng Opisyal na Pahayagan ng San Jose National High School, ๐€๐ง๐  ๐๐ฅ๐ฎ๐Œ๐€๐ˆ๐‹: ๐Œ๐ž๐ง๐ฌ๐š๐ก๐ž ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐†๐ฎ๐ซ๐จ๐ง๐  ๐‰๐จ๐ฌ๐ž๐ฉ๐ก๐ข๐š๐ง๐ฌ! โœ๐Ÿปโค๏ธ

Sabihin mo na ang nilalaman ng iyong puso para sa ating mga Gurong Josephians na naging inspirasyon para sa iyo! Inaasahan ng kapisanan ang inyong partisipasyon mula ngayon, hanggang Oktubre 2, 2024. Maaaring pindutin ang link na ito o i-scan ang code sa ibaba.

https://forms.gle/2Xg1dDL4N4KT5tpK6
https://forms.gle/2Xg1dDL4N4KT5tpK6
https://forms.gle/2Xg1dDL4N4KT5tpK6

Ipadala mo na ang iyong liham ng pagmamahal sa inyong mga g**o, Batang Josephians! ๐Ÿ’ฅ


_

๐—”๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—น๐˜‚๐—บ๐—ฎ | ๐™Š๐™ฅ๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™–๐™ก ๐™ฃ๐™– ๐™‹๐™–๐™๐™–๐™ฎ๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™…๐™‰๐™ƒ๐™Ž

Address


Telephone

+639234873980

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ANG PLUMA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to ANG PLUMA:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Telephone
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share