01/07/2020
Hays napagdaanan ko to lahat :<
TAKE TIME TO READ!
Bakit Payment First Policy? ๐ง
Para maiwasan mga ganitong "segway" ni buyer.
1. "Cancel nalang po order ko. Pasensya na!"
2. "Busy ako eh, re-sched nalang ang meet up."
"Naku! Di pala ako pwede today at bukas sa ibang araw nalang" (so FOREVER NA RE-SCHED mangyayari hanggang ikaw nalang mapagod magfollow-up)
3. "Dyan nalang muna order ko, kukunin ko pag may pera at oras na ako" (ginawa mo naman akong BAGGAGE COUNTER)
๐ Para makatipid tayo sa oras, pag PAID ka na automatic i-poproseso na order mo so, gagawin mo mag-aantay ka nalang dumating sayo ang order mo.
๐ Para sa oras ng meet-up ikaw ang BOSS nasayo kung kelan mo kukunin order mo, walang mangungulit na seller sayo about sa meet up kasi PAID ka na nga.
๐ Para iwas BOGUS BUYER. Kung maraming loko-lokong seller, mas maraming loko-lokong buyer. Aminin nyo yan. Sa status ko, marami ako proofs na siguradong makakarating ng buo ang order mo. So wag puro husga na porket Payment First manloloko na.
Kung nag-iingat kayo mas nag-iingat rin kaming mga legit seller kasi hindi po namin pinupulot mga pinuhunan namin in the first place, hindi rin naman din kalakihan tinutubo namin.
So, kung ikaw na buyer mag-iinquire/mag-oorder na hindi sigurado, na walang oras, pambayad, o tiwala sa online seller, HUWAG na po kayo mag-pm.
We are doing clean business here and we only invest our time for those people who invest their trust on us.
ctto โจ