10/11/2023
𝐏𝐚𝐠𝐭𝐮𝐭𝐮𝐨𝐬 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐰𝐚𝐰𝐚𝐠𝐢
Go Dilaw! Go P**a! Go Asul! Go Berde! Rinig na rinig ang sigawan at hiyawan ng mga bawat pangkat habang sinusuportahan nila ang kani-kanilang kalahok sa bawat laro.
Makikita talaga na pinaghandaan ng bawat koponan ang mga palaro na sinalihan dahil dikit lagi ang mga puntos na naging dahilan upang lalong lumakas ang mga sigawan sa loob ng court.
Tunay ngang ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan sa pinapakita ng bawat isa na paglaban para sa tagumpay na kanilang ninanais.
Halatang hindi nagpapatinag ang bawat pangkat sa mga palaro dahil dikit-dikit ang mga puntos ng bawat koponan. Nagtapos ang mga palaro sa unang araw na ang kulay berde ay may 51 na puntos, kulay dilaw na may 50 na puntos, habang ang kulay asul naman ay mayroong 44 na puntos, at humahabol ang kulay p**a na may 36 na puntos.
Totoo nga ang katagang sinasabi ng Monicans na, "Basta Monicans, Magaling Yan!", dahil ipinakita ng mga Monicans ang galing nila sa bawat isports at ipinakita din nila ang tinatawag na sportsmanship.
Sa pagpapatuloy ng tagisan ng bawat grupo ngayong araw, patuloy rin ang pagpapakita ng kasiyahan, pagmamalasakit, at pagtutulungan patungo sa pagkamit ng nais ng lahat—ang kampeonato!
✍️ Joseph Andrei Bustos
📷 Kyle Inniego Roman