03/10/2023
REST IN PEACE 😢
Akala ng maraming tao na kapag sila ay namatay ay tapos na ang lahat.
Akala nila na makakapahinga na sila kaya sa kanilang libingan may nakasulat na RIP o Rest In Peace! 🤔
Actually, hindi ka talaga maka rest in peace kung doon ka naman mapunta sa impyerno. Kasi ang katawan lang natin ang namamatay pero ang ating kaluluwa ay haharap sa Dios upang hatulan. Ayon sa Hebrews 9:27 "Itinakda sa mga tao na sila'y minsang mamamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom."
Kaya nga habang nabubuhay pa tayo tiyakin natin na mayroon tayong kaligtasan. Sa anong paraan???
✅ Pagsisihan ang iyong mga kasalanan at mamuhay araw araw na ayon sa kalooban ng Dios. "Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.
(1 Juan 1:9)
✅ Tanggapin natin ang ating Panginoong Jesus na Panginoon at tagapagligtas sa buhay mo. Upang kung sakali dumating na sa atin ang kamatayan ay handa tayo. At hindi tayo matatakot mamatay dahil alam natin na lilipat lang tayo ng tirahan doon sa Langit.
Ngunit kung mamatay ka na wala sa buhay mo si Jesus sigurado na ang pupuntahan mo ay sa impyerno!
Oo binayaran ni Jesus ang ating kasalanan doon sa Krus. "But God demonstrates his own love for us in this: While we were still sinners, Christ died for us."(Romans 5:8 NIV) Ngunit kailangan natin Siyang tanggapin sa buhay natin. Dahil Siya ang binigay ng Dios sa atin na regalo para sa ating kaligtasan ayon sa John 3:16
Pero kung hindi mo tatanggapin ang regalo hindi mo rin makamit ang kaligtasan. Sapagkat ang kaligtasan ay sa pamamagitan lang sa ating pananampalataya sa ating Panginoong Jesus. (read Ephesian 2:8-9)
Kailangan nating tiyakin na mayruon talaga tayong totoong pananampalataya. 😥 Dahil hindi lahat na tumatawag sa KANYA na "Panginoon", "Panginoon", ay mapupunta sa langit, kundi yung sumusunod lang sa kalooban ng kanyang Ama na nasa langit.