03/06/2023
“𝗕𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴𝗼𝗻 𝗠𝘂𝗹𝗶, 𝗠𝗮𝗿𝗮𝘄𝗶 𝗖𝗶𝘁𝘆”
“𝘋𝘪 𝘢𝘬𝘰 𝘬𝘢𝘥𝘢𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘴𝘢𝘳𝘪𝘨 𝘢 𝘢𝘥𝘦𝘯 𝘢 𝘰𝘳𝘢𝘴 𝘢 𝘵𝘢𝘳𝘰𝘵𝘰𝘱 𝘢 𝘬𝘢𝘮𝘣𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘵𝘢𝘯𝘰 𝘴𝘰 𝘪𝘯𝘨𝘦𝘥 𝘵𝘢𝘯𝘰.”
Kilalanin si Ina Samba, isang Meranao senior citizen at Marawi Siege survivor.
Isa si Ina Samba sa mga naglakad mula sa kanilang tahanan palabas ng Marawi City sa pag-asang makatakas sa delubyong naghihintay sa kanilang bayan. Kasama rin siya sa mga residente ng Lilod Madaya na naging biktima sa digmaang sumalanta sa kanilang dating mapayapang lugar.
Sa gitna ng takot at kaguluhan, naglakad siya at ang kaniyang tatlong apo ng may tapang at determinasyon. Kumukuha siya ng lakas sa bawat hakbang mula sa pagsisikap na mailikas niya ang kaniyang mga apo patungong Ramain.
Ngayon, nakikitira si lola sa mga kamag-anak, isang pansamantalang tahanan na nagbibigay sa kanya ng kaligtasan at kalinga. Kahit na nasa kaunting espasyo na lamang siya, hindi nawawala ang kanyang pag-asa na babangon pa siya at ang Marawi sa mga abo ng digmaan.
Sa kanyang puso ay nananatiling malakas ang pag-asa at pananalig sa katatagan ng kanilang kultura at komunidad. Sa bawat hinga, sinasalamin niya ang tatag at determinasyon ng mga Meranao, na hindi mawawala kahit saan man sila mapunta. Ang kanyang mga mata'y puno ng mga pangarap, at ang kanyang mga kamay ay hindi magsasawang magsikap upang makabangon muli.
-Wakas-
Bilang komemorasyon sa Marawi Week of Peace, narito ang mga nakolektang kwentong kalilintad at pagbangon ng mga kapatid nating Marawi Siege survivors.
Ikaw, may kwentong kalilintad ka bang nais mong ibahagi sa iba? Mag-iwan lamang ng mensahe sa aming page.
𝙁𝙤𝙡𝙡𝙤𝙬 𝙪𝙨 𝙛𝙤𝙧 𝙢𝙤𝙧𝙚 𝙪𝙥𝙙𝙖𝙩𝙚𝙨:
𝙁𝙖𝙘𝙚𝙗𝙤𝙤𝙠: @𝙈𝙅𝙤𝙪𝙧𝙣𝙖𝙡
𝙄𝙣𝙨𝙩𝙖𝙜𝙧𝙖𝙢:
𝙏𝙬𝙞𝙩𝙩𝙚𝙧: @𝙈𝙅𝙤𝙪𝙧𝙣𝙖𝙡2021
𝙔𝙤𝙪𝙩𝙪𝙗𝙚: 𝙈𝙅𝙤𝙪𝙧𝙣𝙖𝙡 𝘾𝙝𝙖𝙣𝙣𝙚𝙡