
03/02/2025
Tulad ng Squid Game, ito naman ang kina-adikan naming series nung 2000s. After school, nagmamadali na kaming umuwi para maabutan namin yung palabas. Wala pa kasing smartphones nuon kaya di pwedeng balikan kung na-skip namin yung palabas sa araw na yun. Magsisisi ka talaga kapag di ka naka-abot. Aabangan mo talaga yung “ABANGAN”. Nuon hanggang tanaw na lang kami sa mga posters dahil di namin afford bumili. Mayroon ding pictures na kung tawagin ngayon ay photocard kaso di din namin afford nuon ang bumili ng maramihan. Yung mga taong nakapanuod niyan ay minsan ng nangarap na makita sila sa Taiwan. May iba may pictures pa sa mismong school ng F4 at Sanchai. Kaya huwag na kayong magtaka kung marami ang nagulat sa pagkamatay ni Barbie Hsu aka Sanchai dahil parte siya ng masaya naming kabataan.