CARE FM Network

CARE FM Network The Station that CARES! 102.5 Care FM-San Jose. Text line numbers
Smart: 0919-007-6808

24/01/2025

TINIG NG LALAWIGAN l JAN. 24, 2025
11:00AM-12:00NN MONDAY-FRIDAY
Host: ELY ALMONIA

23/01/2025

PULSO AKSYON BALITA
JANUARY 24, 2025
Anchored by: Mariboy A. Ysibido

DISCLAIMER: We hereby declare that we do not own the rights to this music/song. All rights belong to the owner. No Copyright Infringement Intended.

๐—š๐—ข๐—ฉ ๐—š๐—”๐——๐—œ๐—”๐—ก๐—ข, ๐—ก๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—œ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—œ ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—˜๐—Ÿ ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—š๐—จ๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ง๐—˜๐—ž๐—ง๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ช๐—˜๐—ฆ๐—ง ๐—ฃ๐—›๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—˜ ๐—ฆ๐—˜๐—”Naniniwala si Governor Eduardo G...
23/01/2025

๐—š๐—ข๐—ฉ ๐—š๐—”๐——๐—œ๐—”๐—ก๐—ข, ๐—ก๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—œ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—œ ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—˜๐—Ÿ ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—š๐—จ๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ง๐—˜๐—ž๐—ง๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ช๐—˜๐—ฆ๐—ง ๐—ฃ๐—›๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—˜ ๐—ฆ๐—˜๐—”

Naniniwala si Governor Eduardo Gadiano na hindi lamang dapat iasa sa national government ang pangangalaga at proteksyon ng West Philippine Sea. Bagama't usaping pang-internasyonal at pambansang ahensiya ang direktang umaaksyon sa mga isyung may kaugnayan sa teritoryong ito, binigyang-diin ng gobernador na malaki rin ang papel ng Local Government Units (LGUs) sa pagtulong upang mapanatili ang kaligtasan at kasaganaan ng naturang bahagi ng dagat.
Ayon kay Gadiano, bukod sa usapin ng soberanya at pagkakakilanlan, mahalaga rin ang proteksyon sa West Philippine Sea para sa kabuhayan at pagkain, lalo naโ€™t bahagi ito ng economic zone ng bansa. Dagdag pa niya, dapat maging aktibo ang mga organized groups ng mangingisda, Aquatic Resources Management Councils, at mga mamamayan sa pagbuo ng plano at pagkilos para maprotektahan ang yamang dagat.

Binuksan din ng gobernador ang posibilidad ng pagbuo ng isang konseho na tututok sa mga isyu at usapin sa West Philippine Sea. Ang konsehong ito ay maglalatag ng mga plano, magsusumite ng rekomendasyon, at gagawa ng mga polisiya na parehong poprotekta sa teritoryo at sa mga mangingisda mula sa anumang banta.

Nagbigay ng naturang pahayag si Gov. Gadiano sa 7th West Philippine Sea Provincial Caravan na ginanap noong Martes, Enero 21, sa Occidental Mindoro. Dumalo rito ang iba't ibang sektor at ahensya ng pamahalaan, kabilang ang mga kinatawan mula sa Occidental Mindoro State College, Tanggol Kalikasan, at si DILG Undersecretary for Peace and Order Nestor Sanares bilang panauhing pandangal.
Hinikayat ni Gadiano ang patuloy na pagkakaisa ng lahat ng sektor upang mapanatili ang proteksyon sa yamang dagat ng bansa at maipaglaban ang karapatan sa West Philippine Sea.

23/01/2025

PASADA EXPRESS BALITA | JANUARY 23, 2025
Anchor: Mark Christofferson Delos Reyes
Monday- Friday | 12:00- 1:00PM

Mga kagat ng hayop gaya ng a*o, pusa at iba pa at ang panganib na dala ng rabies PAG- USAPAN NATIN ngayong Sabado alas 1...
23/01/2025

Mga kagat ng hayop gaya ng a*o, pusa at iba pa at ang panganib na dala ng rabies PAG- USAPAN NATIN ngayong Sabado alas 11:00 ng umaga kasama si Ms. LorelieJoy Gonzales ng Animal Bite Treatment Center San Jose Public Health and Diagnostic Center dito sa CARE FM Network.

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—”๐—ก ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ก | ๐—๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿฏ, ๐Ÿญ๐Ÿด๐Ÿต๐ŸตBalikan natin ang makasaysayang araw noong January 23, 1899, kung kailan opisyal na nait...
23/01/2025

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ž๐—”๐—ก ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ก | ๐—๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ฎ๐—ฟ๐˜† ๐Ÿฎ๐Ÿฏ, ๐Ÿญ๐Ÿด๐Ÿต๐Ÿต

Balikan natin ang makasaysayang araw noong January 23, 1899, kung kailan opisyal na naitatag ang First Philippine Republic sa Malolos, Bulacan! ๐ŸŽ‰

Ang tinaguriang Malolos Republic ang kauna-unahang independent democratic republic sa Asia. ๐Ÿ—ณ๏ธ Sa pangunguna ni President Emilio Aguinaldo, ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang tapang at pagmamahal sa bayan upang makamit ang kalayaan at sariling pamamahala. ๐Ÿ’ช๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

โœจ Alam mo ba? Ang Malolos Constitution, na ginawa noong panahong ito, ay isa sa mga pinaka-progresibong konstitusyon noon, na nagbigay-diin sa karapatang pantao at demokratikong prinsipyo. ๐Ÿ“œ

Isang mahalagang paalala ito ng ating pagiging makabayan at pagkakaisa. Kaya, sama-sama nating ipagdiwang ang makasaysayang araw na ito! โค๏ธ๐Ÿ’™๐Ÿ’›

22/01/2025

PULSO AKSYON BALITA
JANUARY 23, 2025
Anchored by: Mariboy A. Ysibido

DISCLAIMER: We hereby declare that we do not own the rights to this music/song. All rights belong to the owner. No Copyright Infringement Intended

HAPPENING NOW | Committee Hearing ng Sangguniang Bayan ng San Jose kaugnay ng usapin hinggil sa PRIMEWATER sa Session Ha...
22/01/2025

HAPPENING NOW | Committee Hearing ng Sangguniang Bayan ng San Jose kaugnay ng usapin hinggil sa PRIMEWATER sa Session Hall ng Sangguniang Bayan, San Jose, Occidental Mindoro. | Care FM News

๐—•๐—™๐—”๐—ฅ ๐— ๐—œ๐— ๐—”๐—ฅ๐—ข๐—ฃ๐—”, ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ช๐—”๐—Ÿ ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—”๐—š ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฅ๐—”๐—š๐—”๐—ง๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฅ๐—ข๐—ญ๐—จ๐—Ÿ ๐—ฅ๐—˜๐—˜๐—™ ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—จ๐—˜๐—ฅ๐—ง๐—ข ๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—–๐—˜๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—” ๐——๐—ฅ๐—ข๐—ฃ ๐—ญ๐—ข๐—ก๐—˜ ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—ฃ๐—”๐—–๐—˜ ๐—ฅ๐—ข๐—–๐—ž๐—˜๐—ง ๐—ก๐—š ...
22/01/2025

๐—•๐—™๐—”๐—ฅ ๐— ๐—œ๐— ๐—”๐—ฅ๐—ข๐—ฃ๐—”, ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—•๐—”๐—ช๐—”๐—Ÿ ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—”๐—š ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฅ๐—”๐—š๐—”๐—ง๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฅ๐—ข๐—ญ๐—จ๐—Ÿ ๐—ฅ๐—˜๐—˜๐—™ ๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—จ๐—˜๐—ฅ๐—ง๐—ข ๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—–๐—˜๐—ฆ๐—” ๐—ก๐—” ๐——๐—ฅ๐—ข๐—ฃ ๐—ญ๐—ข๐—ก๐—˜ ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—ฃ๐—”๐—–๐—˜ ๐—ฅ๐—ข๐—–๐—ž๐—˜๐—ง ๐—ก๐—š ๐—–๐—›๐—œ๐—ก๐—”

Pansamantalang ipinagbabawal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) MIMAROPA ang paglalayag sa karagatan ng Rozul Reef at Puerto Princesa, Palawan mula Enero 25 hanggang Enero 27 ngayong taon. Ang naturang hakbang ay kaugnay ng paglipad ng Long March 8A space rocket ng China, kung saan ang mga nasabing lugar ay tinukoy bilang drop zone ng mga debris ng rocket.
Ayon sa pahayag ng BFAR nitong Lunes, ang babala ay inilabas upang bigyang proteksyon ang mga mangingisda, pumapalaot, at mga sasakyang-dagat na maaaring maapektuhan ng pagbagsak ng rocket debris. Posible itong magdulot ng pinsala o panganib sa sinumang mapapadaan sa naturang lugar.
Mga Drop Zone
Base sa mga natukoy na lugar, ang mga debris ng Long March 8A rocket ay inaasahang babagsak sa:
โ€ข 14 nautical miles mula sa Rozul Reef;
โ€ข 34 nautical miles mula sa Puerto Princesa, Palawan;
โ€ข 39 nautical miles mula sa Hadji Muhtamad, Basilan.
Ang rocket ay magmumula sa Wenchang Spacecraft Launch Site sa Wenchang, Hainan, China.
Paalala ng BFAR
Binigyang-diin ng BFAR ang kahalagahan ng pag-iwas sa anumang debris na posibleng makita sa karagatan. Paalala ng ahensya, huwag lapitan o kunin ang anumang lumulutang na bahagi ng rocket, dahil posibleng ito ay naglalaman ng nakalala*ong kemikal. Agad itong ipagbigay-alam sa pinakamalapit na otoridad para sa tamang aksyon.
Hinimok rin ng BFAR ang mga mangingisda at iba pang residente sa rehiyon na iwasan ang pagpunta sa mga nabanggit na lugar upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

SOURCE | https://www.facebook.com/share/p/1522r1dTF5/

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—จ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—™๐—œ๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—ค๐—จ๐—”๐—— ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—–๐—ข๐—ฅ๐—ฅ๐—จ๐—ฃ๐—ง ๐—ก๐—” ๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—”๐—Ÿ, ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐— ๐—”๐—ฅ๐—”Isinusulong ngayon sa House of Representative...
22/01/2025

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—จ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—™๐—œ๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—ค๐—จ๐—”๐—— ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—–๐—ข๐—ฅ๐—ฅ๐—จ๐—ฃ๐—ง ๐—ก๐—” ๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—”๐—Ÿ, ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐— ๐—”๐—ฅ๐—”

Isinusulong ngayon sa House of Representatives ang panukalang batas na nagpapataw ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad para sa mga opisyal ng gobyerno na mapatutunayang sangkot sa malakihang korapsyon.

Inihain ni Zamboanga Rep. Khymer Ola*o ang House Bill 11211 o ang Death Penalty for Corruption Act, na layuning tapusin ang matagal nang problema ng katiwalian sa bansa.

Ayon sa panukala, sakop nito ang lahat ng public officials, elected man o appointed, kabilang ang mga nasa tatlong sangay ng gobyernoโ€”executive, legislative, at judicial, pati na rin ang mga miyembro ng AFP at PNP, at mga opisyal ng government-owned and controlled corporations.

Nakasaad sa panukala na ang mga opisyal na mapapatunayang guilty sa mga ka*ong graft, malversation of public funds, at plunder ay maaring patawan ng death penalty. Ang mga ka*ong ito ay partikular na tumutukoy sa:

-Graft: Pag-abuso sa kapangyarihan na nagdudulot ng pinsala sa gobyerno;
-Malversation of public funds: Hindi wastong paggamit ng pondo ng bayan;
-Plunder: Pagkakamal ng hindi bababa sa P50 milyong pondo mula sa kaban ng bayan.
Mahigpit na proseso bago ang parusang firing squad
Upang matiyak na patas ang proseso, ang firing squad ay ipapatupad lamang kung:

1. Napagtibay na ng Korte Suprema ang hatol sa akusado;
2. Dumaan na ang ka*o sa mandatory automatic review process alinsunod sa Saligang Batas; at
3. Naubos na ng akusado ang lahat ng legal na remedyo, kabilang ang apela at reconsideration.
Ayon kay Rep. Ola*o, mahalagang siguruhin na "walang inosenteng mapaparusahan" at ang parusa ay ipapataw lamang sa mga talagang napatunayang nagkasala.

Bagong hakbang laban sa katiwalian
Naniniwala si Ola*o na ang panukala ay magsisilbing babala sa mga public officials na patuloy na inaabuso ang kanilang kapangyarihan. โ€œOras na para tapusin ang kultura ng korapsyon sa bansa. Dapat managot ang mga nagkasala, at ang firing squad ay magsisilbing matinding deterrent,โ€ dagdag niya.

Sa kasalukuyan, ang panukala ay naghihintay pa ng deliberasyon sa Kamara at inaasahang haharap sa masusing pagsusuri.

Address

Magsaysay Street, Brgy. Pag-Asa
San Jose
5100

Opening Hours

Monday 6am - 6pm
Tuesday 6am - 6pm
Wednesday 6am - 6pm
Thursday 6am - 6pm
Friday 6am - 6pm
Saturday 6am - 6pm
Sunday 6am - 6pm

Telephone

+639190076808

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CARE FM Network posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to CARE FM Network:

Videos

Share