16/01/2025
"SIYA BA AY ASAWA MO O ALIPIN NG BAHAY?"
Ang daming misis ang hirap na hirap, pero tila hindi napapansin. Para sa maraming mister, ang tingin nila sa asawa nila: tagaluto, tagalinis, tagapangalaga ng mga bata, at tagapuno ng lahat ng pagkukulang sa bahay. Pero, paano naman siya?
Kapag nagkasakit ang anak, pabaya raw siyang ina.
Kapag kinapos ang budget, hindi raw marunong humawak ng pera.
Kapag siya ang napagod, tamad daw.
Kapag nilalabas ang emosyon, arte lang.
Mister, tanungin mo ang sarili mo: asawa mo ba siya o alipin ng inyong tahanan?
Tandaan mo:
Hindi siya katulong na laging utusan.
Hindi siya "asa sa sahod" na walang ambag
Hindi siya robot na walang pagod o damdamin.
Siya ang katuwang mo sa buhay-hindi lang sa hirap kundi pati sa ginhawa. Kung ikaw ay napapagod, napapagod din siya. Kung ikaw ay may mga responsibilidad, doble ang sa kanya. Pero kahit ganoon, madalas, ang misis pa rin ang hindi naiintindihan, hindi napapasalamatan, at hindi nabibigyan ng halaga.
Kung mahal mo siya, ipakita mo:
Iparamdam mong partner mo siya, hindi empleyado.
Kilalanin ang mga sakripisyo niya, kahit walang kapalit.
Bigyan siya ng respeto at suporta, higit sa kahit ano.
"Siya ang ilaw ng inyong tahanan, hindi ang alipin ng inyong bahay. Siya ang katuwang mo, hindi ang tagasalo ng lahat ng bigat sa buhay."
Mahalaga siya. Ngayon pa lang, iparamdam mo na.
ππsending hugs mga ka nanay