๐๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ๐๐ ๐ ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ค๐จ๐ฉ ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ฎ๐จ๐ญ๐๐ง'
Huwag ka sanang mahihiyang magsuot ng mahabang tela,
Sa tuwing ikaw'y magtutungo sa dako kung saan ka sasamba.
Huwag mo sanang pansinin ang mga mapanuyang mga salita,
Hindi sila ang binibigyang papuri,kundi ang Diyos na lumikha.
Huwag mo sanang isipin na hindi ito maganda,
Dahil magkaiba ang paningin ng Diyos, sa kung anong nakikita ng kanilang mga mata.
Ni huwag kang maiinis o kakitaan ng lukot ang iyong mukha,
Magalak ka't sa angkop na kasuotan ang Ama ay natutuwa.
Lagi mong tanawin ang laging gusto ng Diyos,
Magtanggi ka ng sarili upang maging karapatdapat sa pagsunod.
Huwag kang padadaig,sa maraming mga pag-uusig,
Maganda ka sa paningin,kung kasuotan mo'y angkop na ititindig.
At kung pagtawanan ka man ng taga sanlibutan,
Dahil sa kasuotang,di nila maunawaan.
Tandaang walang dapat ipaliwanag sa harapan nila,
Sa Diyos ka bumibihis,angkop sa kabanalan lagi na.
Maaring nakakabibighani sa iba, ang kagandahan ng mukha,
Lubhang nakakaakit ang pisikal na sukat ng katawan.
Ngunit walang tutumbas sa may malinis na puso't hangarin.
Sa Diyos lamang sasamba,Siya lamang ang pupurihin!
Lubha ngang mahalaga ang banal na kasuotan,
Ang angkop na haba ng tela at laylayan.
Ngunit tandaang puso parin ang Kaniyang tinitignan,
Sa lingkod na ang kasiyahan,ay ang pagsunod sa Kaniyang kalooban.
๐๐คโค๏ธ
Cristina Lupais
Laban lang... Wag kang susuko... Habang hindi ka sinusukuan ng Ama, mayroon pang pag-asa...
#INC #PUSO #poetry #Godisgood #ThyWillBeDone
#INC #ConvertStory #PAGPAPALAGANAP