25/11/2020
Paano nga ba natin maiiwasan ang phishing? Pero teka alam niyo na ba kung ano ang ibig sabihin ng phishing?
Ano nga ba ang Phishing?
Ang Phishing ay isang pamamaraan upang linlangin ang mga gumagamit ng computer at iba pang mga devices online para makuha ang mga personal o financial information ng mga ito. Ang isang karaniwang online phishing scam ay nagsisimula sa isang message sa e-mail, text messages at sa iba pang social media flatforms na aakalain mong nagmula sa isang legit na company or institution pero ire-redirect ka sa website na kung saan ay may access ang mga hackers at makukua nila ang iyong mga importanteng impormasyon online.
Kadalasang nabibiktima nito ay ang mga may credit card account at ginagamit ang kaninang account sa mga fraudulent activities.
Kung nais niyong malaman ang iba pang detalye tungkol sa Phishing ay abangan niyo ang aking video na iu-upload sa mga susunod na araw.