05/10/2020
Happy Teachers' Day po sa lahat ng mga magigiting g**o. Alam po namin na hindi madali magturo dahil iba't iba ang uri ng estudyante. Salamat sa pasensya at pag-gabay, pati narin sa pagpapasulat sa amin ng apology letter (yung letter na paulit ulit, isusulat mo "hindi na po ako mag-iingay dahil nilista ka ng kaklase mo, tapos 5 or more pages intermediate/yellow pad paper.) 😁😁😁
Maraming salamat din sa mga time na nagagalit kayo sa amin at sasabihin niyo na "sige magingay lang kayo" (yun yung time na tatahimik kami) 😅😅😅
Pero kidding aside, maraming maraming salamat sa pagiging aming pangalawang magulang/guardian kahit yung iba ay binata o dalaga pa nagkaroon na kayo ng anak o minsan naman ay tropa.
Maraming salamat sa mga aral na inyong ibinahagi sa amin maging sa loob man po yan o sa labas ng paaralan na kadalasan ay nadadala namin hanggang sa aming pagtanda.
Nagtatrabaho (hindi ako sig**o kung ito ang tamang salita kasi higit pa sa pagtatrabaho ang inyong ginagawa) kayo ng higit sa binabayad sainyo. Maraming maraming salamat po! All respect and gratitude to all the teachera put there. God bless po! Always stay safe and healthy! ❤❤❤