11/07/2024
Mas mahalin mo dapat si Misis kapag may anak na kayo..
Ito kase yung Stage ng buhay ng kababaihan, na magbabago lahat sa kanya. Mula sa katawan sa hormones, sa lifestyle nya, sa buong pagkatao niya.
Kapag ang isang babae ay nanganak nandyan yung maaawa siya sa sarili niya titingin siya sa salamin at halos hindi na niya makilala ang repleksyon sa harapan niya,
malaking puson, maitim na batok, malaking braso at lawlaw na balat at mula manganak din siya dumoble ang pagod niya,
at bilang Asawa wag naman sana tayong maghanap ng iba kapag si Misis ay nagbago na isipin mo ung hirap na pinagdadaanan niya mula sa pagdadalang tao, sa pagsilang at pag aalaga.
Wag kang maging selfish, ang ibang lalaki kase tumitingin na sa iba dahil feeling nila hindi na maganda misis nila. Napaka unfair naman non diba mahalin natin si misis ng higit pa 🖤
(c)