![๐๐๐๐๐ง๐ | ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ต๐พ๐๐ฎ๐ธ๐ฒ ๐ฑ๐ฟ๐ถ๐น๐น, ๐ถ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฉ๐๐ฆUpang maging handa sa posibleng lindol na maganap, nagsagawa ang La Verdad Chr...](https://img5.medioq.com/454/151/122132878514541515.jpg)
15/01/2025
๐๐๐๐๐ง๐ | ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ต๐พ๐๐ฎ๐ธ๐ฒ ๐ฑ๐ฟ๐ถ๐น๐น, ๐ถ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฉ๐๐ฆ
Upang maging handa sa posibleng lindol na maganap, nagsagawa ang La Verdad Christian School (LVCS) ng isang malawakang earthquake drill sa mga mag-aaral nito, kabilang na ang mga g**o, kahapon, ika-14 ng Enero ng kasalukuyang taon.
Ayon kay Dr. Sharene Labung, punong-g**o at administrator ng paaralan, nagpapasalamat siya na matagumpay na naisagawa ang naganap na earthquake drill sa loob ng school campus.
โAng earthquake, unpredictable โyanโโdi natin alam kung ano at kailan mangyayari. Kaya itong earthquake drill na ito ay paghahanda sa atin,โ ani Dr. Labung.
Kalakip nito ay iginiit naman ni Lloyd Yamson, isa sa mga estudyante ng LVCS, na nagagalak siya sa pagkakaroon ng ganitong paghahanda sa lindol.
โYung mga estudyante ay napakamasunurin tapos makikita yung eagerness na gusto nila matutunan kung paano maisagawa yung earthquake drill,โ saad ni Yamson.
Aniya, makatutulong din ito sa seguridad at kahandaan ng mga tao, lalo na ng mga mag-aaral dahil sila ay mga bata pa.
Sa kabuuan, inaasahang magkakaroon ng sapat na paghahanda at kaalaman ang mga mag-aaral at maging ang mga g**o sa mga โdi inaasahang mga kalamidad tulad ng lindol.
Isinulat ni: Krizel Jasmine Santiago
Pag-aanyo ni: Allen Jareld Santos