02/01/2024
Mga Taga-Efeso 4:2 Kayo'y maging mapagpakumbabá, mahinahon at matiyaga. Magmahalan kayo at magpasensiya sa isa't isa.
Mga Taga-Efeso 4:3 Sikapin ninyong mapanatili ang pagkakaisa na kaloob ng Espiritu, sa pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod sa inyo.
Mga Taga-Efeso 4:4 May iisang katawan at iisang Espiritu, tulad ng may iisang pag-asa nang kayo'y tawagin ng Diyos.
Mga Taga-Efeso 4:5 Tayo'y may iisang Panginoon, iisang pananampalataya at iisang bautismo,
Mga Taga-Efeso 4:6 iisang Diyos at Ama nating lahat. Siya ay higit sa lahat, kumikilos sa lahat, at nananatili sa lahat.