05/12/2023
"Tula para sa aking kaibigan"
Nagsimula sa di pagpansinan
Na napunta sa kwentuhan
Ang simpleng ngitian,
Napunta sa pagkakaibigan.
Isang simpleng taong,
Naging kaibigan.
Bunga ng nabuong samahan.
Na punong-puno ng kaligayahan.
At tinitiyak na ito'y pagkakaibigang walang hanggan.
Isang taong di mo sukat akalain.
Na magiging kasangga mo sa buhay na iyong tatahakin.
Taong ika'y iintindihin at mamahalin,
At sa mga kasalanan mo ika'y patatawarin.
Taong asahan mo sa oras ng kalungkutan,
Di ka mag-iisa't pababayaan.
Bagkus yayakapin ka at dadamayan,
At gagawin ang lahat upang gumaan iyong p**iramdam.
Ako'y labis na nagpapasalamat sa Barkads
Pagka't ako'y nakatanggap ng isang dakilang pagpapala.
Dahil sa taong nung una ay hindi magkakilala.
Ngunit ngayo'y parang tunay na magkapatid turingan sa isa't isa
At puso ko'y napuno ng galak at sigla,
Kaya ako'y nag pasasalamat dahil andyan ka.
Ginawa mong pagtawa aking pagluha
Pinalitan mo ng galak ang kalungkutang nadarama.
Salamat aking minamahal na kaibigan.
Tayo may nagkalayo't naghiwalay
Ngunit akoy palaging nag-aasam nag hihintay Hanggang sa tayo'y muling magkasabay
Aking mga mahal na kaibigan.
BARKADS💖
Sana my true friend ako na ganito 😔♥️