07/02/2024
May isang paligsahan sa isang probinsya na kung saan ang mga binatilyo ay mag-uunahan sa pagpanhik sa isang napakatarik at mabatong burol. kauna-unahang paligsahan ito dahil wala pang nakakaakyat sa tutok ng burol na yun.
marami ang sumaling kontestant dahil napakalaki ng premyong inilaan dun. dumagsa ang mga manonood para mag-cheer at makisigaw pero halos lahat sila ay naniniwalang walang makakaakyat sa tutok ng burol kahit ano pa ang kanilang gawin.
"imposilble yan! walang makakaakyat diyan!"
"naku! napakahirap niyan!"
"sigurado akong wala kahit isa diyan ang makakaabot kahit kalahati!"
"napakatarik ng burol at mabato pa! nagsasayang lang sila ng oras!"
"paano nila aakyatin yan ng wala man lang isang gamit?"
"dodoblehin ko pa ang papremyo pag me nakaakyat diyan pero pag wala? sa akin yung premyo ha?"
umpisa na ng paligsahan at isa-isang nagtangka ang mga binatilyo sa pagpanhik pero karamihan sa kanila bumabalentong lang at dumadausdos pababa.
sigawan ang mga manonood
"haha! sabi ko na sa inyo eh, walang makakaakyat diyan!"
"tumigil na kayo! sinasayang nyo lang ang oras nyo!"
marami ang napagod at sumuko na, maliban kay Juan na halos nasa kalagitnaan na
"aba! ang tiyaga nung isa, tignan nyo mamaya lang dadausdos din yan!"
"hoy! wag ka nang magpatuloy! mataas ang babagsakan mo!"
pero sa pagpupunyagi at tiyaga ni Juan ay narating nito ang tuktok ng burol
lahat ng mga binatilyong sumali at mga manonood ay nais alamin kung saan nakuha ni Juan ang lakas at tiyaga para manalo sa paligsahang yun
alam nyo kung bakit?
*
*
*
*
*
si Juan ay bingi!
kaya wag nyong papakinggan ang mga negatibong salita ng ibang tao na nakakasira ng loob sa pag-abot ng inyong mga pangarap sa buhay dahil lahat ng maririnig mo ay makakaapekto sa iyong desisyon na ipagpatuloy ang minimithi mo. magbingi-bingihan kapag sinasabi sa 'yo ng kapwa mo na di mo kayang abutin ang mga pangarap mo!
"always be positive, always think about God!"