24/05/2024
LDR: Paano ba iha-handle ang ganitong sitwasyon?
Nauuso ang long distance relationship ngayon. Madalas na napapasok sa ganitong sitwasyon, ay ang magkarelasyon na yung isa, nagma-migrate sa ibang bansa, at yung isa, naiiwan sa sariling bansa kaya ang ending, LDR sila. Yung iba naman, nag aaral kasi ang isa sa university sa ibang lugar, ay yung isa naman naiiwan sa sariling probinsiya.
Mahirap pagtibayin ang isang relasyon na hindi natin alam kung ano ang patutunguhan, pero madali lang naman pumasok sa isang LDR kung pareho namang handang maghintay ang dalawang taong nagmamahala. Paano ba maging handa?
Tanggapin na ito na ang magiging setting niyong dalawa.
Huwag mangako sa isaโt isa, dahil hindi naman lahat ng pangako ay natutupad, minsan nga, walang pangako ang natutupad.
Matutunan ang salitang tiwala, at kung paano ito pagaganahin sa isang relasyon. Kung โdi niyo kayang magtiwala, huwag na kayo pumasok sa LDR. Mahirap na, baka breakup lang ang ending.
Siguraduhing magkakaroon kayo ng komunikasyon sa isaโt isa, at hindi mawawala ito hanggaโt sa muli kayong magkita. Hindi kasi nagtatagal ang LDR kung wala rin namang komunikasyon ang magkarelasyon.
Siguraduhing maghihintay kayo sa isaโt isa.
At kung handa na nga kayong dalawa, paano naman tatagal sa isang LDR? Madali lang.
Put God at the center of your relationship.
Magtiwala.
Magkaroon ng komunikasyon.
Kapag nag aaway, ayusin agad at huwag na patagalin.
Huwag dapat sirain ang tiwala ng isa, once na sira na ang tiwala, hindi na ito maibabalik sa dati.
Huwag magloko. Kahit na malayo kayo sa isaโt isa, dapat maging seryoso pa rin kayo sa relayon niyo.
Learn to be patient. Hindi sa lahat ng oras, ikaw ang dapat niyang unahin.
Maging sweet. Ipakita na mahal na mahal niyo ang isaโt isa.
Madaling basahin, mahirap gawin. Pero kung mahal niyo naman talaga ang isaโt isa, kayang kaya niyong gawin ang mga nabanggit, at kayang kaya niyong magtagal sa isang long distance relationship.โค๏ธ๐๐ฅฐ๐ซถ๐โ๏ธ