Papa MAC

Papa MAC Telegram:
(5)

26/01/2025

ikaw na bahala

26/01/2025

Kiniskis ko yung brochure ng AVON sa leeg ko.
sabay tanong nung nakasalubong ko, ano daw ang pabango ko?

SABI KO PAGE 15.

25/01/2025

Tara shout out ko po kayong lahat

“Successful people are those who never give up no matter how many times they failed.” ☝️
24/01/2025

“Successful people are those who never give up no matter how many times they failed.” ☝️

24/01/2025

Mainit kase sa loob ng bahay

23/01/2025

Ansarap gumising ng maaga. Magwalis ng tuyong dahon sa paligid,
magdilig ng halaman at magtanim ng sama ng loob 🤪

23/01/2025

Tito Ed ang daling kausap

23/01/2025

Hindi sa pagyayabang, bago pa lumabas yang S25 ng Samsung, nakabili na ko ng S26 Gold! 400 grams for 0 to 6 months old infant formula

22/01/2025

Onis ba talaga sa inyo






Disclaimer: For entertainment only

21/01/2025

Alam mo sa totoo lang ayaw naman talaga sana kitang sukuan..
Dahil ang gusto ko sana tuparin yung sinumpaan natin na walang iwanan..
Yung pangako natin sa isa't isa na sabay nating aabutin ang lahat ng ating pangarap.
Gusto ko sanang panindigan yung sinabi ko sayong mahal kita at hindi kita iiwan..

Kaso pinaramdam mo sa akin na wala akong halaga sayo..
binigyan mo ako ng dahilan upang lumayo at bitiwan ka..
Pinaramdam mo sa akin ang sakit na hindi ko naman dapat madama..
Hinayaan kong saktan mo ako ng paulit ulit..
Tiniis ko lahat ng pambabalewala at sakit..
Dahil pinanghawakan ko ang salitang mahal kita..
Kaso isang araw nagising nalang ako na ayoko na pala at handa na akong palayain ka..
At tanging paglayo nalang ang naiisip kong sagot sa sakit ng kalooban na aking nadarama..

Paalam at salamat..

Paalam..
asahan mong hindi nako lilingon at hindi nako babalik pa..
Ikaw ang nagtulak sa akin para layuan na kita..
Hindi mo kasi ako bingyan ng halaga..
Kaya "PAALAM" malaya kana..

Salamat..
Dahil kung hindi mo ko sinaktan ng paulit ulit..
Hindi ko maiisipan na lumayo sayo at palayain ka..
Ngayon sarili ko muna bago ang iba..
Paalam at salamat sa sakit na yung pinadama..

At yun na nga, LAKOMPAKE.

-Papa MAC ☝️

21/01/2025

Bebe Analeng

21/01/2025

Papa MAC ang aga mo

20/01/2025

"SAMPUNG PAYO SA MAG ASAWA"

Madalas bang magkaroon kayo ng pagtatalo?
Normal lang naman yun sa mag asawa.
Pero paano nga ba magiging maayos ang pagsasama kahit na dumating kayo sa maraming problema?

Heto ang ilang Tips para mapanatiling matatag ang inyong pagsasama bilang mag-asawa...

1. PAG GALIT ANG ASAWA MO, WAG MONG SABAYAN
Kailangan isa lang ang galit, kung galit sya hayaan mo sya manahimik ka. Kapag kalmado na tska kayo mag usap at wag matutulog ng magkaaway.

2. SELF CONTROL
Kailangan matuto kang kontrolin ang sarili mo. Hindi pwedeng pag galit ka mananakit ka, magsasalita ng masama o susugod ka.

3. ACCEPTANCE
Tanggpin mo kung ano ang asawa mo, pinili mo yan ginusto mo yan, kung anong pangit tanggapin mo, magtiis ka.

4. Pag may problema, PAG-USAPAN nyong dalawa, ng pamilya, hindi ng kapitbahay, ng kaibigan at lalo na wag niyo ipost sa fb kapag magkagalit kayo. Pag may hindi pagkakasunduan, wag hayaan humantong sa sakitan at hiwalayan.

5. Pag galit sya, marami yang masasabing masasamang salita, WAG MO DIBDIBIN, isipin mo galit lng sya, ang taong galit wala namang yang sasabihing maganda hindi ka nyan pupurihin, galit sya eh. Gawin mo pasok kanan tainga labas sa kaliwang tainga.

6. LAGING YAKAPIN ANG ASAWA AT MGA ANAK
Nakakaluwag daw yan ng dibdib nakakagamot ng sama ng loob, nakakaluwag ng problema.

7. I-APPRECIATE MO ANG ASAWA MO, kung pogi/maganda sya sabihin mo ang pogi/ganda nya, ang bango nya, wag mo pagdudahan na kaya sya nagpapapogi/nagpapaganda dahil sa iba, mas dapat ikaw ang unang maka appreciate nun sa knya.

8. RESPETO
Pinakamahalaga ang respect at tiwala kaysa sa love. Dapat yan ang kahit anong mangyari hindi mawawala sa dalawang nagmamahalan.

9. MAGING KAIBIGAN ANG ASAWA.
Masarap na ang asawa mo mismo ang kabarkada mo.

10. Lakompake….

-Papa MAC ☝️

20/01/2025

Mabilisang shawrawt lets go hanggat walang frutos

20/01/2025

grabiiiii si madiiiirr sakinnnn.

19/01/2025

Bebe Analeng

18/01/2025

Sa mga puyat diyan
Matulog na kayo,
Ako na bahala magbantay sa mundo.🥴

18/01/2025

TANDAAN MO:

Nakakabawas ng pagmamahal kapag nakakatanggap ng masakit na salita, yung tipong mahal ka lang kapag okay kayo, tapos kapag nag aaway halos dimo na kilala pag pinagsalitaan mo..

Siguro yung ibang taong nakakatiis pa kasi nadadala sa sitwasyon ng pamilya, o wala na lang mapuntahan, pero balang araw pag yan nagsawa, baka bigla nalang din yan mawalan ng amor kahit pa sobrang minahal ka nya.

-Papa MAC ☝️

Address


Telephone

+639298649231

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Papa MAC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Papa MAC:

Videos

Shortcuts

  • Address
  • Telephone
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Videos
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share