BODEGANG MAY BIYAYA 💙
Sa dami ng biyayang nakaimbak sa bodega, baka puwedeng ipaabot sa mga nangangailangan ngayong
Pasko
SANA ANG PAGKAIN NA BINILI GAMIT ANG PERA NG TAONG BAYAN AY IPAMIGAY SA TAONG BAYAN!
#SmileTaytay
UPDATE: SMILE BRGY STA ANA AMBULANCE NAKASAGASA NG 5 TAON NA BATA
24 ORAS LINAHAD ANG BUONG DETALYE
AMBULANCE DRIVER NG SMILE TAYTAY BARANGAY STA. ANA NASAGAASAN ANG ISANG 5 TAONG GULANG NA BATA SA LUPANG ARENDA, PATAY!
Isang 5 taong gulang na bata ang dead on the spot matapos masagasaan ng isang rumaragasang Ambulance Vehicle ng Pamahalaang Barangay ng Sta. Ana sa may kalsada ng Ynares Avenue, Purok 2, Lupang Arenda, Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal kaninang 7:00 ng gabi.
Napag-alaman na ang nasabing ambulansya ay walang sakay na pasyente at mabilis ang patakbo ng sasakyan ng driver gamit pa ang wang-wang ng sasakyan.
Ayon sa mga saksing residente, mabilis ang pagharurot ng ambulansyang sasakyan habang papatawid ang batang biktima ng trahedyang ito.
Sa kasalukuyan ay ini-imbestigahan na ng Taytay Municipal Police Station at nakakulong na ang ambulance driver ng Barangay Sta. Ana na suspect mula sa sinapit ng kawawang batang biktima sa nasabing pangyayari.
https://www.facebook.com/share/v/19WzyGt2pu/?mibextid=CTbP7E
SECURITY NG MUNISIPYO NAGNANAKAW SA KAPALARAN ELEMENTARY SCHOOL
SECURITY NG MUNISIPYO NAGNAKAW SA KAPALARAN ELEMENTARY SCHOOL
Huli sa CCTV ng Kapalaran Elementary School ang pagnanakaw ng empleyado ng Taytay Municipal Security Department na inatasan bantayan ito.
Kasalukuyan tinutugis ng PNP ang naturang tauhan ng Munisipyo.
Binabalaan na mag ingat lahat ng magulang ng studyante sa Kapalaran Elementary School.
SAAN AABOT ANG BINAYAD NATIN NA BUWIS SA TAYTAY? PARA MAGING BIDA SI MAYOR ALLAN DE LEON! 😂
GINAMIT PA ANG SIMBAHAN PARA SA KABALASTUGAN!
ELECTION IS COMING ‼️ SANA ALL BIGYAN ‼️
ANO GARAPALAN NA???
SASAKSAKAN SA ADHIKA ST TAYTAY RIZAL
INGAT PO LAHAT 🚨
TINGNAN!
Patay ang isang lalaki sa Blk. 15, Purok 4, Lupang Arenda, Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal sa engkuwentro sa pulisya na sumita sa kanya dahil sa bitbit niyang baril.
Ayon sa imbestigasyon, dati ng nakulong ang suspek dahil sa kasong pagbebenta ng ilegal na droga at possession of illegal firearms.
Base sa datos ng Munisipyo ng Taytay, isa ang Barangay Sta. Ana sa mga “DRUG-CLEARED BARANGAY upang makapasa sa pamantayan ng Seal of Good Local Governance (SGLG).
Ano po ang nangyari sa pagpapatunay ng datos?
©️GMA News
PAGKAKARGA NG TUBIG PARA SA SWIMMING POOL
Nagkakarga ang pampublikong firetruck ng tubig mula sa fire hydrant para kargahan ang Swimming pool ng isang pribadong bahay. Salamat sa imbestigasyon Sec. Benhur Abalos sana makatulong ito
ATTENTION:
Office of the Ombudsman Philippines
Civil Service Commission
Senator Raffy Tulfo in Action
Governor Nina Ynares
Sana ay mabigyan ng pansin ang talamak na gawain ng isang tiwaling kawani ng Munisipyo ng Taytay sa lantarang bigayan ng lagay at pangingikil sa isang taxpayer para sa kanyang inaasikasong renovation permit.
Mayor Allan De Leon, sana ay huwag mo pong ipagsawalang-bahala ang mga abusado at mapagsamantalang kawani ng ating Munisipyo. Kawawa naman po ang ating mga kababayang Taytayeño na sila ay patuloy na ginigipit at pinagsasamantalahan.
#SmileTayTay
Naka-ilang beses na palang nilalapastangan ang Obra Maestra ng namayapang National Artist Candidate na si Ka Godo Zapanta ng Bayan ng Taytay.
Tanong lang po, may galit po ba ang Munisipyo ng Taytay at si Mayor Allan De Leon sa pamilya ni Ka Godo Zapanta kaya po ba hindi na pinapahalagahan at binabastos na lang ang likhang sining ng tanyag na pintor?!
Ano po kaya sa tingin ninyo? 🤔🤔🤔
GOLDEN CITY CLUBHOUSE WINARAK AT TINAKE OVER!
Mga opisyal at miyembro ng Golden City Homeowners Association, walang natanggap na tulong mula sa Municipal at Barangay kahit pa ang kanilang pagmamakaawa. Ito ay matapos ang pagsira at paghostile take over sa kanilang clubhouse.
Ayon sa ulat, malalapit ang mga lider na nag take over kay Mayor Alan De Leon at Kap Pacleb kaya naging matapang sila sa pagwasak ng clubhouse.
Ang clubhouse ay kamakailan lamang pinagawa at rinenovate.
Wala pang update kung ilan ang nasaktan at nanganganib dahil sa pangyayaring ito.
#SmileTaytay
#SagipTaytay
MAIINIT NA TAGPO SA ADOBO FESTIVAL 2024!
Makikita sa videong ito ang pangbu-bully ng Executive Assistant ni Mayor Allan De Leon kay Kagawad Steph Cabral ng Barangay San Isidro sa Adobo Festival 2024 na ginanap sa Rizal Avenue, Barangay Dolores, Taytay, Rizal kaninang hapon.
Ayon sa mga nakakita, pinipigilan diumano ng staff ni Mayor Allan De Leon na maka akyat sa entablado si Vice-Mayor Pia Cabral at makapag video ng content ang kanyang kapatid na si Kagawad Steph Cabral.
Mayor Allan, Fiesta naman po ng Taytay! Tigil Pulitika muna po tayo para sa ikakasaya ng mga Taytayeños.