14/07/2022
๐ฆ๐๐ฎ๐ฟ ๐๐ถ๐๐ป๐ฒ๐๐ ๐๐ถ๐ธ๐น๐ผ ๐๐ฎ ๐ฐ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ฝ๐ฝ๐ถ๐ป๐ด ๐ฐ๐ฎ๐๐ฒ
Hindi inakala ng mga netizens na matapos tumayo bilang star witness sa mga makontrobersyang usaping pulitikal sa Pangasinan at lalawigan ng Quezon ay humantong sa likod ng malamig na rehas ang isa sa top 10 Most Wanted Persons ng ng Quezon City Police District (QCPD) na lumabag sa kasong carnapping sa harap ng Hall of Justice, High Rise Building, Diliman, Quezon City, kahapon, Hulyo 13, 2022.
Sa ulat ng pulisya na nakarating sa QuezonTalk, nakilala ang suspek na si Jestin Imus Aquino alias โJustine Corpuzโ , 26, booker at naninirahan sa Zone 5 Barangay Lelet, Sta Barbara, Pangasinan.
Bandang alas 12:30 ng hapon, armas ng warrant of arrest, isinagawa ang operasyon ng pinagsanib ng pwersa ng Intel Section at 5th MFC RMFB NCRPO sa pamumuno nina PLt.Col. Abraham D. Abayari at PCpl Avelino Maramag laban kay Aquino.
Nadakip si Aquino sa bisa ng warrant of arrest sa kasong carnapping na may criminal case no. U-18715, may petsa na Hunyo 15, 2022 at inisyu ni Hon. Elizabeth L. Berdal , Pairing/Acting Judge ng Branch 48, Regional Trial Court, First Judicial Region, Urdaneta City Pangasinan.
Ayon sa dokumento ay may recommended bail bond si Aquino para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng operating unit ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Matatandaan na noong Marso 3, 2022, humarap si Jestin sa isang press conference sa isang restawrant sa Makati City bilang witness laban sa kanyang ama na si Jaime Aquino at sa mag-asawa na sina Ilocos DPWH Regional Director Ronnel Tan at Quezon Governor Angelina "Helen" Tan sa isang criminal complaint ng serious illegal detention.
Dahil sa kasagsagan ng kampanyahan, diumanoโy binayaran ng kampo ni Suarez si Jestin laban sa kasalukuyang gobernador ng Quezon na si Doktora Helen Tan at asawa nito na si Ilocos DPWH Regional Director Ronel Tan na di umano'y nasa likod ng pagkakakulong ng dating konsehal ng Lopez na may patung-patong na kaso ng panggagahasa sa mga menor de edad na si Arkie Yulde.
Nakakapagtaka din ang parehas na scenario nang tumestigo rin ito sa umano'y pagpaplano ng pagpatay kay Infanta Mayor Ruperto Martinez kung saan naigunay din ang ilang malalaking personalidad katulad nina Gov. Amado T. Espino, Jr., Pangasinan 1st District Rep. Jesus "Boying" Celeste, Zambales Gov. Hermogenes Ebdane, at pati na rin ang kanyang sariling ama, si Jaime Aquino.
Hindi rin nagtagal ay nawalan din ng bisa ang kaso dahilan sa hindi kinakitaan ng probable cause ng Department of Justice (DOJ).
(May ulat mula sa Quezon Confidential Files)