02/02/2025
๐๐๐ฏ๐๐ซ๐๐ง๐ ๐
๐๐ญ๐ก๐๐ซ ๐๐ฎ๐๐ข๐๐ง๐จ ๐๐ซ๐ข๐๐ฅ ๐
๐๐ฅ๐ฅ๐จ๐ง๐ข: ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐๐ซ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ค๐๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐จ๐ง
(๐๐ก๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐
๐ช๐ฃ ๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ๐ค๐)
Pumanaw na si Fr. Luciano Ariel Felloni sa edad na 51, ika-2 ng Pebrero sa araw ng Kapistahan ng Presentation of Our Lord sa Taon ng Hubileo ng Pag-asaโisang makasaysayang araw sa kalendaryong liturhiko ng Simbahang Katolika.
Si Father Felloni ay isang Argentinian Missionary priest na masigasig na naglingkod bilang pari sa Diocese of Novaliches, kung saan hindi lamang siya nakilala sa kanyang matapat na paglilingkod sa simbahan kundi pati na rin sa kanyang makabagong paraan ng pagpapalaganap ng Mabuting Balita gamit ang social media.
Ipinanganak sa Argentina, maagang tinugon ni Fr. Felloni ang tawag ng bokasyon ng pagpapari. Sa kanyang pagmimisyon, ipinadala siya sa Pilipinas, kung saan buong-pusong niyakap niya ang kanyang tungkulin bilang lingkod ng Diyos, lalo na sa mga urban poor communities. Sa kabila ng matitinding hamon, nanindigan siyang higit pa sa espirituwal na paggabay, dapat ding bigyang-pansin ang konkretong pagtulong sa mga nangangailangan.
Si Fr. Felloni ay naglingkod sa ilang parokya sa Diocese of Novaliches, kung saan pinangunahan niya ang pagpapalakas ng iba't ibang formation programs, outreach activities, at digital evangelization efforts. Isa siya sa mga pari na may natatanging kakayahang ipaliwanag ang Salita ng Diyos sa paraang simple ngunit makabuluhan, kaya't madaling maunawaan ng mga mananampalataya. Hindi lamang siya nagbigay ng inspirasyon sa kanyang mga pangangaral, kundi nag-iwan din ng pangmatagalang epekto sa buhay ng kanyang mga tagapakinig.
Noong 2011, siya ay itinalagang Executive Director ng Caritas, isinulong ni Father Luciano ang pagtutulungan ng matitibay at nangangailangang parokyaโisang maagang pagpapakita ng sinodalidad at isa sa di makakalimutan ng pinamunuan niya ang pagtugon sa mga nasalanta ng Bagyong Yolanda noong 2013.
Bukod sa pagiging parish priest, naglingkod din siya bilang director ng Commission on Social Communications ng Diocese of Novaliches, kung saan aktibo siyang nagtulak ng mga programang tumutugon sa hamon ng digital evangelization. Nakatanggap din siya ng mga parangal at nakilalang social media influencer dahil sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos.
Sa makabagong panahon, ginamit ni Fr. Felloni ang digital platforms upang abutin ang mas maraming tao sa pamamagitan ng kanyang mga programa. Kabilang sa kanyang mga proyekto ang:
AlmuSalita by Fr. Luciano Felloni โ isang pang-araw-araw na online reflection tungkol sa Ebanghelyo ng araw, na naging bahagi na ng espirituwal na buhay ng maraming Katoliko hindi lang sa Pilipinas pati na rin sa buong mundo.
๐๐ง๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐ข๐๐ฅ๐ ๐๐ญ๐ฎ๐๐ข๐๐ฌ ๐๐ญ ๐๐๐ญ๐๐๐ก๐ข๐ฌ๐ฆ ๐๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐ฌ โ upang mapalalim ang pang-unawa ng mga mananampalataya sa doktrina ng Simbahan.
๐-๐๐ซ๐๐ฒ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ โ inilunsad noong pandemya bilang espirituwal na suporta sa mga may sakit sa pamamagitan ng panalangin at virtual na pakikipag-ugnayan.
Hindi lamang sa digital evangelization naging masigasig si Fr. Felloniโsiya rin ay aktibong naglingkod sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng iba't ibang community projects:
๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐
๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐.
๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐
๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐
๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐'๐ ๐
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐.
๐ด๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐
๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐๐๐๐.
Isa sa mga huling ibinahagi ni Fr. Felloni ay tungkol sa mga lumalabas na Artificial Intelligence (AI), kung paano ito maaaring maging biyaya o hamon sa pananampalataya at lipunan. Tinalakay niya kung paano maaaring gamitin ang AI sa pagtuturo, paglikha ng mas madaling access sa mga religious materials, at pagpapalaganap ng Mabuting Balita. Ngunit binalaan din niya ang mga tao sa mga panganib nito, tulad ng maling impormasyon, kawalan ng tunay na personal na ugnayan sa pananampalataya, at ang posibilidad na mapalitan ang human interaction sa mga espirituwal na gawain.
Palagi niyang binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapalalim ng pananampalataya. Sa pamamagitan ng AlmuSalita, ipinaalala niya ang pangangailangang gawing bahagi ng pang-araw-araw na buhay ang Salita ng Diyos. Lagi rin niyang iginigiit na kahit ang maliliit na kilos ng kabutihan ay may malaking epekto sa ating espirituwal na paglalakbay.
Sa kanyang mga online Lenten recollection, itinampok niya ang praktikal na aplikasyon ng Sampung Utos sa makabagong panahonโisang patunay ng kanyang kakayahang iugnay ang tradisyon sa kasalukuyang henerasyon.
Sa kanyang pagpanaw, isang misyonero ng makabagong panahon ang patuloy na maaalala. Subalit ang kanyang mga iniwang aral, programa, at ehemplo ng walang sawang paglilingkod ay patuloy na magbibigay-inspirasyon sa marami.
Si Fr. Luciano Ariel Felloni ay hindi lamang isang alagad ng Diyos kundi isang tunay na pastol ng kanyang kawanโisang huwarang nagpapakita na ang ebanghelisasyon ay walang hanggananโsa loob man ng simbahan o sa malawak na mundo ng digital media.
Patuloy nating ipanalangin ang kanyang kaluluwa at ipagpatuloy ang kanyang nasimulang misyon, upang ang Mabuting Balita ay patuloy na maipahayag sa mas marami pang taoโsa anumang panahon at sa anumang paraan.
(Photo: Jun Magtagnob)