WATCH: Johnson, Ikwento Mo! | January 17, 2025
ANO’NG SAY NG ATING MGA KASERBISYO?
Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong itinuturing na mahirap ang sarili, base sa resulta ng SWS survey noong Disyembre 2024.
Kaya naman tinanong natin ang ating mga kaserbisyo sa Quezon city kung ano ang ginagawa nilang paraan para maka-survive araw-araw. | via Trisha Lindo
Hindi tutol ang grupong Teachers’ Dignity Coalition (TDC) sa pagsuporta ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtuturo ng comprehensive sexuality education sa mga estudyante para mabawasan ang tumataas na bilang ng teenage pregnancy.
Para kay TDC national president Benjo Basas, kailangang maging malinaw at magkaroon ng siyentipikong pag-uusap hinggil sa programa dahil sensitibo itong usapin.
I-click ang link sa comment section para sa buong panayam.
Nilinaw ng Department of Agriculture (DA) na hindi galing sa smuggled rice ang ibebentang murang bigas at siniguro ang magandang kalidad ng NFA rice.
I-click ang link sa comment section para sa buong panayam.
WALANG HALONG POLITIKA?
Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na hindi mahahaluan ng politika ang pagtulong ng mga lokal na pamahalaan sa pagbenta ng NFA rice.
Ayon kay Asec. Arnel De Mesa, nagkataon lamang na kailangan nang maipamahagi ang stock na bigas ngayong papalapit na ang halalan.
I-click ang link sa comment section para sa buong panayam.
Kinumpirma ng COMELEC na hindi matutuloy ang panibagong pag-imprenta ng mga balota sa Lunes, Enero 20, 2025.
Ayon kay COMELEC spokesperson Atty. Rex Laudiangco, hindi pa tapos ang proseso ng trusted build sa election management system (EMS) at pagbabago sa mga ballot faced. | via Bert Dizon
Tumutok sa Teleradyo Serbisyo para manatiling updated sa halalan.
WATCH: Isyu Spotted | January 17, 2025
PAGTUTURO NG SEX EDUCATION
Para sa isang eksperto, mahalagang ituro sa mga bata ang tamang body safety para maiwasan ang pang-aabuso.
Sang-ayon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na importante ang pagtuturo ng sex education para matugunan ang tumataas na kaso ng teenage pregnancy.
I-click ang link sa comment section para sa buong panayam.
Iginiit ng eksperto na hindi pagbasag ng pagiging inosente ng bata ang pagtuturo ng sex education sa paaralan.
Nagpahayag ng suporta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtuturo ng sex education sa paaralan para matugunan ang teenage pregnancy.
I-click ang link sa comment section para sa buong panayam.
WATCH: Ano'ng Take Mo? | January 17, 2025
WATCH: Headline sa Hapon | January 17, 2025
Nilagdaan ng Department of Justice (DOJ) ang kasunduan sa pagitan ng Australia at UN Office on Drugs and Crime (UNODC) para palakasin ang proseso ng mga kaso laban sa terorismo. | Bert Dizon
Para sa iba pang maiinit na balita, i-like na ang Teleradyo Serbisyo official page.