23/07/2024
Ang clip ng isa sa mga episodes ng
Everybody Sing season 2, kung saan tinawag na
"sir" ang Unkabogable Superstar na si Vice
Ganda ng isa sa mga contestant nito.
Saad ni Vice, "I don't mind kung tawagin akong sir. Hindi naman ako nao-offend d'yan."
Muling pinag-usapan sa social media ang nasabing clip matapos mag-viral ang larawan ng
Cebu-based transgender writer na si Jude
Bacalso at ng waiter sa isang restaurant na kinainan niya.
Ayon sa original poster na si John Calderon, pinatayo umano ni Jude ang waiter nang dalawang oras matapos siyang tawagin nitong
"sir", bagay na ikinagalit ng mga netizens.