The coach is not a subject expert but rather is focused on helping the individual unlock their potentials. And we know that all things work together for good to them that Love God, to them who are called according to his purpose. (Romans 8:28)
Ano nga ba ang purpose natin, bakit tayo patuloy na bumabangon sa kabila ng mga hinaharap nating hamon sa buhay araw-araw, idagdag pa ang pandemya. Ako si
Liberty Presto-Manzanillo, dati akong Police Officer at ngayon ay Digital Entrepreneur. Dahil mahirap lang kami at maagang binawian ng buhay ang aking tatay sa edad na labing-apat ay nagsimula na akong maghanapbuhay. Nakapagtapos ako sa pivate school noong High School dahil sa US Naval Community Scholarship. SA edad na 18 ay lumuwas ng Maynila upang makapag-aral ng kolehiyo habang nagtatrabaho. Kung ano-ano ang pinasok kong trabaho mula sa pagiging katulong hanggang sa makapasok sa isang Korean Company na nag-iimport ng mga used trucks and tank lorries dito sa Pilipinas. Subali't nalugi ang Koreanong may-ari at inilipat ang kaniyang negosyo sa ibang bansa. Bumalik ako ng Zambales at nagtrabaho naman sa Kapitolyo. Subali't wala pa akong dalawang taon ay natalo ang nakaupong governor at isa ako sa mga pinalitan. Bumalik ako ng Maynila at naghanap na naman ng trabaho. Hanggang isang araw ay tinawagan ako ng aking kuya at siya daw ay ipapask na pulis ng kaibigan ng Nanay ko. Sinamahan ko siya sa Camp Crame subali't bumagsak siya sa entrance exam at physical test kung kaya ako ang nakapasok. At noong ika-29 ng Agosto, 1997 ay nanumpa ako sa Philippine National Police. Taong 2000 ay nakilala ko ang isang Marines na nagprocess ng kaniyang LTOF, kami ay ikinasal noong March 3, 2001. Hindi madaling maging asawa ng sundalo. Pagkatapos ng kasal namin ay balik duty na siya agad sa Mindanao kung saan ng mga oras na iyon ay maigting ang bakbakan ng mga rebeldeng muslim at mga militar. Hindi lang iyon, dahil sa aking kakaisip ipinanganak ko ang aking ika-apat na anak na may butas ang puso, may hyperimmunoglobin-E syndrome, na-infect ng pseudomonas bacteria ang dugo at reflux ang stomach. Sunod-sunod na problema, nasagad kami financially, ang ATM naming mag-asawa ay naisanla ko na rin. Napakahirap isipin paano maitatawid ang bawat araw. Ang sitwasyong iyon ang nagpalakas lalo ng aking loob, ako ay natutong magbenta ng kung ano-ano, halos wala na ako pahinga sapagka't kailangan kong kumayod para sa medical maintenance ng aking anak at napakamahal na gatas niya. Buti na lang ay natutunan ko ang isang strategy na nagpabago ng buhay namin. Nakaahon kami sa utang at nakabili pa kami ng agri land at mga sasakyan. Ako ay nakapagretire ng maaga sa takdang edad ng pagreretiro at sa panahon ng pandemya ay kasama ko ang aking mga anak. Sa ngayon ang aking adhikain ay makapagbahagi ng aking kaalaman at karanasan sa mga mommy na gaya ko, educate sila at empower sila. Ako ay nagtatag ng isang grupo ng kababaihan sa buong Pilipinas upang makatulong sa pagbabahagi ng mga kaalaman at makagawa ng mga proyektong makakatulong sa aming komunidad.