21/10/2024
PAGKILALA SA MGA NAGPAPAGAL SA SALITA
1 Timoteo 5:17-18
17 Ang mga matanda na nagsisipamahalang mabuti ay ariing may karapatan sa ibayong kapurihan, lalong lalo na ang mga nangagpapagal sa salita at sa pagtuturo.
18 Sapagka't sinasabi ng kasulatan, Huwag mong lalagyan ng busal ang baka pagka gumigiik. At, ang nagpapagal ay karapatdapat sa kaupahan sa kaniya.---------------------------------------------
Mayroong ibinigay na kaloob na tao ang Panginoon sa iglesya upang mapangasiwaan at mapangalagaan ito. Upang ang Kanyang kawan ay maturuan ng Salita, ng mga tunay na aral ng Panginoon, matuto at lumago, tumatag sa pananampalataya. Sa kanilang masikap at matapat na pagtuturo at pagpapahayag ay matutunan din natin ang marapat na pagkilala sa kanila, ibigay ang nararapat na paggalang sa kanila. Pahalagahan natin ang kanilang ginagawa para sa atin, makinig, makaunawa at sumunod upang magbunga ang kanilang pagpapagal at pagtuturo. Maging isa sila sa maraming pagpapala ng Panginoon sa atin na lagi nating ipinagpapasalamat at ipinagpupuri sa Kanya🙏