03/12/2022
Nagbibigay-pugay si Sen. Idol Raffy Tulfo sa kahanga-hangang proyekto ni Pangulong Bongbong Marcos na Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program.
Ang programang ito ay naglalayong makapagpatayo ng isang milyong murang pabahay taon-taon para sa mga mahihirap nating kababayan. Ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ito ay suportado din ng iba’t-ibang LGUs.
Matatandaan na noong Nobyembre 28, 2022 sa Committee Hearing na isinagawa ng Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement ay sinabi ni Sen. Idol na kailangang tiyakin na ang mga benepisyaryo ng programang pabahay ng pamahalaan ay magkakaroon maayos na matitirahan na may access sa public ulitilies tulad ng kuryente at tubig, pati na rin maayos na kalsada.
Ang proyektong ito ay nagpapatunay na talagang may malasakit si PBBM sa kapakanan ng ating mga maralitang kababayan.
Manatiling updated kay Senator Idol! iLike at iFollow ang ating mga official social media accounts:
FB: facebook.com/IdolRaffyTulfoOfficial
facebook.com/raffytulfoinaction
TW: twitter.com/IdolRaffyTulfo
YT: youtube.com/RaffyTulfoVlogs
youtube.com/RaffyTulfoInAction
TikTok: tiktok.com/