28/06/2024
Hi anak, gusto lang sana ni mama mag sorry sayo.
Hindi dahil nasundan ka, kundi dahil nahati ang oras ng mama.
Sorry kung noon tayong dalawa lang ang magkausap, Sorry if dati pinapatulog kita ng yakap yakap kita, ngayun nakatalikod na kasi pinapadede ko yung kapatid mo.
Sorry anak kung biglang andaming bawal.
Sorry if nasisigawan kita,
Sorry kasi ang dami kong pag kukulang.
Sorry kung minsan ikaw yung hindi ko naiintindihan.
Salamat sa araw araw na mahal kita.Salamat sa hugs and kisses.
Sana hindi ka magtampo.
Sana naiintindihan mo ang sinasabi ng mama, alam kong hindi pa ngayon.
Babawi ang mama sayo. Mahal na mahal kita ❤️
Ps: Isang yakap na mahigpit para sa ating mga nanay na may toddler at infant at the same time na nag sstruggle kung paano mag manage ng oras para sa kanila. Hindi madali, at hindi ito isang reklamo, isa itong reyalidad. Hindi tayo perpektong mga nanay, pero isa lang ang sigurado, yun ay yung pagmamahal natin sa mga anak natin.
Ctto.