The True Flock

The True Flock Ilagak ang PAG ASA sa biyayang DARATING�

Proud to be IGLESIA NI CRISTO

HAPPY THANKSGIVING DAY !!!MGA KABATAANG IGLESIA NI CRISTO❤🇮🇹
15/12/2023

HAPPY THANKSGIVING DAY !!!
MGA KABATAANG IGLESIA NI CRISTO❤🇮🇹



06/12/2023
HAPPY HAPPY BIRTHDAY po!Ma'am Lyn V. Manalo ❤️💖💓
01/12/2023

HAPPY HAPPY BIRTHDAY po!
Ma'am Lyn V. Manalo ❤️💖💓

BAKIT MAHALAGA ANG PAGSAMBA SA MGA IGLESIA NI CRISTO🇮🇹?Ang isa sa mga rason kung bakit nabuhay ang tao ay UPANG SAMBAHIN...
29/11/2023

BAKIT MAHALAGA ANG PAGSAMBA SA MGA IGLESIA NI CRISTO🇮🇹?

Ang isa sa mga rason kung bakit nabuhay ang tao ay UPANG SAMBAHIN ANG DIYOS. Siya ang lumalang sa atin, kaya TAMA LANG na siyay PASALAMATAN AT SAMBAHIN.

AWIT 100:2-4
"Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon; magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan. Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios; siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kaniya: tayo'y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan. Magsipasok kayo sa kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat, at sa kaniyang looban na may pagpupuri: mangagpasalamat kayo sa kaniya, at purihin ninyo ang kaniyang pangalan. "

Maliwanag ang sabi ng bibliya, MANGAGLINGKOD SA DIYOS NA MAY KASAYAHAN, MAGSILAPIT TAYO SA KANIYANG HARAPAN... Hindi po pag KAILANGAN LANG o PAG "TRIP" LANG, Bakit?

JUAN 4:23-24
"Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya. Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan."

Ito ay dahil HINAHANAP NG AMA ang mga TUNAY NA MANANAMBA upang SAMBAHIN SIYA. Ang DIYOS PO AY ESPIRITU kaya KINAKAILANGAN DAW NA MAGSISAMBA TAYO SA ESPIRITU AT SA KATOTOHANAN.

Ito rin po ang dahilan kung bakit wala kaming mga imahe o statuwa ng mga santo, ni maria at ni Kristo sa aming mga kapilya. Unang una, hindi PO NAMIN SILA KINIKILALANG DIYOS, pangalawa, sapagkat kami ay mga TUNAY NA MANANAMBA na hinahanap ng AMA kung kaya kami ay sumasamba sa ESPIRITU AT KATOTOHANAN, hindi na po namin kailangan ang mga gayon.

Iyan ay nakabase pa rin sa bibliya:

EXODO 23:25
"Huwag ninyong yuyukuran o sasambahin ang kanilang mga diyus-diyosan, ni tutularan ang kanilang ginagawa. Durugin ninyo ang kanilang mga diyus-diyosan pati mga haliging ginamit nila sa pagsamba. Akong si Yahweh ang siya lamang ninyong paglilingkuran. Pasasaganain ko kayo sa pagkain at inumin, at ilalayo sa anumang karamdaman."

Kaya hindi na po nakakapagtaka kung bakit wala po kami nito sa aming mga kapilya. SI YAHWEH, ANG AMA--ANG TUNAY NA DIYOS LAMANG ANG AMING PINAGLILINGKURAN.

Ngunit teka, baka matanong ng ilan, eh diba sa INC sinasamba nyo rin si Kristo? Totoo ba yun?

OPO, TOTOO PO! Sinasamba rin namin siya hindi dahil sa siya ay DIYOS DIN kundi dahil itoy iniutos ng Diyos na kaniyang AMA..

FLIIPOS 2:9-11
"At dahil dito, siya'y lubusang itinaas ng Diyos, at ibinigay sa kanya ang pangalang higit sa lahat ng pangalan. Sa gayon, sa pangalan ni Jesus ay luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa. At para sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama, ang lahat ay magpapahayag na si Jesu-Cristo ang Panginoon."

Iyon po ang katumbas na LULUHOD AT MAGPUPURI sa kaniya ang lahat ng nasa langit, nasa lupa at nasa ilalim ng lupa. PARA SAAN? PARA SA IKALULUWALHATI NG DIYOS AMA.

Kaya huwag na rin tayong magtataka kung BAKIT GANOON NA LAMANG kung pahalagahan ng bawat kaanib sa Iglesia ni Cristo ang mga pagsamba. Eto ang pagpapaalala, nakasulat sa bibliya:

HEBREO 10:25
"Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon."

HUWAG DAW PO KALILIGTAAN ANG PAGDALO NG MGA PAGTITIPON, yun nga ang PAGDALO SA MGA PAGSAMBA.

Yung iba kasing tao, lalo na sa labas ng Iglesia ni Cristo ay kinakalimutan ang mga pagsamba sa Diyos. Aminin man natin o hindi, yan po ang realidad, ang iba sasamba lang pag TRIP LANG, ang iba sasamba lang pag may okasyon, ang iba ay sasamba lang pag may nangyaring mabuti sa kaniya, ang iba ay sasamba lang upang ipakita sa iba na relihiyoso siya. Ganito po ang nangyayari sa ibang relihiyon, ngunit hindi po sa IGLESIA NI CRISTO.

Sa IGLESIA NI CRISTO, tinuruan kami na PAHALAGAHAN ANG MGA PAGSAMBA SA DIYOS. Tayoy kaniyang nilalang, kaya BAGO PA MAN ANG IBANG BAGAY kahit na importante rin tulad ng trabaho, pag aaral, hanapbuhay at iba pa, UNAHIN NATIN ANG DIYOS kahit na masama ang panahon. Siya ang nagbigay ng buhay satin, siya ang nag iingat sa atin at ang nagbibigay ng mga biyaya SA ARAW ARAW.

“Kumusta ka”?“Kung minsan, hindi ko narin talaga alam”.“Buti nalang may Pagsamba”.Dumadalas na talaga ang lungkot, kahit...
22/11/2023

“Kumusta ka”?

“Kung minsan, hindi ko narin talaga alam”.

“Buti nalang may Pagsamba”.

Dumadalas na talaga ang lungkot, kahit anong iwas mo, parang nagpupumilit na sundan ka nito. May mga araw pa na parang ayaw mo na, parang katatayo mo palang, mapapatid kanang muli. Siguro kasi madalas mahina tayo —naigugupo, nauubos, nagkukulang.

Mga sandaling kalong-kalong ang matinding agam-agam. Mga sagot na “Hindi ko na rin alam”. May pakiramdam na lupaypay, na nasasabik kang palagi sa Kaniyang Kamay, hinahanap-hanap mong palagi, sapagkat alam mong doon ka titibay.

Natatanaw mo palang ang Kaniyang Templo, kahit may karamdaman ay gagapang ka, upang doon sumuko. At sa pagpilit mo sa paghakbang, sinalubong kang agad ng Kaniyang kapangyarihan. Dahan-dahan mong ipinipikit ang mga Mata. Nauna man ang pagtangis bago ang pagsambitla, alam Niyang agad na mahina kana.

Kasabay nang paglapit mo ng nararamdaman, sa pagmamakaawang sana'y ibsan ang sakit at bigat mong pasan — hindi Siya nagkulang. Agad mong naapuhap, agad kang niyakap. Ang bigat sa loob, ay unti-unting tumahan, naging bata kang muli na nagsumbong sa Magulang.

At doon mo naunawaan, sa Pagsamba ang nais Niyang ipagawa. Ang nais Niyang sundin mo muna, ang gabay at patnubay, upang 'di maigupo—upang 'di ka sumuko. At paglabas mo ng Kaniyang Tahanan, malakas ka nanaman.
Kaya na muli ang umaga, haharapin mo na itong masaya.

Kaya lagi mong napagtatanto na;
“Buti nalang may Pagsamba”.

Naibabalik dito ang lakas na nawala. Ang lunas sa suliranin. Ang kapayapaan sa gitna nang bagabag, at ang gamot sa lahat ng sakit.

“Buti nalang at may Pagsamba”.

Ctto
—Mga Akda ko
Rocille Julia Santos

"PAGMUMURA OK LANG BA?"Kapag galit, nagmumura. Kapag nagugulat, nagmumura. Kapag natutuwa nagmumura. Sa bawat pangungusa...
09/10/2023

"PAGMUMURA OK LANG BA?"

Kapag galit, nagmumura. Kapag nagugulat, nagmumura. Kapag natutuwa nagmumura. Sa bawat pangungusap at usapan may mura. Ok lang ba talagang magmura?
Freedom of expression ba ang pagmumura? Or MORAL na kasalanan?

Ang BANAL NA KASULATAN ay nagtuturo na ang pagmumura ay isang KASALANAN!

Roma 3:10, 13-14
"Ayon sa nasusulat, WALANG MATUWID wala kahit isa.
Parang bukas na libingan ang kanilang lalamunan; pananalita nila'y pawang panlilinlang. Ang labi nila'y may kamandag ng ahas.
PUNO NG PAGMUMURA at masasakit na salita ang kanilang bibig."

Kung sa pagsabi nga na binabanggit mo ang Tao ULOL KA nanganganib nga po sa Impyerno PAGMUMURA papo kaya?

Mateo 5:22
"Ang sinumang magsabi sa kanyang kapatid, "ULOL KA" AY NANGANGANIB MAPARUSAHAN SA APOY NA IMPYERNO."

Kanino po ba tayo maniniwala? Sa sinasabi ng Biblia o sa ginagawa ng karamihan? Ayos lang ba sa iyo na pangkaraniwan na lang sa araw mo ang MAGMURA, MURAHIN AT MAKAPAKINIG NG MURA?

Sino po ba ang ating tutularan? Ang Diyos na gustong maayos ang buhay natin, o mga tao na nakikita natin? NORMAL na lang ba sa iyo ang MAGMURA? Alam mong mali pero dahil ginagawa ng karamihan, ginagawa mo din?

Sabi pa sa Roma 3:23
SAPAGKAT ANG LAHAT AY NAGKASALA AT WALANG NAKAABOT SA KALUWALHATIAN NG DIYOS.

Lahat po tayo ay nagkasala. Oo, at hindi ka naman nagnakaw, pumatay, o nangalunya. Pero ang kasalanan ay DIREKTANG PAGSUWAY SA DIYOS, kasama na ang pagmumura.
Hindi maaaring gamitin ang bibig sa pagmumura at the same time pagpapasalamat o pagpupuri sa Diyos.

Kaya tatandaan niyo ito

WALANG KABULUHAN SALITA:
KASINUNGALINGAN
PAGMUMURA
SALITANG MAHALAY
MATALAS NA PANANALITA
CHISMOSA
KAYABANGAN
HAMBOG
MAPANLAIT
MAPANGHUSGA

MATEO 12:36:37
"TANDAAN NINYO, SA ARAW NG PAGHUHUKOM, PANANAGOTAN NG TAO ANG WALANG KABULUHANG SALITANG SINABI NIYA. PAWAWALANG-SALA KA O PAPARUSAHAN, BATAY SA IYONG SALITA."

WALANG RELIHIYONG NAKAPAG TUTURO NA MAGMURA KA WALANG RELIHIYONG GUMAWA KA NG MASAMA AYUN SA KAGUSTOHAN NG TAO DAHIL SA HINDI MAKAPAGPIGIL DI NA BAGONG BAGAY PO NGAYON ANG LUMALABAS SA BIBIG NG TAO.

Kaya sa kasulatan ang Hula ukol tungkol sa Pagsasalita at Ugali ng Tao hayag na hayag na sa Panahong ito.

Daniel 12:4, 10 ASND
4Pero Daniel, isara mo muna ang aklat na ito at huwag mo munang sabihin sa mga tao ang mensahe nito hanggang sa dumating ang KATAPUSAN. Habang hindi pa ito ipinapahayag, marami ang magsisikap na unawain ang mga nangyayari.”
10MARAMI SA MGA NAKAKAUNAWA NG KATOTOHANAN ANG LILINISIN ANG KANILANG BUHAY, AT MAUUNAWAAN NILA ANG MGA SINASABI KO. Pero ANG MASASAMA AY PATULOY NA GAGAWA NG MASAMA AT HINDI MAKAKAUNAWA NG MGA SINASABI KO.

-ctto


"Sapat" na ba ang paniniwala na may Diyos, pananalangin, pagbabasa ng bibliya at paggawa ng mabuti para maligtas?Ito ang...
08/10/2023

"Sapat" na ba ang paniniwala na may Diyos, pananalangin, pagbabasa ng bibliya at paggawa ng mabuti para maligtas?

Ito ang napakagandang tanong na nangangailangan ng kasagutan upang malaman natin ang katotohanan.

Marami kasi sa atin ay "kuntento" na sa paniniwala nila na maliligtas sila dahil silay naniniwala na may Diyos, nananalangin sa kaniya, nagbabasa ng bibliya at gumagawa ng mabuti. Ang saktong mga tanong naman natin sa mga maraming taong ganito mag isip ay...

SAPAT NA BA YON?

TALAGA?

PAANO MO NASABI?

ANONG TALATA SA BIBLIYA NAMAN?

MERON BA? SURE KA?

At kung naniniwala ka na may DIYOS, tanong, TUNAY BA ANG DIYOS NA KINIKILALA MO?

Kung nananalangin ka, direkta ka ba sa AMA tumatawag?

Kung nagbabasa ka ng bibliya, TAMA NAMAN BA ANG UNAWA MO DITO?

Kung gumagawa ka ng mabuti, BUKAL BA SA LOOB MO ANG PAGGAWA NG MABUTI?

Ganoon na ba kadali makamtan ang KALIGTASAN? Tingin po ninyo? Yung tipong sasampalataya ka lang maliligtas ka na. Kung ganyan lang kadali pala makamtan yon bakit pa nagkaroon ng libo libong mga relihiyon sa buong mundo? Bakit kailangan pa magtalo talo ng mga relihiyon na ito at bakit iba iba ang ating mga paniniwala?

Para mo na rin sinabing SAPAT NA ang humingi ng tulong sa Ama, kahit wala ng review review para makapasa sa exam. Para mo na rin sinabing SAPAT NA ang pangangako mo sa iba kahit hindi mo naman ginagawa. Para mo na rin sinabing SAPAT NA ang pagsasabi mo ng mahal mo ang isang tao kahit hindi mo naman pinapakita sa kaniya.

AT PARA MO NA RIN SINABING NAPAKASIMPLE LANG MAKAMIT ANG KALIGTASAN.

Paniniwala na may Diyos + pananalangin + pagbabasa ng bibliya + paggawa ng mabuti = KALIGTASAN???

Ang tanong ngayon, sapat na ba ang pagkilala na may Diyos, pananalangin, pagbabasa ng bibliya at paggawa ng mabuti para maligtas?

HINDI PO! Kailangan natin itong gawin, oo importante rin ang mga bagay na ito, ngunit hindi ito "SAPAT" para makamtan natin ang inaasam ng lahat na kaligtasan.

Paano makakamit ang kaligtasan?

Ganito ang sabi ni Kristo:

"Ako ang pinto. Ang sinumang pumasok sa pamamagitan ko ay maliligtas...." Juan 10:9

"Sumagot si Jesus, Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko." Juan 14:6

Si Kristo ang PINTO, ang sinumang PUMASOK sa pamamagitan niya ay MALILIGTAS. At WALANG MAKAKAPUNTA SA AMA kundi sa PAMAMAGITAN NIYA, wala ng iba pang dapat daanan ang tao kundi siya lang.

Ngunit alam naman natin na hindi LITERAL na dadaanan natin si Jesus.

Ano ba ang ibig sabihin ng "pagdaan" o "pagpasok" kay Kristo?

"At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang pintuan ng daigdig ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa kanya." Mateo 16:18

Si Kristo, noong unang siglo, ay may itinayong IGLESIA. At itong IGLESIA na ito ay ang kaniyang katawan, si Kristo bilang ulo at ang TAGAPAGLIGTAS nito:

"Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito." Efeso 5:23

Kaya kailangan natin "pumasok" sa Iglesiang itinatag ni Kristo upang maligtas, dahil siya ang tagapagligtas nito. Ano ba ang "Iglesiang" tinutukoy na itinatag ni Kristo?

Ang Iglesiang nasa bibliya!

Ano po ba ang Iglesiang nasa bibliya?

Basahin po natin, sa Roma 16:16

"Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Cristo. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesya ni Cristo." Magandang Balita Biblia

NAG IISA lang po ang Iglesiang itinatag ni Kristo, walang iba kundi ang IGLESIA NI CRISTO. At ito po ang dapat nating aniban.

At kung halimbawa naman, nakapasok ka na sa Iglesia o naging miyembro ka na ng Iglesia ni Cristo, doon na ba matatapos yon, otomatiko bang LIGTAS KA NA AGAD?

HINDI! Isa lamang ang pagiging miyembro ng Iglesia sa mga hakbang tungo sa KALIGTASAN.

Ano pa ang dapat gawin?

"Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagkat hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.” Juan 4:23

Napaka importante ng PAGSAMBA SA DIYOS kaya huwag na huwag natin itong kaliligtaan sapagkat ang Diyos kailanman ay hindi tayo pinabayaan. Kaya bilang kanyang mga NILALANG, obligasyon natin na sambahin ang dakilang lumikha ng lahat ng bagay.

Kung umanib ka na sa tunay na Iglesia at hindi mo pinapabayaan ang mga pagsamba, ano pa ang dapat gawin?

"Pagsisihan mo ang iyong mga kamalian at magbagong-buhay ka; linisin mo ang iyong puso sa lahat ng bahid ng kasalanan." Ecc. 38:10

Importante rin na MAGSISI tayo sa ating mga nagagawang mga kasalanan at importante na tayo ay MAGBAGONG BUHAY. Kung puro tayo pagsisisi sa kasalanan, wala namang pagbabagong buhay, walang kabuluhan lamang iyon.

Kaya ganyan po ang sabi sa talata, at sabi pa LINISIN NATIN ANG ATING PUSO sa lahat ng bahid ng kasalanan, kaya hanggat maaari kahit nasa sanlibutan pa tayo kung saan nandito lahat ng tukso, kailangan natin IWASAN ang mga pagkakasala.

Ngunit doon na ba iyon natatapos?

Hindi pa po. Ano pa ang dapat nating gawin?

"Nakakatiyak tayong nakikilala natin ang Diyos kung sinusunod natin ang kanyang mga utos. Ang nagsasabing, "Nakikilala ko siya," ngunit hindi naman sumusunod sa kanyang mga utos ay sinungaling, at wala sa kanya ang katotohanan. Ngunit ang tumutupad sa salita ng Diyos ay umiibig nang wagas sa Diyos. Sa ganito, nalalaman natin na tayo'y talagang nasa kanya." I Juan 2: 3-5

Kailangan nating SUNDIN ang kaniyang mga utos, LAHAT ng kaniyang utos, hindi yung namimili lang ng gustong sundin. Sabi sa talata ANG TUMUTUPAD SA SALITA NG DIYOS ay UMIIBIG nang WAGAS sa DIYOS.

At ang pinakahuli, ay ito:

"Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas." Mateo 24:13

Ang MANANATILING TAPAT sa pagsunod sa Diyos, ANG SIYANG MALILIGTAS.

Yan po ang mga BAGAY NA DAPAT nating gawin upang matamo ang KALIGTASAN. Huwag po tayong gumawa ng sarili nating "pamantayan" tungo sa kaligtasan, ang sundin natin ay ang KALOOBAN NG DIYOS ito man ay LABAG sa ating pansariling kalooban. Dahil ang KALIGTASAN ay matatamo sa PAMAMAGITAN ng BUONG PUSONG PAGSUNOD.

Pag-anib sa tunay na Iglesia + Pagdalo ng mga pagsamba + Pagsisisi sa mga kasalanan + Pagbabagong buhay + Pagsunod sa mga utos ng Diyos + Manatiling tapat hanggang wakas

= KALIGTASAN


SINO BA ANG SUMULAT NG BIBLIA.?TIYAK POBA TAYO NA ITOY SA DIOS .?AT PAPAANO ITO PINASUSULAT NG DIOS?Kadalasang Naririnig...
07/10/2023

SINO BA ANG SUMULAT NG BIBLIA.?

TIYAK POBA TAYO NA ITOY SA DIOS .?

AT PAPAANO ITO PINASUSULAT NG DIOS?

Kadalasang Naririnig natin sa Mga Kaibayo lalo na mga KATOLIKO Sila raw may ari ng BANAL NA AKLAT o BIBLIA .

Suriin natin;

Sa pamamagitan ng salita ng Diyos ay nagkaroon ng Biblia :

Hebreo 1:1-2: “ANG DIOS, NA
👉NAGSALITA NANG UNANG PANAHON SA ATING MGA MAGULANG SA IBA’T IBANG PARAAN SA
👉PAMAMAGITAN NG MGA PROPETA, AT NAGSALITA SA ATIN SA MGA HULING ARAW NA ITO SA👉 PAMAMAGITAN NG KANIYANG ANAK, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya’y ginawa ang sanglibutan;”

Ayon kay Apostol Pablo, nang magsalita ang Diyos, doon pa lamang umiral ang Kaniyang salita sa lupa. Siya ay nagsalita sa iba’t ibang panahon:

ang panahon ng mga magulang (mula nang lalangin ang mga unang tao hanggang sa pagkapanganak kay Moises), sa panahon ng mga Propeta

(mula ng ipanganak si Moises hanggang sa kapanganakan ni Jesus)

at sa panahong Cristiano (mula sa pagkapanganak kay Jesus hanggang sa kaniyang ikalawang pagparito).

Ito ang tinatawag na tatlong dakilang pagkakahati ng panahon. At nang dumating ang salita ng Diyos sa mga tao, ito ay ipinasulat Niya sa 👉piling tao na Kaniyang hinirang :

Jeremias 30:2:
“Ganito ang sinasalita ng Panginoon, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, 👉IYONG ISULAT SA ISANG 👉AKLAT ANG LAHAT NG MGA SALITA NA AKING SINALITA SA IYO.”👈

Napakatalino ng Diyos sapagkat naingatan Niya ang Kaniyang mga salita sa pamamagitan ng pagpapasulat nito.

May binabanggit na “aklat” na pinagsusulatan ng mga salitang ito at ito ay ang Banal na Kasulatan
(2 Tim. 3:15).

Ang Banal na Kasulatan, bagaman nahahati sa dalawang dakilang pagkakahati ay iisang aklat pa rin. 27 aklat ang bumubuo sa Bagong Tipan at 39 naman sa Matandang Tipan, kaya sa kabuuan nito ay mayroong 66 na aklat kaya kung tawagin ay mga Banal na Kasulatan.

👉Ang Banal na Kasulatan ay ang dapat na maging tanging batayan ng tao sa Kaniyang pananampalataya sapagkat ito lamang ang kinasihan ng Diyos
(2 Tim. 3:15-16).

Pero baka ikatuwiran ng iba, papaano natin masasabi na ang mga taong kinasangkapan upang isulat ito ay hindi nagkamali?

Ganito po ang sagot sa atin ng Biblia, inyo pong basahin :

👉Apocalipsis 10:4: “At pagkaugong ng pitong kulog, ay isusulat ko sana: at narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi,
👉TATAKAN MO ANG MGA BAGAY NA SINALITA NG PITONG KULOG, 👉AT HUWAG MONG ISULAT.”👈

Binabantayan ng Panginoong Diyos ang lingkod Niyang inutusan Niya na magsulat ng Biblia.

Papaano?

Gaya ng pagsasaway ng Diyos kay Apostol Juan na noo’y nasa Patmos nang isulat ang Apocalipsis ng ating Panginoong Jesucristo. Nang makarinig siya ng kulog, isusulat niya sana ang mga sinalita nito subali’t mayroong tinig na sumaway sa Kaniya at nagsabi na “tatakan mo, huwag mong isulat”.

Kaya tumitindig po kami na ang Biblia kailanma’y hindi magkakaroon ng pagkakamali sapagkat ang garantiya namin na kung ang Diyos ang dumidikta sa Kaniyang lingkod, hindi ito kailanman magkakamali.

Kahit sabihin ng na ang hawak naming Biblia ngayo’y naglalaman ng kamalian sapagkat ito ay salin na lamang at hindi na ang orihinal na Biblia, matitiyak pa rin natin kung alin ang tamang salin at hindi.

Matitiyak pa rin natin kung ang Biblia na hawak-hawak natin ay ang totoong Banal na Kasulatan pa rin kung ito ay naglalaman ng katotohanan (Juan 17:17) sapagkat ito’y natutupad (Isaias 46:11), hindi gaya ng salita ng tao na kaya pang pasinungalingan.

Ang mabiyaya at mapagmalasakit na Pamamahala ng kapatid na Eduardo V. Manalo sa buong Iglesia.💞Tunay nga pong napakabiya...
26/09/2023

Ang mabiyaya at mapagmalasakit na Pamamahala ng kapatid na Eduardo V. Manalo sa buong Iglesia.💞

Tunay nga pong napakabiyaya ang pamamahala ng kapatid na Eduardo V. Manalo sa buong Iglesia. Damang dama natin ang kanyang pagmamahal at pagmamalasakit sa kanyang pangunguna. Wala siyang tigil sa paggawa araw at gabi upang masinop at maipagmalasakit ang mga kapatid kahit saan mang panig ng mundo naroroon.

Hindi nila alintana ang hirap, pagod, maging ang panganib madala lamang tayo sa sakdal na paglilingkod. Ganito tayo iginagayak ng ating Namamahala patungo sa nalalapit na kawakasan ng mundo, para makatiyak tayo ng pagtatamo ng kaligtasan pagdating ng araw ng paghubukom.

Kaya, kung ang PAMAMAHALA ay hindi napapagod na tayo ay sinupin, paglingkuran at pagmalasakitan, sana ganun din tayong mga hinirang huwag tayong mapapagod sa pagsunod at pagpapakasipag sa mga gawang kabanalan.

___________________________

"Mga kapatid, ipinapakiusap namin na igalang ninyo ang mga nagpapakahirap sa pamamahala at pagtuturo sa inyo alang-alang sa Panginoon. Pag-ukulan ninyo sila ng lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa kanilang gawain. Mamuhay kayo nang mapayapa."
(1 Tesalonica 5:12-13)


Cctto
💚🤍❤️

Sa darating na Setyembre 7, muli po nating ipagdiwang ang ika-labing apat na taong anibersaryo ng MATATAG at MATAGUMPAY ...
04/09/2023

Sa darating na Setyembre 7, muli po nating ipagdiwang ang ika-labing apat na taong anibersaryo ng MATATAG at MATAGUMPAY na Pamamahala ng ating pinakamamahal na Tagapamahalang Pangkalahatan, ang kapatid na Eduardo V. Manalo.

Sir, maraming salamat po sa inyong matapat, mapagmahal at mapagmalasakit na PANGUNGUNA po sa buong Iglesia.🙏😇

Happy anniversary po!🎉💖
Mahal na mahal po namin kayo!❣️🇮🇹



🤍🇮🇹BE AN ONLINE INFLUENCER. WE ARE CHRISTIANS EVEN ONLINE.Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)Official Pages and Website...
17/08/2023

🤍🇮🇹
BE AN ONLINE INFLUENCER.
WE ARE CHRISTIANS EVEN ONLINE.
Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)
Official Pages and Websites
www.incmedia.org
www.iglesianicristo.net
www.pasugo.com.ph
https://incmedia.org/
https://www.youtube.com/c/IncmediaOrgOFFICIAL
https://www.facebook.com/incmedia.org
https://www.instagram.com/incmedianews
https://twitter.com/inc_media
https://youtube.com/c/RadyoAgila1062
https://www.facebook.com/RadyoAgila1062/
https://www.instagram.com/radyoagila/
https://youtube.com/c/INCMuseum
https://www.facebook.com/incmuseum/
https://instagram.com/incmuseum?utm_medium=copy_link
https://t.me/INCNewsandUpdates
https://www.youtube.com/.../IglesiaNiCristoNewsandUpdates...
https://www.facebook.com/INCNewsandUpdates
https://twitter.com/incnews_updates
https://www.instagram.com/incnewsandupdates
https://youtube.com/c/INCKids
https://youtube.com/c/INCOriginalMusic
https://t.me/INC_CFO
https://www.youtube.com/.../IglesiaNiCristoChristianFamil...
https://www.facebook.com/IglesiaNiCristoChristianFamilyOr...
https://twitter.com/inc_cfo
https://www.instagram.com/inc_cfo
https://t.me/iglesianicristoproductioncompany
https://www.youtube.com/c/IglesiaNiCristoProductionCompany
https://www.facebook.com/iglesianicristoproductioncompany
https://www.tiktok.com/.incpc
https://www.facebook.com/EBCfilms/
https://m.youtube.com/c/IglesiaNiCristoEVangelicalMission
https://m.youtube.com/c/INCTVChannel
https://m.youtube.com/c/INCRadioDZEM954TheVoiceofTruth
https://m.youtube.com/c/INCTVChannel
https://www.facebook.com/CEBSI.INC/


26/07/2023

IPAGBUNYI ANG PAG-IBIG NG DIYOS!

Inaanyayahan ang lahat na magbalik-tanaw sa mga kagandahang-loob at tagumpay na iginawad ng Panginoong Diyos sa Iglesia Ni Cristo.

Panoorin natin ang natatanging pagtatanghal na ito ng INCTV sa darating na July 27, 2023.

26/07/2023

Watch it on Thursday, July 27 at 9 P.M. PHT

Spread the word, share this poster.

HAPPY THANKSGIVING DAY ANNIVERSARY !!!!!TO ALL BRETHREN 🇮🇹
21/07/2023

HAPPY THANKSGIVING DAY ANNIVERSARY !!!!!
TO ALL BRETHREN 🇮🇹

17/07/2023
Happy thanksgiving day sa lahat ng kabaatang IGLESIA NI CRISTO🥰🇮🇹
14/07/2023

Happy thanksgiving day sa lahat ng kabaatang IGLESIA NI CRISTO🥰🇮🇹

14/07/2023

Hulyo Bentesiete
Milnuevesientos Katorse🇮🇹
Only Kapatid Knows

Nalalapit ang araw ng Pagpapasalamat ng mga kabataang hinirang para sa kaarawan ng Iglesia😍❤Kaya't ngayon, aming Dios, k...
11/07/2023

Nalalapit ang araw ng Pagpapasalamat ng mga kabataang hinirang para sa kaarawan ng Iglesia😍❤

Kaya't ngayon, aming Dios, kami ay nagpasasalamat sa iyo, at aming pinupuri ang iyong maluwalhating pangalan.
( 1 Mga Cronica 29 : 13 )

HAPPY THANKS GIVING TO ALL PNK❤
( JULY-15-2023 )


Tandaan mo IGLESIA NI CRISTO ka🇮🇹😊
06/07/2023

Tandaan mo IGLESIA NI CRISTO ka🇮🇹😊

05/07/2023

This July, we will thank God for 109 years of His blessings and guidance to the Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ).

Show how proud you are to be an INC member. Join the challenge. Here's what you do:

> Take a selfie, groufie, or a family photo right after the Thanksgiving Worship Service (not inside the worship building).

> Add a description by answering the question: "How important is the Church Of Christ to you and your family?"

> Add the official hashtag .

> Post on your Facebook, Twitter, or Instagram accounts.

Posts selected will be shared on the INC News And Updates page.

Sa pagsamba lamang... 🇮🇹
04/07/2023

Sa pagsamba lamang... 🇮🇹

Address

Liberty Road
Puerto Princesa
5300

Telephone

+639354909154

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The True Flock posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The True Flock:

Videos

Share

Category


Other Video Creators in Puerto Princesa

Show All

You may also like