07/05/2025
Minsan kong pinangarap na makapag-work ng naka-pajamas tulad ng ibang VAs na nakikita ko lang dati sa facebook tapos ngayon na-achieve ko na. Sobrang nakakatuwa. Sobrang nakaka-proud. Di man ako kasing successful ng iba, pero alam ko naman sa sarili kong sobrang layo ko na sa dati. 🥹
Dati kulang palagi ang sweldo para sa mga bayarin at pagkain sa bahay.
Dati pinagkakasya yung kakarampot na kinikita, maka-survive lang okay na.
Dati laging delayed ang bayad sa bahay o di kaya palipat-lipat naman.
Dati baon sa utang dahil kada sweldo napupunta halos lahat sa utang.
Dati hindi makabili ng gusto tulad ng damit, phone, gamit, at iba pang material things na hanggang sa window shopping lang nakikita.
Pero ngayon, somehow nag-iba na. Na-afford na rin kahit papaano yung mga bagay na dati parang imposible mabili dahil nga sobrang liit lang ng sahod. Kailangan magtipid. Kailangan unahin ang mga priorities, yung bills, food, etc.
Sobrang thankful ako that I discovered this type of job na kahit nasa bahay lang, kahit naka-pajama lang, or kahit nasaan as long as may internet or data (depende kung flexible ang client, hindi applicable sa lahat) eh pwedeng pwede kumita ng dollars. 💵
Hindi rin madali sa totoo lang. Hindi mabilis sumakses sa pagvi-VA tulad ng mga napapanood at nakikita niyong mga achievements ng iba. Maraming posts ang magpapaniwala sa inyong mabilis kumita ng 6-digits, pindot pindot lang kikita ka na, but that’s not it. Masyadong na-romanticized ang virtual assistance/freelancing kaya yung expectations ng newbies eh ganon ganon na lang. I suggest try niyo muna para malaman niyo kung totoo nga. Kasi kaming nandito na, pag nawawalan kami ng client, nahihirapan din kami makahanap ng kapalit. 😅