#WeatherUpdate | Pahirapan sa pagtawid ang mga nai-stranded na motorista at mananakay dahil sa rumaragasang tubig-baha nang mag-overflow sa mga mababang kalsada sa bayan ng Sofronio Española kahapon, Lunes, Enero 13.
Batay sa nakalap na impormasyon ng Repetek News mula sa ilang mga drayber at mananakay, hindi nakalusot ang mga karamihan sa mga sasakyan sa lugar na kung saan doon na lamang umano sila nagpalipas ng ilang oras upang maghintay sa paghupa ng baha.
Anila, bandang alas-nuwebe na umano sila ng gabi nakaalis sa lugar nang humupa ng bahagya ang nasabing baha.
Kaugnay rito, sinuong naman ng ilang drayber ang baha habang ang ibang pampasaherong van ay nagpahila sa mga mamalaking sasakyan gaya ng truck at pick up vehicle para ligtas na makalusot at makarating sa kani-kanilang paroroonan. | via Marie Fulgarinas
#DapatTotoo #DapatTamangPagbabalita
Tinatayang nasa 25,000 katao ang dumalo sa peace rally ng Iglesia ni Cristo sa Lungsod ng Puerto Princesa kaninang umaga, Lunes, Enero 13, ayom sa datos.
Batay sa nakalap na impormasyon ng Repetek News, nanggaling pa sa iba’t ibang munisipyo sa lalawigan ng Palawan kabilang na ang Lokal ng Calamianes Islands. | via Marie Fulgarinas, Repetek News
#WeatherUpdate | Stranded ang karamihan sa mga sasakyan at motorista dahil sa patuloy na pagtaas ng level ng tubig-baha sa Barangay Panitian sa bayan ng Sofronio Española bunsod ng patuloy na pagbuhos ng ulan na dala ng shear line at Eastern Monsoon ngayong hapon, Lunes, Enero 13. | via Ven Botin, Repetek News
#IngatMgaKababayan
PANOORIN: Inanunsyo ni Antonio Almeda, Administrator, National Electrification Administration (NEA) ang hatol na "Deactivation" o pagtanggal ng mandato sa lahat ng Board of Directors ng Palawan Electric Cooperative sa tanggapan ng PALECO Main sa Lungsod ng Puerto Princesa nitong umaga ng Lunes, Enero 6.
Kinansela ang pagiging miyembro ng mga opisyal bilang Board of Directors ng kooperatiba matapos ang imbestigasyon ng NEA kung saan napansin ng investigation team ang pagtanggal ng election schedule ng mga Districts VI, VII at VIII sa kanilang special board meeting nitong nakalipas na Nobyembre 28, taong 2024.
Ayon sa investigation team, taliwas umano ito sa alituntunin ng National Electrification Administration at kapakanan ng mga member-consumers (MCOs).
Dahil dito, agad namang bumuo ng Task Force ang administrasyon na binubuo ng limang (5) general managers mula sa iba't ibang electric cooperative sa bansa na pansamantala munang hahalili sa mga natanggal na BOD ng PALECO.
Maghahain naman ng motion for reconsideration o apela ang mga tinanggal na Board of Directors ng PALECO para mapakinggan ang kanilang mga panig at mabago ang naging hatol.
Nais ding iapela ng mga miyembro ang patungkol sa pag-alis ng election schedule dahil naghihintay umano sila ng desisyon ng injunction na isinampa sa korte ng mga Board of Directors ng District VI, VII, AND VIII na sina BOD Leonore Asuero, Nila Momo, at Liza Jaranilla. #RepetekNews | via Ferds Cuario
#MetroNews | Umani ng papuri ang performances ni Tawag ng Tanghalan Season 7 Grand Champion Rea Gen Villareal sa closing ceremenoy ng BIMP-EAGA Friendship Games 2024 sa Basketball Court ng Balayong People’s Park. | via Repetek News
Nasa Lungsod ng Puerto Princesa si dating Ifugao Lone District Congressman Teddy Baguilat Jr. upang talakayin ang mga karapatan at kapakanan ng mga katutubo ng Puerto Princesa at Palawan.
Si Baguilat ay tumatakbong kongresista sa Mayo 2025 National at Local Elections sa ilalim ng Mamamayang Liberal (ML) Partylist. | via Vivian Bautista Repetek News
Para sa buong ulat, abangan dito!
Delegasyon ng bansang Indonesia ang may pinakamaliit na bilang ng delegation members sa bilang na 27 manlalaro, pitong (7) coaches, at labing-isang (11) mga opisyal mula sa kanilang sports commission.
Mula sa siyam (9) na teams na lumahok sa #BIMPEAGA+NT2024, ang bansang Brunei Darussalam at Indonesia rin ang may tag-iisang team.
Batay sa datos, kabuuang 45 Indonesian nationals ang tumungo sa Puerto Princesa para lumahok sa friendship game ng mga bansang Brunei Darussalam, Indonesia, Malaysia, at Philippines (BIMP).
Pilipinas naman ang may pinakamaraming delegasyon sa kabuuang bilang na 501; lima (5) ang Ph teams — ito ang Mindanao A (Davao), Mindanao B, BARMM in Muslim Region, Palawan, at Puerto Princesa City.
Samantala, matapos ang anim na taong pagkakahinto ng friendship games ng apat na bansa bunsod ng pandemyang Covid-19, natuloy ito ngayon sa pangunguna ng Philippine Sports Commission, Mindanao Development Authority, at City Government of Puerto Princesa. | via Repetek News
#PuertoPrincesa #RepetekNews
PANOORIN: Nagliwanag ang kalangitan ng lungsod ng Puerto Princesa sa naggagandahang fireworks display alinsabay sa pagpapailaw ng higanteng community christmas tree ngayong gabi, Disyembre 1.
Ang fireworks display ay tumagal ng halos sampung minuto na talagang hinintay at inabangan ng mga residente.
Kanya-kanyang kuha ng larawan at video ang publiko bilang remembrance sa pakikiisa sa Paskong Masaya sa Puerto Princesa. |via Clea Cahayag
🎥 Repetek News Team
PANOORIN: Pormal nang pinailawan ang Giant Community Christmas Tree sa lungsod ng Puerto Princesa ngayong ika-1 ng Disyembre sa ganap na 7:30 ng gabi.
Ang 153 feet na christmas tree ay napapalibutan ng iba't ibang palamuti, parol at makukulay na ilaw.
Inabangan din ng lahat ang pyro-musical display na halos tumagal ng sampung minuto.
Ang Light a tree ceremony ay sinaksihan ng libu-libong residente ng lungsod ng Puerto Princesa. | via Lars Rodriguez
🎥 Repetek News Team
Binubuo ng 105 indibidwal ang delegasyon ng Puerto Princesa para sa BIMP-EAGA+NT Friendship Game 2024.
Kabuuang 75 atleta, 16 coaches, at 14 officials ang delegasyon ng lungsod.
Ang Puerto Princesa ay isa sa teams ng ‘Pinas sa friendship game ng mga bansang Brunei, Indonesia, at Malaysia.
Bago sinimulan ang awarding ceremony ng #BatangPinoy2024 Championship Game nitong gabi ng Huwebes, Nobyembre 28, ipinasilip sa mga dumalo ang ilang kuhang video na binuo ng City Information Office of Puerto Princesa tampok ang araw-araw na kaganapan ng nasabing sports events. | Lars Rodriguez, Repetek News
Batang Pinoy Closing Ceremony 2024
Dalawang atleta mula sa bayan ng Biñan at Lungsod ng Naga ang kinilala bilang Most Outstanding Athletes sa katatapos lamang na Batang Pinoy 2024.
Pinarangalan din bilang Biggest Delegation ang City of Pasig na mayroong 761 participants.
Samantala, ang Puerto Princesa City ay kinilala rin dahil sa galing at husay bilang ‘Host City’ nang limang araw na larong palakasan. | via Lars Rodriguez
🎥 Repetek News Team