29/09/2022
September 29, 2022 / Thursday
Corres : Ronald Agbaya
Source : Courtesy of LGU - Pagbilao, Quezon
Lead : Turok Palit Bigas Program, Inilunsad ng Team Energy Foundation, LGU - Pagbilao, Bilang Pagsuporta sa Panawagan ni Governor Tan, sa Pinaigting na Bakunahan sa buong Probinsya
Bilang pakikiisa ng Team Energy Foundation, at ng mga Opisyal ng LGU - Pagbilao, sa mas pinaigting na kampanya ni Quezon Governor Doktora Angelina Helen De Luna Tan, na bawat Quezonian, ay mga Bakunado na, at may Booster Shots na.
Upang makamtan ang pagiging Herd Immunity ng bawat residente sa 39 towns, at sa dalawang siyudad sa nasabing Probinsya, kaya naman sa bawat munisipyo ay may kanya - kanyang gimik na maigting ang kampanya ukol sa Pinas Lakas Program ng Nasyunal na Pamahalaan ng DOH.
Partikular na dito sa bayan ng Pagbilao, Quezon, kung saan nitong Thursday Setyembre 29, ay inilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Pagbilao sa pangunguna ni Mayor Ate Gigi Portes katuwang ang Team Energy Foundation Inc.
Ang tinatawag nilang TUROK PALIT BIGAS PROGRAM, bilang bahagi ng Bakunahang Bayan, PinasLakas Special Vaccination Days.
Ayon sa pahayag ni Mayor Ate Gigi Portes, Ito raw ay mangyayari sa loob ng Special Vaccination Days simula Setyembre 29, hanggang Oktubre - a - 4, taong 2022, Araw -Araw, magkakaroon ng Turok Palit Bigas Program, may Isang daang (100) PagbilaoWINS na nagpabakuna ang mabibigyan ng tig-lilimang kilong bigas.
Sa pahayag pa ni Mayor Portes, matapos ang nasabing linggo ng bakunahan ay isasagawa ang Weekly Turok Palit Bigas Program, na may Isang daang (100) din na PagbilaoWINS na nagpabakuna ang mabibigyan ng tig-lilimang kilong bigas.
Layunin daw kase ng gawaing ito na mas mapataas pa ang porsyento ng bakunado kontra sa COVID-19 sa bayan ng Pagbilao.
Ayon naman sa mga taga - Team Energy Corporation Foundation Incorporation, katuwang ang Munisipyo na magbibigay din sila ng P10K, P7K, P5K, at mga Special Prizes sa programang "Pagbilao, Bakunado Kaya Panalo sa Turok Palit Pera Program".
Na kapag Sama-sama magtatagumpay tayo kontra sa pandemya, dahil bakunado, at protektado na sa bayan ng Pagbilao, Quezon.
Ni Ronald Agbaya
Correspondent
NET 25 / Radyo Agila
DZEC 1062 Khz Manila
DZEL 1260 Khz Lucena
EYEWATCH NewsWeekly