20/01/2025
EGG YOLK ISLAND OF ,TIWI ALBAY🏝️
Ito ay matatagpuan sa Tiwi, Albay isang sandbar na pangunahing binubuo ng nadurog na mga corals. Isa itong natatagong likas na yaman ng karagatan sa Albay. Madali itong mararating sa pamamagitan ng maikling biyahe sakay ng bangka mula sa baybayin ng Tiwi. Nagbibigay ito ng napakagandang tanawin, malinaw na tubig, at tahimik na kapaligiran na perfect para sa mga activity tulad ng swimming, snorkeling, at paglalakad-lakad sa dalampasigan.
Bukod sa kagandahan nito, mahalaga rin ang shoal sa kalikasan dahil nagsisilbi itong tirahan at lugar ng pagpaparami ng iba’t ibang uri ng lamang-dagat.