Aklat Mirasol

Aklat Mirasol Ang AKLAT MIRASOL PUBLISHING HOUSE ay isang samahan ng mga manunulat na nais magluwal ng mga makabuluhang akdang pambata at pangkabataaan.

Sa pamamagitan ng makukulay na kuwento, mauunawaan ng mga mambabasa ang mga pamanang kultural ng Pilipinas.

30/01/2025
30/01/2025

See you tomorrow at SM Aura!

Sasali kami sa Philippine Book Festival 2025 sa Tambayang Pambata booth na matatagpuan sa KidLit Zone!
24/01/2025

Sasali kami sa Philippine Book Festival 2025 sa Tambayang Pambata booth na matatagpuan sa KidLit Zone!

Pasko na naman, o kay tulin ng taon! Balik-tanawin natin ang ating mga karanasan at pulutin ang malalalim na aral ng mga...
23/12/2024

Pasko na naman, o kay tulin ng taon! Balik-tanawin natin ang ating mga karanasan at pulutin ang malalalim na aral ng mga ito. Nawa’y maramdaman nating lahat ang tunay na diwa ng Pasko. Isang Pasko sa ating lahat!

ICYMI, Aklat Mirasol books are also available at UST Bookstore! 😉
01/12/2024

ICYMI, Aklat Mirasol books are also available at UST Bookstore! 😉

It's December, you know the drill!

The UST Publishing House takes part in the University's Paskuhan celebrations with its annual book sale, with all USTPH titles at discounted prices and for as low as Php50.00. Books on consignment from fellow publishers are also on sale at 10% off at the UST Bookstore. USTPH titles will likewise be discounted at our Lazada and Shopee stores (please check for store vouchers).

Paskuhan Sale starts tomorrow, December 2 and runs until the 18th. See you at the Bookstore!

The Asian Festival of Children’s Content (AFCC) Circle Philippines at SM Baguio officially opened on November 21. Accord...
25/11/2024

The Asian Festival of Children’s Content (AFCC) Circle Philippines at SM Baguio officially opened on November 21. According to the original post, the exhibit, curated by Danielle Florendo, celebrates visual storytelling, by bringing together talented illustrators, and writers, advocating literacy across the country.

Thank you for including the illustrated works of our artists, Ma. Victoria Esquillo (Ako si Dumay, Hanunuo Mangyan) and Ginella Solis (Narinig Mo Na Ba Ang Agong?)!

Good news! SI FATIMA AT ANG KWINTANGAN KAYU is freshly off the press! This book will be featured at the Cultural Center ...
06/11/2024

Good news! SI FATIMA AT ANG KWINTANGAN KAYU is freshly off the press!

This book will be featured at the Cultural Center of the Philippines CHILDREN'S BIENNALE: LET'S PLAY! on Saturday, November 9 at the Samsung Performing Arts Theater, Ayala Malls Circuit in Makati City!

In collaboration with CCP, Aklat Mirasol offers a full day of fun and enriching experience to kids of interacting with the book author, Christine Marie Lim Magpile, and hands-on play with bamboo in the morning and afternoon sessions.

"Si Fatima at ang Kwintangan Kayu" is illustrated by Danielle Florendo. It will be available for purchase together with other Aklat Mirasol books at the merchandise area of the BIENNALE venue! Erwin Mallari Ginella Solis

Bring the kids and let us nurture them through exposure to the diverse Philippine arts and indigenous cultures.

You can also pre-order the book here:
https://forms.gle/KCGRwJbAMV3ckHqr7
See you there!

Work in progress: Bagamat masungit ang panahon, tuloy-tuloy po ang ating paglikha ng makabuluhang babasahin para sa bata...
23/10/2024

Work in progress: Bagamat masungit ang panahon, tuloy-tuloy po ang ating paglikha ng makabuluhang babasahin para sa bata at kabataang Pinoy.

Makiisa tayo sa pagbunyi kay Inang Kalikasan! Samahan niyo kami sa pakikiisa sa magaganap na 8th Gawad Bayani ng Kalikas...
10/10/2024

Makiisa tayo sa pagbunyi kay Inang Kalikasan! Samahan niyo kami sa pakikiisa sa magaganap na 8th Gawad Bayani ng Kalikasan sa Oktubre 12, 2024. Matutunghayan ang mga aklat pambata ng Mirasol sa kaganapang ito.

https://web.facebook.com/events/1731330177275621/

Isang artikulo ng pambansang alagad sa sining na si Rio Alma, nagbibigay halaga sa mga panitikan mula sa indie publisher...
05/10/2024

Isang artikulo ng pambansang alagad sa sining na si Rio Alma, nagbibigay halaga sa mga panitikan mula sa indie publishers bilang pagninilay-nilay niya sa naganap na MIBF 2024...

𝗜𝗡𝗗𝗜𝗘 𝗕𝗢𝗢𝗞𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗜𝗕𝗙

DAHIL LANG SA mga nabili kong librong indie sa second floor ng Manila International book Fair (MIBF) ay nais kong imungkahi na bigyan ng mas mainam na puwesto sa susunod na book fair ang indie publishers. Kung hindi puwede dahil sa mahal ang renta ng booths, nais kong imungkahi sa NCCA na maglaan ng sapat na pondo para makakuha ng maganda at maluwang na espasyo sa first floor ng MIBF at isáma sa mga ipagbibiling libro ng cultural agencies ang mga librong indie. Nais ko ring imungkahi sa BDAP at NBDB na muling suriin agad ang adhika ng MIBF at litisin kung ito’y para sa promosyon ng literacy at para sa pagbebenta ng panitikan at kultura ng Filipinas sa madla. Para mas luminaw sa mga lumalahok na pabliser ang kaniláng hangarin sa paglahok sa 2025.

Sa tingin ko kasí, kung pagtatampok sa kasalukuyang panitikan at sining ang titingnan, mas pangahas, inobatibo, at malikhain ang mga indie pabliser. Samantála, ang malalakíng pabliser ay mas teksbuk ang interes (dahil doon silá kumikíta) at mas konserbatibo sa paghirang ng ilalathalang akdang pampanitikan. Humahatak lang silá ng bumibilí dahil sa malakíng diskuwento at ibáng pang-akit para sa kaniláng tindang dayuhang aklat at mga titulong nakatinda rin naman sa kaniláng bookstores.

Ang mga teksbuk pabliser ang umookupa ng sentro at tanyag na booth sa first floor dahil nakaabang sa DepEd supervisors na maghahanap ng bibilhing aklat para sa kaniláng sákop na mga paaralan. Kung iyon ang adhika ng MIBF, puwedeng ilaan ang isang araw na espesyal para sa DepEd. O kayâ, puwedeng magkaroon ng special book fair para sa textbooks. Bagaman dapat ding malantad ang mga titser sa indie books, lalo na ang mga nagtuturò ng wika at panitikan na Balagtas lang, Rizal, at Ibong Adarna ang alám.

Ang MIBF ay nagsimula na isang hindi pansing aktibidad ng BDAP noong ika-20 siglo. Noon, nakikiusap pa ang kaibigan kong Pangulong Lirio Sandoval sa mga pabliser na lumahok. Mas malakí pa noon ang teksbuk fair ni Rex Bookstore. Pero ngayong mas dinudumog na ng madla ang MIBF ay siksikan ang malalaking teksbuk pabliser dito. Na ikinasiyá naman ng nangangasiwang Prime Trade ng SMX.

Pag hindi inayos ang kalagayan at pagtrato sa indie publishers, bakâ magkaroon ng gulo at kontrobersiya. Bakâ lumikha ang indie publishers ng sariling book fair at bakâ mahati pa ang nabubuong palengke ng libro sa ating lipunan.

Para sa akin ang higit na mahalagang palengke ng ating mga libro ay mga kabataan at magulang. Ang mga kabataan, dahil silá ang magmamána ng ating binubuong anyo ng kasalukuyan sa tulong ng edukasyon at panitikan. Ang mga magulang, sapagkat silá ang unang humuhubog sa ísip at damdámin, at panlasa sa panitikan, ng kaniláng mga anak bago pumasok sa paaralan at hábang nag-aaral. Malakíng tulong sa paaralan at sa industriya ng libro kung ang sektor na ito ang pagbuhusan ng pansin ng BDAP, NBDB, at mga pribadong pabliser. Pero hindi para bentahan lang ng aklat. (Pagsamantalahán!) Kung hindi para tulungan siláng mahubog ang panlasa sa panitikan at maakit na magkainteres sa pagpapalaganap ng pambansa at makabansang kultura.

Maganda na ngayon ang higit na aktibong pagtulong ng NBDB sa MIBF at ibáng gawain para mapalaganap ang libro. Maganda rin ang pagsasanib ng Manila Critics Circle at NBDB para sa pagbibigay ng parangal sa mahuhusay na libro ng taón. Subalit kailangang may pangmatagalan at matatág na patnubay ang NBDB sa pagtulong nitó. Mainam sána kung ang mga nagwawaging akda ay nabibigyan ng sapat na pagpapahalaga at kritika para maintindihan ng madla kung bakit nagwagi ang mga ito. Kritisismo sa akda at libro! Halimbawa, ang National Book Awards at ang Gintong Aklat Award ay sabay ipinoproklama. Magkaibá ang nananálo. Bakit? Ni hindi nililinaw ng BDAP ang saligan ng kaniláng Gintong Aklat, kayâ akala ng maraming awtor ay silá ang binibigyan ng award. Bakâ dapat maglabas din ang NBDB ng isang journal para sa kritisismo at kahit para sa mga balita tungkol sa mga bagong libro at talâ tungkol sa mga awtor. Ang journal ay maaaring ipamahagi sa mga aktibong aklatan at para magámit ng mga titser at estudyante.

Magtulong-tulong táyo para buháyin ang industriya ng libro sa buong Filipinas. Bigyan natin ng higit na puwang ang mga indie books at tulungang umunlad ang mga sumisiglang sektor sa paglalathala. (Itutúloy)

𝓢𝓪𝓻𝓲̀-𝓢𝓪́𝓶𝓸𝓽
ni Virgilio S. Almario
Ferndale Homes
24 Setyembre 2024

Mga bugto kag mga abyan, ara sila Dumay og Ameling sa Big Bad Wolf Books SM City Bacolod! Duawon niyo sila!
24/09/2024

Mga bugto kag mga abyan, ara sila Dumay og Ameling sa Big Bad Wolf Books SM City Bacolod! Duawon niyo sila!

Bigger is better!Narito na po ang mas malaking kopya ng Ako si Mudjat at Narinig mo na ba ang Agong? Hanapin lang po ang...
12/09/2024

Bigger is better!
Narito na po ang mas malaking kopya ng Ako si Mudjat at Narinig mo na ba ang Agong? Hanapin lang po ang mga kopya sa The Indie Publishers Collab PH booth (2nd flr. 2-94&95) sa MIBF.

Address

107 Filomena Street Barangay 14
Poblacion
1400

Opening Hours

Monday 8am - 8pm
Tuesday 8am - 8pm
Wednesday 8am - 8pm
Thursday 8am - 8pm
Friday 8am - 8pm
Saturday 8am - 8pm
Sunday 8am - 8pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Aklat Mirasol posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Aklat Mirasol:

Videos

Share

Category