Caregiver in Japan

Caregiver in Japan Mahirap man ang buhay sa Japan,kinakaya para sa pamilya.

17/06/2024

Yung naground ka hating gabi tapos pagtingin mo sa isang lola eh punong puno ng tae ang bed nya 😬
No choice ka kundi paliguan sya😥

Nakakapagod ang trabahong caregiver napakaraming stress pero mas nakakapagod at nakakastress yung mga kasama mong mga pl...
21/05/2024

Nakakapagod ang trabahong caregiver napakaraming stress pero mas nakakapagod at nakakastress yung mga kasama mong mga plastic. Akala mo kung mga sino kung umasta. Ok nmn sana kung maayos makipagusap at mag-utos sayo pero yung mga pasigaw at mga siga yun ang nakakainis. Kahit sa mga kapwa nila hapon ganun sila kaya wag ka na magtaka kung ganun din maging trato nila sayo.

Nong mga una kong taon dito ganun sila pero ngayon mag 10 taon na ako dito at nagamay ko na ang trabaho hindi na nila ako masigaw sigawan.
Pinoy tayo hindi nila basta basta maidodown.

Corona na nmn sa facility namin. Hay naku tanging japan nlng ata ang may corona. Pero relax lang habang nagbabantay at w...
21/05/2024

Corona na nmn sa facility namin. Hay naku tanging japan nlng ata ang may corona.
Pero relax lang habang nagbabantay at walang tumatawag. Ganito talaga ang buhay ng caregiver dito sa Japan.

MAY NAGSUICIDE SA FACILITY 😱Isang matanda ang nagsu***de sa facility. Edad nya ay nasa 70 pa lang pero hindi na sya naka...
13/05/2024

MAY NAGSUICIDE SA FACILITY 😱

Isang matanda ang nagsu***de sa facility. Edad nya ay nasa 70 pa lang pero hindi na sya nakakalakad. Tanging wheelchair na lang ang gamit nya lagi. Siguro ay nakaramdam sya ng depression at mas ginusto nya na lang tapusin ang buhay nya.

Bandang 4AM ng tingnan sya ng panggabi para palitan ng diaper pero dahil mahimbing ang tulog nya ay hindi na lang sya ginising.
(Pero ang totoo hindi pala sya tulog, kundi nagtutulog-tulugan lang)

Nang makaalis na ang mga staff sa kwarto nya ay don nya ginawa ang binabalak nya. Kinuha nya yung extension ng kuryente itinali sa may parte ng k**a, at itinali sa leeg nya. (Ang bed sa mga facility ay pwedeng iangat bandang ulo lang at pwede nmn iangat bandang paa lang.) Pagkatapos nya maitali sa leeg nya at sa k**a ang extension ay itinaas nya unti unti ang bed nya bandang ulohan lang kaya nagawa nyang kitilin ang buhay nya sa ganung paraan.

Nong pagbalik ng staff para icheck sana sya ay don na nila nakita ang ginawa ng pasyente. Dali dali nilang kinalas ang tali sa pagaakalang mabubuhay pa ang pasyenteng ito. Pero huli na wala na syang buhay.
Tumawag agad silang ambulansya at pati mga pulis. Sabi ng mga pulis sa totoo lang bawal sana nilang hawakan yun dahil pwede itong crime scene. Pero nagimbestiga ang mga pulis at may nakita silang su***de note.

Natigil ang operation na facility na yun ng isang araw. Walang paligo at walang inilabas sa bawat silid.
Inabot din ng isang araw ang imbestigasyon.

Unang kaso ito sa facility na may nagsu***de. Kailangan talaga na bawat oras ay ichecheck ang mga ito isa isa para alam mo ang ginagawa nila.

Mahirap ang trabaho sa gabi pero kapag nasanay ka na madali na lang ito.


11PM NANG MAGROUND AKO NABIGLA AKO SA ISANG PASYENTE NAMIN…Night shift duty ako noon, dalawa kami ng partner ko. Every h...
07/05/2024

11PM NANG MAGROUND AKO NABIGLA AKO SA ISANG PASYENTE NAMIN…

Night shift duty ako noon, dalawa kami ng partner ko. Every hour nagroround kami bawat room at chinecheck sila isa isa kung ok lang ba sila, wala bang nalaglag sa k**a or humihinga pa ba sila.
10PM hinati namin ng partner ko maground, sya from left going middle at ako from right going middle para madali. 11PM nagpalit kami ako naman from left going middle at sya from right going middle ng facility. Nang unang pasok ko sa room unang bed ng lolo pagtingin ko maputla na sya, usually kapag nagroround kami hindi namin binubuksan ang ilaw kundi yung ilaw lang na maliit sa may lababo katabi ng pinto. Nong nakita ko maputla sya tinawag ko pangalan nya,at nong hinawakan ko sya medyo matigas na at medyo malamig na. 😱Dali dali ko binaba ung head part nya kasi medyo nakataas yung bed nya bandang ulo, biglang tumunog yung nurse call naipit pala sa bed kaya tumunog at pumunta yung kasama ko. Sabi ko tingnan mo si Ter…san mukhang hindi na humihinga. Nagpanic na din yung kasama ko gusto pa kunan ng vital sign pero sabi ko tumawag na sya ambulansya. Nong tumawag sya sa ambulansya sabi CPR daw namin habang wala pa sila, yun nga ginawa namin pero wala na talaga. Tinawagan na din namin yung pamilya at inihanda sya para pagdating ng ambulansya madali na lang sya buhatin. After 5 minutes dumating din agad ang ambulansya at sinabing wala na nga syang buhay. Sumunod na din yung pamilya sa ospital ng pagdadalhan sknya para doon ideclare na wala na talaga.
Sobrang nakakatense kapag ganung mga pangyayari. Dapat 11:30 isa sa amin ay matutulog na pero wala na sa amin ang natulog gang umaga.

Isa lang ito sa mga karanasan ko dito sa facility namin. Ang hirap maging caregiver, minsan nga gusto ko na lumipat ng ibang trabaho.

Mayroon din palang nagsu***de sa amin, pero sa sunod ko na ikukwento.

HINDI LAHAT NG HAPON MABABAIT.Sa 10 taon kong pagtatrabaho dito bilang caregiver ang dami ko ng naencounter na iba’t iba...
05/05/2024

HINDI LAHAT NG HAPON MABABAIT.

Sa 10 taon kong pagtatrabaho dito bilang caregiver ang dami ko ng naencounter na iba’t ibang ugali ng mga Hapon.

Meron sa kanilang mabait lang kapag kaharap ka.

At meron ding kahit kaharap ka ay may mga sinasabi sila na akala siguro nila ay hindi mo maiintindihan. Minsan nga kahit kalahi nila pinaplastic din nila. Kaya wag ka na magtaka kung pagtalikod mo ganun din ginagawa nila sayo.

Unang taon ko dito sa work grabe yung stress ko, lalo hindi pa ako gaano marunong magsalita ng nihongo noon, kaliwa’t kanan yung utos, minsan nga hindi ko na alam sa kanila kung sino ba una kong susundin. Lalo na ung mga beterana na mga may edad na sila yung minsan mga bossy.

Tumatak sa isip ko noon na pagiigihan ko sa work para ipakita sa kanila na hindi ako basta basta magpapatalo sa kanila.
Ngayon yung mga bossy noon mga part time na lang ngayon, kaya mas ahead na ako sa kanila.

Minsan talaga kailangan mo lang magtyaga. Kasi lahat ng paghihirap at sakripisyo natin ay may magandang maidudulot at may magandang kapalit.

Sa lahat ng gustong magtrabaho dito sa Japan.
GANBARIMASYOU NE! 😊

April 15,2023 (Martes)Pagpapaligo sa matatanda ang isang gawain ng caregiver dito sa japan. Kung maassign kayo sa isang ...
16/04/2024

April 15,2023 (Martes)
Pagpapaligo sa matatanda ang isang gawain ng caregiver dito sa japan. Kung maassign kayo sa isang facility minsan nasa 20 katao pinapaliguan tapos dalawa lang kau nagpapaligo. Kung abutin pa sila ng t*e wala ka magagaw kundi patapusin sila. Meron pang ayaw maligo mangungurot tapos sumisigaw. Lahat naranasan ko na.
Kaya sa lahat ng mga gustong maging caregiver dito sa japan LABAN LANG, kung nakaya ko kaya nyo din. 😉

Address

Pili

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Caregiver in Japan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Videos

Share